Chapter 5: Tanga ka ba??

82 4 0
                                    

TRANGE'S P.O.V

Ayan na naman siya nakaharang na naman sa daan ko.. txk!!mukha siyang tanga habang may kung anong binabasang libro.. nakangiti pa talaga siya ahH. muntanga talaga..

Napailing na lang ako habang humahakbang paakyat sa hagdan.. at siya naman ay medyo nakatunggo habang bumababa.. tss.. hindi ba niya alam na pwede siyang madisgrasya sa ginagawa niyang yan??mantakin mo ba namang nagbabasa habang pababa ng hagdan at may headphone pang nakalagay sa tenga.. sinong matinong tao ang gagawa niyan..??pssshH!!

Sa halip na pagsabihan siya ay gumilid na lang ako.. tss!pero hindi pa man ako nakakalagpas sa kanya ay bigla siyang napatingin sa'kin na siyang ikinamilog ng kanyang mata... tss!!mukha ba akong multo para ganyan ang maging reaksyon niya?? Tss..

"Whaa..."... ng bigla siyang mtaranta at ma-out of balance sa hagdan.. buti na lang ay nahapit ko agad ang bewang niya..kung nagkataong hindi baka bumalintong na siya pababa.. txk!txk!!

Hindi siya makapaniwalang napatingin sa'kin.. hindi din nakaligtas sa mata ko ang paglunok niya ng dalawang beses..tss.. hindi halatang kinakabahan siya *insert sarcasm here.*

Nang mapansin kong nakatitig siya sa'kin ay agad ko siyang binitawan.. na agad din naman siyang nakahawak sa railing ng hagdan..

"Tanga ka ba talaga??"..cold na tanong ko bago ako tuluyang naglakad pataas..

"Salamat.."..mahinang pakakasambit niya pero narinig ko pa rin..

"Tss...''..naiiling kong reaksyon!! Naasar ako sa mga babaeng patanga-tanga!!txk!! Buti na lang kapatid siya ni Shawn.. kung hindi baka nalaglag na siya ng tuluyan sa hagdan.. hinding-hindi ko sana siya hahapitin.. tss...

Nagtungo na lang ako sa rooftop kung saan ako mahilig tumambay.. matutulog na lang ako dito kesa makinig ng boring na discussion ng prof. Namin.. tss!!

Nahiga ako sa may gilid kong saan hindi natatamaan ng sinag ng araw.. iniunan ko ang dalawa kong braso at pinagmasdan ang bughaw na kalangitan..

Sana ganyan din kapayapa ang buhay ko..

Napabuntong-hininga ako bago ko ipinikit ang mga mata ko..

------

Naalimpungatan ako sa isang ingay.. dahan-dahan akong napaupo.. nakabaluktot ang kabila kong tuhod habang nakapatong dito ang isa kong braso..

"What are you doing here??".. bungad na tanong ko sa kapatid ni Shawn habang pinupulot ang libro niya sa sahig.. yun ata yung ingay na narinig ko kanina..

Nagulat naman siya sa'kin kaya dali-dali niyang pinulot ito at napaayos ng tayo..

"Ha??"..

"Txk!sabi ko anong ginagawa mo dito??"... pag-uulit ko ng tanong.

"Ah eh.. hehe wala naligaw lang dito..-''..

"Naligaw?? Ang tanda mo na naliligaw ka pa rin?? Wala ka bang sense of direction?? O sadyang tanga ka lang talaga??"..walang pakundangan kong turan.. ganito ako magsalita!prangka na kung prangka..makasakit na kung makasakit ng damdamin ng iba!basta ang akin lang ay mapahayag ko kung ano man ang nais kong sabihin.. "may tanong ako??sana sagutin mo??"

"Hah??.ano yun??"..

"Tanga ka ba??"..

"Hindi ah!"

"Tss.. halata na nga itinatanggi pa!"

"Halata na pala ehH.. bakit nagtanong ka pa?? Di ikaw ang mas tanga.."..napa-smirk naman ako sa tinuran niya.. magkapatid talaga sila ni Shawn parehong mahilig mambara..

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon