Chapter 9: Hidden Heart

82 3 0
                                    

IRISH'S P.O.V

"Mall naman tayo oh??"..biglang aya ni Stacey habang naglilinis kami ng room.. sweepers kasi kami ngayon.. at dapat anim kaming nandito ngayon..pero yung apat na tamad tumakas.. pambihira.. ang dadaya!! Kaya heto, kaming dalawa lang ni Stacey ang nandito..pero okay lang.. kaya naman namin ehH!! We don't need them anyways!! Tss..

"Ikaw na lang.. tinatamad ako ehH. -".sabi ko na lang.. eh sa tinatamad naman talaga ako.. hindi kaya ako mahilig mag-mall..

"Ai anuh ba yan??.."..nalukot naman ang mukha niya.."ayaw mo ba talaga??"

"Next time na lang..-"..

"Grabe ka.. ang K.j mo naman.. hmmpft!".. irap niya sa'kin na ikinatawa ko lang..

"Haha ganun talaga....".. i uttered habang itinatabi na ang walis tambo.."Ayan!!tapos na tayo.. uwian na.."..mungkahi ko.

"Finally..-"

Inayos na namin ang gamit namin at lumabas na ng room.. hindi pa man kami nakakalayo ay may naalala ako..

"Stacey mauna ka na.. may hihiramin lang akong Libro sa Library.."..

"Samahan na kita..-"..alok naman niya..

"Wag na.. magmall ka na lang.."..

"Hmm.. mall mag-isa!?? Ang loner naman ng dating ko hah??"..may pagkasarkastik niyang sambit.."aha??"..parang may lightbulb namang lumitaw sa tuktuk ng ulo niya.."..-itetext ko na lang yung katextmate ko..ahehe.. "..

Napakunot naman ako ng noo.."textmate?? Makikipag-eyeball ka ba??"..

"Oo..haha tingin ko kasi gwapo yun.. at saka para naman may kasama akong gumala.."..taas-baba pa ng kilay niyang sambit..

"Wag ka ng makipagkita.. sasamahan na lang kita sa mall.. baka kung ano pa ang mangyari sa'yo..malay ba natin kung rapist yun.. mahirap na noh.. -".. kinakabahan lang kasi ako sa kanya.. di ba madaming nababalita ngayon na nare-rape dahil sa eyeball-eyeball na 'yan.. at worse dun eh pinapatay pa ang iba kaya dapat nag-iingat..

"Ohhh.. natouch naman ako..haha ang caring mo palang friend..-alam kong kinakabahan ka for me..pero don't cha worry much.. kasi sa mall naman ehH.. madaming tao dun.. ,gaga.."

"Pero kasi..-"

"Haha pramis..makakauwi ako ng buong-buo.."..pagbibiro pa niya habang nagpipindot ng cellphone.. siguro katext niya yung sinasabi niyang imemeet niya .

"Paanu na si Shawn??"..iwan ko ba kung bakit yun ang natanong ko..haha ang wierd lang..

Nakanguso naman niya akong tinitigan.."anong paano si Shawn?? Alam mo future sister-in-law.."..she giggled.."..-.makikipagkita lang naman ako ehH.. si Shawn nandito na siya oh..-"..turo naman niya sa puso niya at ngumiti ng kilapad-lapad..."wala ng makakapalit sa kanya dito..-"..okay??ang corny niya po...

"EhH??"

"Hahaha.. wag kang magkukwento kay Shawn na makikipagkita ako sa iba ahH..baka kasi magselos yun..hahahaha"..patawa talaga ang isang 'to.. akala mo naman boyfriend niya si Shawn.. haha hindi nga nanliligaw yun sa kanya ehH.."oh cia.. lalayas na ako at papunta na rin daw siya sa mall.. magkukwento ako bukas okay..hehe ciao!!"..tapos nagtatakbo na siya paalis..

"MAG-INGAT KA!!!"..pahabol ko dito.. lumingon naman siya at nagthumbs up..napailing na lang akong lumiko pakanan.. haixts!!may hihiramin pa pala akong libro.. i check my watch.. almost 5 palang ng hapon.. buti na lang hanggang 6 ang pagsara ng library..kaya makakahiram pa ako..

Nagtungo na nga ako sa library at hinanap yung librong may kinalaman sa Economics Development.. may pinapagawa kasing research project si mam.. malayo pa naman ang deadline pero mabuti na 'tong maaga pa lang matapos ko na..para hindi na din ako nagra-rush..

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon