Chapter 34: Love is Hurt </3

55 3 0
                                    


PAOLO'S P.O.V

"Oh anu pinansin ka na??".. Shaira mouthed at me..

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.. napa-sighed naman siya pati na din ako..

Hindi ko kasi maintindihan si Irish eHh, mukhang iniiwasan ako pero wala naman akong maalalang ginawa sa kanya.. kaya bakit niya naman ako iiwasan?? Aixtz!!

Nagtataka talaga ako sa mga kinikilos niya this past few days.. kapag tatangkain kong kausapin siya ay bigla siyang magbi-busy-busyhan.., o di kaya ay biglang lilingon kay Stacey at iignorahin ako.. minsan naman ay hahanap siya ng rason para hindi ako makausap.. sa tuwing sasabihin kong susunduin ko siya o kaya naman ay ihahatid.. agad siyang tumatalima at kung ano-ano na ang rason ang sinasabi.. kapag inaaya ko naman siya na sabay na kaming kumain ay bigla niyang sasabihin na busog pa siya o di kaya wala siyang ganang kumain.. pero minsan nakikita ko naman siya sa canteen na kumakain.. tsk!! So, ano ang ibig sabihin nun?? Eh di iniiwasan niya ako..

Parang mababaliw na din ako dito sa row namin.. piling ko ang awkward ng atmosphere.. Si Irish na hindi kumikibo at parang ang lalim ng iniisip .. si Stacey na panay ang lipat-lipat ng tingin sa'min.. at sina Trange at Shai na akala mo may pader sa pagitan nila.. at isama na rin natin si Stanley na ang sama ng tingin kay Trange.. haixtz!! Ano bang row na 'to?? Row ng mga ewan?? Haixzt..

"Class dismissed..-".

"Ah Irish..-..?"..

"Stacey tara kain tayo..-"..kakausapin ko palang 'yan pero umiwas na agad..''Hoy Stacey tara na..-"..

"Ah oo..''..agad nilang sinukbit ang kanilang bag at agad ding naglakad palabas..

''Teka lang, pwede sumabay??"..

Lumingon naman sa dereksyon ko si Irish pero hindi siya makatingin sa'kin ng deretso.. pati ba naman tingin niya iniiwas niya sa'kin?? Ano ba talaga kasi ang problema??

"Ah.. hindi pwede eHh.. may girl stuff kaming pag-uusapan ehH.. if you don't mind mauna na kami..-".. parang nag-aalinlangan niyang sabi.. at napaiwas ng tingin..

"Sabihin mo lang kung ayaw mo akong makausap o makasama.. kesa naman puro ka dahilan di ba??".. inis kong usal saka ako naglakad palabas ng room pero bago ko siya malagpasan ay ..".- just say so at ako na mismo ang iiwas sa'yo..."..then tuluyan ko na siyang nilagpasan.. pero hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay narinig ko siyang tinawag ako pero hindi ko siya nilingon.. naiinis talaga kasi ako.. tss!!

Dumeretso na lang ako sa rooftop at dun nagmuni-muni..

Nakaupo ako't nakapikit habang nakasandal sa pader ng marinig kong pumihit ang pinto.. at may naririnig akong papalapit na mga hakbang kaya naman nagmulat ako at nag-angat ng paningin..

"Shai.-"..oo, si Shai ang sumunod sa'kin siguro nag-aalala siya sa'kin..

"Paupo din ako ahH..".. pagpaalam niya sa'kin saka siya naupo sa tabi ko.. "..hindi na kita tatanunging kong okay ka lang ba, kasi halata namang hindi.. pero Ano na ang gagawin mo??".. tanong niya habang nakatingala sa langit kaya napatingala na din ako.. ang ganda't ang bughaw ng kalangitan ngayon... sana ganyan din kaganda ang nangyayari sa buhay ko..

"Hindi ko alam.. -".. napayuko kong sambit..".-parang nawawalan na ako ng pag-asa sa kanya.."..i uttered hopelessly.. ".-susugal pa ba ako sa pagmamahal sa kanya kung siya na mismo ang lumalayo sa'kin.."...hindi pa nga niya alam na mahal ko siya pero heto't iniiwasan na niya ako.. paano pa kaya kung umamin na ako?? Baka hindi lang pag-iwas ang gawin niya.. baka tuluyan na siyang mawala sa'kin..

"Mahal mo siya di ba??"..

"Oo naman.. mahal pa sa mahal..-"

"So, take a risk Paolo.. walang mangyayari kong tutunganga ka lang diyan.. tuldukan mo na 'yang katorpehan mo.. -"..napalingon naman ako sa kanya at saka ko siya pinaningkitan..

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon