Chapter 15: Hidden desire

80 3 0
                                    

IRISH'S P.O.V

"Hoy tulala ka diyan..-"..puna sa'kin ni Paolo habang winawagayway pa ang dalawang kamay sa tapat ng mukha ko.. "akin na lang 'tong kinakain mo ah..??"..paalam niya pero mas nauna niyang inusog yung plato ko sa sarili niya..tss. ang siba talaga niya.. bakit ko nga ba naging bestfriend ang matakaw na 'to??

Napangiwi na lang ako habang nilalantakan niya ang pancit palabok na binili ko.. nandito kasi kami ngayon sa cafeteria.. wala si Stacey.. ewan ko ba sa babaeng 'yun kung saan nagsususuot..

Napabaling naman ang tingin ko sa kakapasok lang na sina Trange kasama si Shawn at Lucas.. naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon..haixtz.. sinundan ko ng tingin si Trange.. naaawa ako sa kanya.. sabi ko na nga ba may mabigat na dahilan siya kung bakit siya naging ganyan.. matapos kasi ang nangyari kahapon ay kinulit-kulit ko si Shawn tungkol sa naging reaksyon nila ng makita nila si Shaira.. nakakapagtaka naman talaga di ba?? Na magkakilala pala silang tatlo.. 'yun nga.. nang kinulit ko si Shawn.. ayun sumuko at nagkwento siya sa'kin.. ako naman nagulantang sa nalaman at nasaktan at the same time.. nasasaktan ako para kay Trange.. ano kaya ang nararamdaman niya ngayon?? Haixtz!! Ang tapang-tapang niyang tingnan pero deep inside maybe he's weak.. tinatago niya ang lahat sa pamamagitan ng pagiging Gago..

Bigla naman akong pinulahan ng mukha ng mapalingon siya sa'kin at magtama ang aming mga mata.. bwisit!! Nausal ko na lang sa isipan ng mag-smirk siya sa'kin..kaya naman nag-iwas agad ako ng tingin.. bwisit talaga yun.. baka iniisip nun na pinagpapantasyahan ko siya.. tsk!!

"Halah.. may sakit ka ba??"..nag-aalalang baling sa'kin ni Paolo saka niya idinampi ang palad niya sa noo ko.."namumula ka..-"

"Hah??"..

"Masama ba pakiramdam mo??"

"Ah eh..hehe hindi..okay lang ako.. sadya lang na mainit..hehe.."..palusot ko pa at nagkunwaring naiinitan sa pamamagitan ng pagpaypay ko sa sarili ko gamit ang kamay ko.."hehe.. ang init noh-".

Tiningnan naman niya ako ng bored..

"Mainit?? Talaga lang ahH??? Sa lagay na 'to, Mainit pa 'to sa'yo?? Wag mo nga akong niloloko..-"..

"Eh bakit ba? Eh sa naiinitan talaga ako.. walang basagan ng sense..hmmpft!"..pag-irap ko sa kanya..

"Mainit raw?? Eh fully air condition itong cafeteria.. tss..-"..turan niya na nakapamaang sa'kin.. ai oo nga pala noh..haha basag.. pambihira.. wrong choice of reason.. hehe..

"Ah hehehe.."..mapaglaro kong tawa..

"Asus..-"..reaksyon niya lang at bumalik na lang ulit sa pagkain..

Napatingin naman ulit ako kay Trange..


Sabi ni Shawn.. mahal na mahal daw ni Trange si Shaira.. at baka raw mahal pa nito si Shaira mapanghanggang ngayon.. wala naman din daw official break up na nangyari sa pagitan ng dalawa dahil sa biglang pagkawala sa eksena ni Shaira.. Naiinis ako kay Shaira dahil sa ginawa niyang pag-iwan kay Trange ng ganun-ganun na lang..pero kahit ganun.. nung makita ko siyang tintrato ng ganun nina Lucas ay nakaramdam din ako ng awa.. kagaya ng kay Trange..meron din siyang rason sa pagkawala niya.. ano naman kaya 'yun??

Habang pinagmamasdan ko siya ay bigla ko na lang naitanong sa sarili ko..

'Mahal mo pa nga ba siya Trange??'

'May posibilidad bang magmahal ka ng iba bukod sa kanya??'

'Ako kaya, may posibilidad bang magkagusto ka sa'kin??'

Ai paper sheet!!erase!!erase!!! What i'm thinking!!?? Gosh!! Nababaliw na ako..


Namilog na naman ang mata ko ng magtama ulit ang paningin namin.. ghad!! Nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya.. whattDa!!!?? And the worse, ngumisi pa siya.. pang-asar lang.. hmmpft!! Kaya naman napayuko na lang ako sa kahihiyan..

Ano ba naman 'to lagi na lang niya akong nahuhuling nakatingin sa kanya.. halah!! Teka nga lang.. hehe nahuhuli niya ako kasi tinitingnan din niya ako.. pwede na bang mag-assume...hahaha

'Wag kang mag-assume..masasaktan ka lang.. at saka hindi naman basehan yun na tinitingnan ka din niya.. di ba nga, kapag may nakatingin sa'yo ay nararamdaman mo..-'..singit ni Konsensya.. pero tama naman, kasi kapag may nakatingin nga naman sa'kin ay nararamdaman ko talaga.. kaya minsan nagpapalinga-linga ako para mapatunayan ko yung instinct ko..siguro ganun din yung naramdaman ni Trange nung tinitingnan ko siya..haixtz..

"I guess you need this..-".. napaangat naman ako ng tingin.. at muntikan ko ng mailuwa ang mata ko ng makita si Trange na nakangisi habang nakatayo sa may tapat ko.. napatingin naman ako sa inilapag niya sa mesa..

Panyo??

Aanhin ko naman yan??

Napakunot ako ng noo na nag-angat ulit ng tingin sa kanya.. bwisit 'to.. hindi pa din kasi nawawala ang nakakaasar na ngisi niya sa mukha..

Bigla siyang yumuko ng konti para makapantay sa may tenga ko at bumulong..

"In case na paglawayan mo ulit ako.. "..bulong niya na ikinanganga ko.. ang kapal talaga.. urggGhh!!.."- wag mo ako masyadong pagnasahan okay??"..tumayo na siya ng deretso at maglalakad na sana pero bumaling ulit siya sa'kin na mapanghanggang ngayon ay laglag ang panga sa sobrang kahambugan ng lalaking 'to..".-at nga pala.. wag ka masyadong pahalata.. "..dagdag pa niya na may nakakalokong ngisi sa labi.."halata kasing may Hidden Desire ka sa'kin.."..naiiling niyang sambit bago tuluyang umalis..

Napatingin naman ako kay Shawn na mukhang natatawa, ganun din si Lucas.. tsk!!mga bwisit!! Pag-untugin ko kaya silang tatlo jan.. tsk..







------

To be continued...

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon