TRANGE'S P.O.V
"Nakakaasar!! Nakakaasar talaga!! UrggGhHhh!! Bwisit.. bwisit!! Hindi talaga ako maka-move on!! Hmmpft!!".. -_-?? Nakakairita na ang bunganga ng babaeng 'to.. kanina pa 'yan ganyan.. kulang na lang ay maglupasay siya sa inis.. tss!! Kung bwisit siya mas nabubwisit ako sa kanya.. ang sarap ng tulog ko dito sa rooftop tapos dadating siya at mag-iingay.. buti pa kung maganda ang boses ehH sa nakakairita kaya.. makabasag eardrums.. tss!! .."-.. urgGGhhH!! BWISIT NA SHAWN!!"..sigaw niya.. so kay Shawn pala siya naiinis.. *smirk* ano naman kaya ginawa ni Shawn dito at parang sobrang asar sa kapatid.. tss!! Minsan lumalabas din ang kapilyuhan ni Shawn.. psshH!!.. "wag lang siyang magpakita ngayon dahil hindi pa ako natutunawan sa ginawa niya.."..papadyak na sabi niya..
Tss.. baliw!!!
"Bwi.....-"..magsasalita pa sana siya pero naputol ito ng batuhin ko siya ng plastic bottle sa ulo.. "aray..-bwisit sinong nambato?? Gusto mo suntukan na lang ohH??"..
"Tss!! Ingay mo..-".. nagulat naman siya ng makita ako.. tsk!! Bulag ba siya at ngayon lang niya ako napansin kong hindi ko ba siya binato hindi pa niya ako mapapansin.. ganyan ba ka-occupied ang utak niya para hindi mapansin na may tao sa paligid niya..
"T-trange??"... mukha siyang kinabahan.. tss!! "-ikaw ba 'yung bumato sa'kin??"..
"Oh tapos ako nga.. anong gagawin mo??".. cold na sabi ko habang nakasandal sa pader at nakapamulsa..
"Ha-ha wala naman.. he-he hindi naman masakit eh..ha-ha-ha-ha..- gusto mo ulitin mo..-"..saka niya pinulot ang plastic bottle at inaabot sa'kin.."oh.. -"..tss!! Hindi ako bakla pero napairap ako sa kanya.. pambihirang babae.. may pagkabaliw talaga.. tss!!
"Kung bote kaya ang ibato ko sa'yo.. tss..-"..
"Ha-ha wag naman.. mashakit 'yun.. "..nakangusong sambit niya.. psshhH!! Baliw na isip-bata!! "Maawa ka naman sa ulo ko.."
"Tss.. as if namang mababasag 'yang bungo mo.. sa katigasan ba naman ng ulo mo baka 'yung bote pa ang mabasag kapag tumama sa'yo.. tss!!"
"Grabe ka naman..hay.. ano palang ginagawa mo dito??".. tanong niya sa'kin.. heto na naman po siya nagfefeeling close na naman.. tss.. makatanong akala mo magkaibigan kami..".. bingi ka ba o anuh??".. sabi niya saka naupo sa gilid.. sumandal siya sa pader habang nakaunat ang mga binti..
"Tss.. natutulog. . Kaso may dumating na palaka.. kaya nagising ako..tsk!!"
"May palaka?? Asan na nagpunta??".. l.g! PsshH!!
"Ayan oh.."..-turo ko sa dereksyon niya..
"Asan??"..palinga-linga niyang tanong sa'kin kaya naman medyo napasingkit ako.. "wala naman ehH.. psssHh!! Sinungaling!"..
"Tss.. kumuha ka ng salamin.. makikita mo 'yun..-"
"Anong connect ng salamin sa palaka.. pssHh!!"
"Malalaman mo kung titingnan mo..-"..
"Hmpft!.-"..irap niya sa'kin saka naghalungkat sa bag niya.. nyemas!! Kukuha talaga ata ng salamin ang babaeng 'to.. tss..
Napatawa ako ng bahagya ng may inilabas siyang salamin.. at nanalamin..
"Oh nakita mo na???".. nakangisi kong tanong.
Marahas naman siyang napalingon sa'kin at sinamaan ako ng tingin..
"Bwisit!! Hindi ako palaka..walang'yah!!".. padabog niyang isinilid ang salamin niya sa bag at saka naghalukipkip..
Bwisit!nakakatawa siya.. uto-uto lang.. tss.. kaya siguro pinagtitripan siya ni Shawn kasi madali siyang mauto!! PssHh!!
BINABASA MO ANG
The Good Guy's Jerk Side (Completed)
Science FictionLove can changed you into someone you'd never imagine you could be.. but it's still your choice, if you changed for the better or change for the worse.. Here's the story of a good guy who suddenly became a jerk. he was so kind.. an angel in disguise...