IRISH'S P.O.V
"Ui,pwede bang pumunta sa inyo sa weekend??"..tanong sa'kin ni Stacey with her puppy eye look..
"Huh??bakit??"..
"Eh alam mo naman ang rason eH.. pwede bang gamitin kita para mapalapit sa kapatid mo??".. napahalakhak naman ako sa tinuran niya pero napatutup din naman agad ng marealize kong nasa cafeteria pala kami at nakapila para bumili ng pagkain.. hehe nakakahiya kasi paglinga ko nakatingin yung iba sa'kin..hehe sorry naman natatawa lang kasi ako talaga dito kay Stacey.. why?? Kasi naman sa lahat ng manggagamit, siya nagpapaalam..hahaha
"To naman makatawa diyan.. seryoso ako..-"
"Hahaha ai seryoso ka pala??hahaha hindi kasi halata..-ui anuh ba?"..reklamo ko ng bigla niya akong kurutin sa tagiliran..
"Ikaw kasi eh..hmmpft!".
"Hehe wag kang magdrama diyan..umorder ka na..'kaw na po kaya..-"..
"Ai ...hehe..''..agad siyang bumaling dun sa canteen crew at tumuro ng tumuro ng pagkain.. hehe gutom ata.. baka hindi nag-almusal kaya kung anu-ano ang binili.."tapos na ako..ikaw na..''.. sabi niya at medyo tumabi siya para ako naman ang makabili, hawak-hawak niya ang isang tray na puno ng kung anu-anung klaseng cetceria..at dalawang klase ng inumin..
"Ate.. isang slice lang po ng chocolate cake at choco shake..-"..
"Yan lang kakainin mo??"..
"Oo naman.. hindi naman kasi ako matakaw tulad mo..haha"..sagot ko naman habang kinukuha ang tray ko na may nakapatong ng pagkain..
"Ai grabe siya..hahaha.."..
Nagpalinga-linga kami para makahanap ng vacant table.. at nakakita naman kami sa may dulo.. naglakad na kami papunta dun habang panay ang pagkukwentuhan namin..
Pero hindi ko inakalang matatalisod ako na dahilan upang matapon ang laman ng tray.. salamat naman at hindi ako natumba pero..
o_O
Gosh!!may natapunan ako ng chocolate..nagkalat yun sa buhok at damit niya.. lagot ako nito..
Lalong napaluwa ang mata ko ng tumayo yung lalaking natapunan ko at humarap sa'kin na may madilim na mukha..
Its Trange!!
Sa dami ng pwedeng matapunan ng pagkain ko..bakit siya pa??
Napatingin naman ako sa may gilid ko at nakita dun ang isang babae na nakangiti ng mapang-asar sa'kin.. wag niyang sabihin na siya ang pumatid sa'kin?? Wala akong ginagawa sa kanya kaya bakit niya sa'kin gagawin 'to?? Hindi ko din siya kilala..tss..
"Nananadya ka ba talaga!!???".. singhal niya sa'kin at piling ko ay dumagungdung sa apat na sulok nitong cafeteria..ang talim ng tingin niya sa'kin.. na parang binabalatan niya ako ng buhay!! Kung nakakamatay ang tingin niya.. siguradong paglalamAyan na ako mamaya..huhu
"A..u.."..nanginginig ang kalamnan ko sa kaba't takot na nararamdaman ko ngayon.. hindi ko mahanap ang dila ko.. parang tinangay ng hangin ang boses ko.. i felt that my knees weakens too..
Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko..at pagtingin ko sa kanya ay si Stacey lang pala.. kinakabahan din ang itsura niya.. kung siya kinakabahan panu pa kaya ako??
Im doom!!
Shawn!!please dumating ka!!
"Hindi mo ba talaga maintindihan ang salitang.. LUMAYO KA SA'KIN!!!HAH!!??".. sigaw niya na siyang ikinapikit ko sandali.. at napalunok din ako.. lumakas din ang pintig ng dibdib ko sa sobrang kaba.."ANG PINAKA-AYOKO SA LAHAT AY YUNG HINDI MAKAINTINDI!!"..
Napatagilid ang ulo ko't napapikit ng mariin at napakagat-labi pa ng itaas niya bigla ang kanyang kamao at wari'y susuntukin ako..
Pero matagal na akong nakapikit pero wala namang tumama sa mukha ko..unti-unti akong nagmulat ng mata.. just to find out na nandito na si Shawn at nakahawak siya sa braso ni Trange..
"Tama na yan, Trange..-"..mainahong sambit ni Shawn.. dahan-dahan namang naibaba ni Trange ang kamao pero tinitigan niya ulit ako ng matalim..
"Papasensyahan pa kita ngayon.. pero sa susunod.. makikita mo na ang hinahanap mo!wala akong pakialam kong babae ka pa!! Lumayo ka kung ayaw mong masapak kita.."..tiim-bagang niyang sabi bago niya marahas na kinuha ang kanyang bag at naglakad palabas ng cafeteria..
Napahinga naman ako ng maluwag dun pero nanghina talaga ang tuhod ko kaya muntik na akong matumba, pero buti na lang at nahawakan agad ako ni Stacey at ni Shawn..
Parang maiiyak ako.. hindi pala maiiyak kasi naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.. unang beses kong makaramdam ng ganito.. yung samu't-saring emosyon na hindi mo na alam kung ano kasi nga halo-halo na..
Inalalayan nila akong maupo at binigyan ng tubig.. na agad ko naman nilagok!!
Napahawak Ko sa tapat ng dibdib ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin normal ang pintig..itutuloy niya ba talagang suntukin ako kung hindi dumating si Shawn??
"Hindi niya yun itutuloy..-"..mahinang sambit ni Shawn..kaya napatingin ako sa kanya.."..kahit hindi ako dumating,hindi ka niya susuntukin.. hay!"..napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa nagkalat ng chocolate sa sahig.."kaya pala..-"..pabulong na sambit niya at muling napabuntong-hininga..
Anong issue naman sa chocolate?? Tanong ng utak ko..
TRANGE'S P.O.V
Napasuntok ako sa pader sa sobrang galit.. sabihin niyo ng mababaw ako dahil sa ginawa ko sa babaeng yun.. hindi lang kasi ako nakapagtimpi.. dumilim ang paningin ko ng sa dami-dami ng pagkaing maitatapon sa'kin!! Bakit chocolate pa??
Chocolate?? Isa sa mga paborito naming kainin ng magkasama.. i really don't like chocolates pero ng dahil sa kanya nagustuhan ko ito, pero ng dahil din sa kanya ayoko na ulit sa chocolates.. it reminds me a lot of memories with her..
Napangiti ako ng mapait ng Bigla na namang rumehistro ang iilang alaala niya sa isipan ko.. its been a years.. pero bakit hindi ko magawa-gawang alisin siya sa isipan ko.. ayoko na siyang isipin pa o maalala man lang pero hindi ko magawa.. nakakulong pa rin ako sa nakaraan..
"UrgGG!!!"..
Pinagsusuntok ko ng paulit-ulit itong pader ng dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon..
"Hah!!!"
"Hah!!!"
Napahinto ako sa pagsuntok ng makita kong may dugo ng nakakalat sa pader..
Napaupo ako sa sahig at napahilamos ng mukha..
"UrggggGGHH!!!!"..
Bakit??bakit mo ako iniwan??..yan ang tanong ko na hindi ko alam kong masasagot ba!!
I hate her!!!! Mabubuhay at mabubuhay ako sa nakaraan hangga't hindi ko siya napapatawad pero paano ko nga naman mapapatawad ang isang taong hindi ko alam ang rason kung bakit niya nagawa ang bagay na yun..
Galit!!yun ang namamahay sa'kin para sa kanya.. at sana nga hindi na muling pagtagpuin ang mga landas namin..
------------
To be continued....
BINABASA MO ANG
The Good Guy's Jerk Side (Completed)
Science FictionLove can changed you into someone you'd never imagine you could be.. but it's still your choice, if you changed for the better or change for the worse.. Here's the story of a good guy who suddenly became a jerk. he was so kind.. an angel in disguise...