Chapter 19: what's now??

59 3 0
                                    


TRANGE'S P.O.V

sh*t!!

Ang sakit ng ulo ko.. hanggang ngayon ay may hang over pa rin ako.. at ang nakakabwisit pa ay yung magising ako sa ibang bahay.. sa bahay nina Shawn.. sabi ni Shawn si Irish daw ang nagdala sa'kin doon ng makita akong nakaupo sa gilid ng kalsada.. hindi ko nga din alam kung paano ako napadpad sa kalsadang yun..tss!! Sa sobrang kalasingan ko hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko kagabi pero ang huli ko lang natatandaan ay nakipagbasag-ulo ako sa bar.. pero himala't wala naman akong kahit isang gasgas..tss..

Naglalakad na ako papasok ng school pero sa halip na dumeretso ako sa room namin ay sa tambayan ako nagtungo.. hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan ng marinig ko sina Shawn At Lucas na nag-uusap..

Himala ata't nandito sila.. tss!baka naman wala yung prof. Sa first subject nila kaya tumambay na muna dito o di kaya ay sinipag magditch ng klase pero knowing Shawn.. hinding-hindi 'yun magdi-ditch ng class..

Sumandal ako sa pader, sa may gilid ng pinto at pinakinggan sila..

"Hindi ko nga 'yun.. kakausapin!!tss.. kulit mo naman ehH!! Baka masapak ko lang ang babaeng 'yun..-"..mukhang asar na sabi ni Lucas.. ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang 'to o di kaya ay sino??..

"Pagpaliwanagin naman natin.. hindi naman habang buhay eh magagalit tayo sa kanya..-"

"Ano ba Shawn!!?? Bakit ba gustong-gusto mong kausapin ang walang'yang babaeng 'yun!!??nakakaasar ka na aHh!!"..

"Gusto ko lang naman malaman kung ano ang dahilan ng pagkawala niya??? Si Shai..-"..parang tumigil naman ang pintig ng puso ko ng marinig kong banggitin ni Shawn ang pangalan ni Shai.. so?? Si Shai pala ang pinag-uusapan nila.."..-naging mabuti siyang kaibigan sa'tin noon.. bakit hindi natin siya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag?? Malay natin hindi niya ginusto ang nangyari..-"

"Shawn, alam mo ba ang sinasabi mo?? Tsk!! Hindi mo ba naiisip ang mararamdam ni Trange!?? You're impossible.."

"Ginagawa ko nga ito para kay Trange.. gusto kong malaman ang dahilan niya para kay Trange.. para magkaroon na din sila ng closure.. mahirap mabuhay sa nakaraan Lucas.. at higit sa lahat, gusto ko na ding bumalik ang dating Trange..-".. napabuntong-hininga na lang ako habang nakikinig sa kanila..

Closure?? Siguro nga kailangan ko 'yun..pero hindi ko pa kayang makausap siya at hindi ko pa kayang malaman ang dahilan niya.. baka hindi ko matanggap ang rason niya.. baka lalo akong masaktan..

"Haixtz...nakakabwisit naman ohH.. pero kapag nakakagago ang dahilan niya.. asahan mong ako na mismo ang maglalayo sa kanya kay Trange.. marami na ang pinagdaanan ng kaibigan nating 'yun.. ayoko nang madagdagan pa 'yun ng dahil sa dahilang pwede nating malaman..-".. tunay na mga kaibigan talaga sila na kahit ang dami ko ng pinagbago ay nariyan padin sila.. they're stick beside me.. and im glad that they're my friends..

"If ever man na makakasama kay Trange ang dahilang 'yun.. mas gugustuhin ko pang itago 'yun hanggang sa hukay ko.. at gagawa ako ng paraan para umalis dito si Shai.. kung mas makakasama siya kay Trange then mas makakabuti pang bumalik na lang siya sa lupalup kung saan siya tumira for almost three years..-"

Isang mahabang katahimikan ang nangyari bago ko sila narinig na sabay na nagbuntong-hininga...

Aalis na sana ako ng magsalita ulit si Shawn..

"May napansin ka ba kay Shai??"

"Huh??"

"Yung kulay ng balat niya.. sobrang puti..-"

"Akala ko naman kung ano na.. maputi naman talaga si Shai eHh..mas pumuti nga lang ngayon.. baka hiyang sa ibang bansa..tss..-"

"Siguro nga ..pero parang nasubrahan naman ata sa puti.. kulay-putla na siya.. kapag pinansin mo mabuti ang balat niya mapapansin mong maputla siya hindi maputi..-"..

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon