Chapter 10: Thank You Gift

65 3 0
                                    

IRISH'S P.O.V

Urong..

Sulong..

Urong..

Sulong..

Haixtz!!

Napabuga ako ng hangin habang tinititigan ko ang hawak kong box of cake.. ibibigay ko ba o hindi.. wag na lang kaya..nakakahiya naman kasing lumapit sa kanya.. pero sayang naman 'tong pinaghirapan ko.. naku naman ohH!!

Napatingin ako sa nakaub-ub na si Trange sa upuan niya.. himala ata at maaga siyang pumasok.. binalik ko ulit ang paningin ko sa box na hawak ko.. naman ehH!!ba't ba ako kinakabahan ng ganito ehH..ibibigay ko lang naman 'to sa kanya for thank you gift kasi tinulungan niya ako kagabi.. pangalawang beses na niyang niligtas ang buhay ko..una nung muntikan akong mahulog sa hagdan at ang pangalawa ay kagabi nung iligtas niya ako sa mga manyak na yun.. kung hindi dahil sa kanya baka na-rape na ako.. nakakakilabot isipin.. aixtz!!erase..erase..

Aja!!kaya ko 'to ibibigay lang naman ehH.. don't worry too much Irish.. magpapasalamat ka lang naman di ba?? Wala ng iba..

Sige na nga..iaabot ko na sa kanya sayang naman yung effort ko sa pagbake nito kung hindi ko naman ibibigay sa dapat kong pagbigyan..

Hugot ng lakas ng loob..

Naglakad na ako palapit sa kanya at huminto sa may gilid niya.. hinga ulit ng malalim..

Kinalabit ko siya sa balikat.. pero hindi naman siya nag-angat ng ulo..tulog ata..

"Trange??"..kalabit ko ulit sa kanya.."Tr..-"

"ANO BA??"sigaw niya ng mag-angat siya ng paningin.. napa-step back naman daw ako sa gulat.. mantakin niyong sigawan ako..kiaga-aga ang highblood na naman niya..wiw.. haixtz!! As usual.. hobby ata niya ang magpakahyblad..

"H-hi??".. kinakabahan kong bati sa kanya.. saka ko mabilisang inilapag sa upuan niya ang cake.."pa-thank you gift ko sa'yo.. salamat ulit kagabi.."..sabi ko at agad ko siyang tinalikuran at naupo sa upuan ko..

"Hoohh!.".. mahinang pagbuga ko ng hangin.. gusto ko mang tingnan ang naging reaksyon niya ay hindi ko magawang lumingon sa kanya.. ano kasi?? Nakakahiya ehH!! Pero parang alam ko naman din ang reaksyon niya..poker face as usual.. o di kaya nakakunot na naman ang noi niya..wiw..

Alam kong hindi niya yan maappreciate..pero okay lang atleast nabigay ko di ba?? Bahala na siyang humusga.. hmpft!! Laitin na niya kung gusto niya basta ang alam ko.. nag-exert ako ng effort dun at ginawa ko talaga ang makakaya ko to make it almost perfect.. 4 times pa akong nag-ulit para lang sa cake na yan... yung una kasi nasunog..tapos yung pangalawa naman hindi luto yung sa gitna tapos yung pangatlo naman..okay na sana yun nga lang sobrang alat.. at salamat naman nung sa pang-apat kasi okay na siya.. nahirapan lang akong maglagay ng icing kasi wala sa bokabularyo ko ang pagiging artistic.. siguro nagtataka kayo kung bakit nagbake pa ako ng cake instead na bumili na lang.. kasi po gan'to talaga ako kapag nao-overwhelmed sa isang tao.. gusto ko yung pinaghihirapan ko ang ibibigay ko..

Pero baka isipin niyang grabe na ang pagkagusto ko sa kanya kaya binigyan  ko siya ng cake..haixtz!! Ai ewan bahala na nga.. alam ko naman ang totoong dahilan ko ehH.. hindi para magpapansin kundi ang magpasalamat..




TRANGE'S P.O.V

"Salamat dito..".. sabi ko using my usual pokerface sa kanya ng magbreak time na.. halata naman sa mukha niya ang pagkagulat ng pasalamatan ko siya.. bakit ba?? Siguro nabigla, kasi kung titingnan ako ay wala sa personality ko ang magpasalamat..

"Ulitin mo nga..-"..pinaningkitan ko siya.. tss!! As if naman na uulitin ko.. pinasalamatan na nga.. gusto pa atang maging demanding..tss!

Kinuha ko na lang ang kahon at aakma na sana akong lalabas ng room ng harangan niya ako..

"Pwede pakiulit.. parang nabibingi na ata ako..-"..nakakunot niyang usal..

"Kung nabibingi ka.. dapat siguro maglinis ka na ng tenga mo.. tss..alis nga at baka uminit na naman ang ulo ko sa iyo't itampal ko sa pagmumukha mo itong cake na binigay mo..tss tabi nga..-"..saka ko siya hinawa sa gilid para makadaan na ako.. pero hindi nakaligtas sa'kin ang ngiting gumuhit sa mga labi niya..tss!! Babaeng weird..

Nagpunta na lang ako sa tambayan..

"WhoaaahH.. whoaahH.. pasalubong mo sa'min??"..parang kumikinang-kinang pa ang mata ni Lucas ng makita niya ang dala kong cake..kaya naman inabot ko agad ito sa kanya.. na agad din naman n'yang binuksan at tinikman ang icing gamit ang hintuturo niya.."wow..ang sarap.. "..natatakam niyang turan.."binili mo??"..

"Hindi..binigay lang."

"Nino naman??"..

"Galing sa kapatid ni Shawn si Irish..-"..wala kong kagana-ganang sagot..

"Weh??"

"Galing talaga yan sa kapatid ko.. pathank you niya 'yan kay Trange for saving her last night..".. si Shawn na ang nagsalita habang naglalaro ng kung ano man sa cellphone niya..

"Bakit ano ba nangyari kagabi ahH??"..tanong nito matapos sumubo ng kapirasong cake..meron kasing kasamang disposable spoon sa loob ng kahon nung cake..".. wow super hero ka na pala ngayon Trange??hahahaha".. pagbibiro nito matapos ikwento ni Shawn ang nangyari.. "Superman na superman ahH..hahaha at si Irish si Lois Lane..hahahaha..-aray.."..daing nito ng kuhanin ni Shawn sa kanya ang kutsarang hawak at ipinukpok sa noo ni Lucas..

"Manahimik ka..-"..

"Aray..-''..daing niya ulit ng makatanggap ulit siya ng isa pang palo sa noo galing kay Shawn.."..-ang takaw mo..-''..saka niya kinuha ang natitirang cake.."-.makakain ka diyan wagas eh hindi naman sa'yo.. hampasin kita diyan ehH.."..lumapit naman siya sa'kin at inabot ang cake.."oh kainin mo.. pinaghirapan yan ng kapatid ko kaya tikman mo kahit konti.. hindi mo alam kong gaano nahirapan ang isang yun para maka-bake ng ganyan..-".. so?? hindi ko naman sinabing magpakahirap siyang magbake para may maibigay sa'kin.. hindi ko kasalanan kung nahirapan man siya..tss!

"Tikman mo masarap siya..-".. pagkumbinsi naman sa'kin ni Lucas..Siya pala ang nagbake ng Cheese cake na ito ahH.. okay! Mahusgahan nga.. sumubo ako ng konti.. at oo nga masarap naman siya.. pwede na din.

"Oh ano??"

"Okay lang.. "..

"Pahingi pa nga..-".. lumapit sa'kin si Lucas kaya ibinigay ko na lang sa kanya lahat..

"Yun oHh.. Salamat Bro.."..tuwang-tuwang usal ni Lucas na nilantakan agad ang cake.. tss.. favorite kasi ng isang yan ang Ube.. kaya ganyan 'yan..

''Trange.."..tawag ni Shawn sa pangalan ko habang lumalapit ulit sa kinauupuan ko.. "..-pwedeng humingi ng pabor??"..seryosong tanong niya ng tabihan niya ako.. tiningnan ko lang siya without uttering any words.. alam naman na niya ang ibig sabihin ng tingin kong yun...



"..Trange pwede bang habaan mo ang pasensya mo sa kapatid ko.. pigilan mo ang sarili mo pagdating sa kanya.. palampasin mo na lang ang mga maling bagay na magagawa niya pa sa'yo.. she's weak.. siguro naman alam mo yun.. kaya nakikiusap ako sa'yo don't hurt her physically or either emotionally..kung naaasar o nagagalit ka na sa kanya pwede bang ikaw na lang ang lumayo??.pwede ba yun??..-"








--------

To be continued....

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon