Eight.2

11 0 0
                                    

Ito na po yong second part.
Enjoy !

June's POV

Halos hindi ako mapakali dahil sa nangyari kay Mel. Mabuti na lang at tumahan na si Andi sa kakaiyak. Nakatulog na rin sa sobrang kakaiyak. Ako na lang ang nagbantay sa kanilang dalawa. Pumunta na rin dito ang parents ni Mel and they seemed not affected by it. They all act like this is just a minor thing. Wala man lang silang pinakitang kahit anong emotion. Nagpasalamat lang sila sa amin ng mama ko at umalis na rin. Magpapadala na lang daw sila ng yaya para magbantay kay Mel pero nagpresenta na lang ako. Mabuti na lang at pumayag sila. Naaawa ako kay Mel. Her parents doesn't care about her. Ano bang klaseng magulang sila? Ang sarap hagisan ng hand granade. Tsk! Ewan ko ba sa kanila.

Hindi rin nila pinansin si Andi na nakatulog katabi ni Mel. And she doesn't mind nung nagising siya. Sinamaan pa nga ng tingin ni Andi ang papa at mama ni Mel. Napilitan namang lumabas ang papa ni Mel dahil dun. Takot ata ang ama ni July kay Andi kaya ganun. Pagkaalis na pagkaalis ng parents ni Mel, nagising naman si Mel. Nagmadali namang tumawag ng doctor si Andi. Sabi ng doctor, okay na daw si Mel. Wala namang major damage sa katawan niya, thank you lord for that, pero kelangan pa rin daw siyang i-monitor just in case. Nakahinga naman kami ng maluwag dahil dun. Pinatulog ulit ng doctor si Mel para makapagpahinga.

"Alam mo bang ampon lang si Mel kaya ganun na lang ang trato nila sa kanya." Sabi sa kin ni Andi.

That shocked me. Ampon lang pala si Mel? I just shook my head as a respond.

"She was only 5 years old when she knew she was adapted. Being a kid, hindi mo pa talaga maiintindihan yon. But when you grow up, hindi na mahirap intindihin ang salitang yon. Naalala ko pa nga nung sinabi niya sa kin yon 2 years ago. She was crying her gutt out dahil confirmed na ampon talaga siya. Narinig niya kasing nag-aaway ang mga magulang niya and boom, narinig niya na lang na ampon lang pala siya.

"She's a free spirited person. Yes. That's her way of making all her problems go away. Nung binigyan siya ng business ng parents niya, that's there way of saying, this is the last time we will give you anything from us. Binibigyan siya ng pera hindi galing sa parents niya, galing sa kapatid niya. Kaya nagsikap siyang palaguin ang restaurant niya. Luckily, I had some connections kaya natulungan ko siya. Yon lang naman kasi ang kaya kong gawin para sa kanya.

"Lately lang namin nalaman na kabit pala ng papa niya ang mama ni Patricia but she never hated her. Never. Not once. Nakita namin ang papa niya na papasakay sa kotse nito na may kasamang ibang babae. I know nakita kami ng papa niya nung araw na yon. He was shocked to see us. Kinagabihan, pumunta si Mel sa condo ko, umiiyak may dalang mga gamit at may mga pasa. Binugbog pala siya ng papa niya nung umuwi siya sa bahay niya. Pinagbantaan siya na kukunin niya lahat ng pinaghirapan ni Mel kung magsusumbong siya sa mama niya.

"Umalis na lang si Mel sa bahay nila para walang gulo. And you know me, sinugod ko ang papa niya sa opisina niya. Binugbog ko rin ang gago. He's a grown man but no one can beat me when it comes to fighting. Nagtanda yong gago, pinabalik si Mel sa bahay nila at hindi na pinakialaman si Mel. Ang mama naman niya, ayaw sa kin but she can't do anything to stop me from being her daughter's friend. Kasosyo niya ang papa ko sa isa sa mga business nila.

"Pero alam kung ano yong nakakabanas dun, yong papa ni July hindi pa rin hinihiwalayan ang kabit niya. And Patricia is all acting mighty and powerful pero gaga din yon, eh. Tanga na walang utak. And now she has cross the line. That bitch will pay for what she has done. I will make her life hell." Andi.

"Kalma ka lang. Hindi magugustuhan ni Mel ang gagawin mo. Baka siya pa ang magalit sa yo. Sige ka." Pigil ko sa kanya.

Hindi na lang kumibo si Andi at hinawakan na lang ang kamay ko. She loves Mel so much that she's willing to do anything. I admire that character of hers. Kaya lang sumusobra minsan. Hindi na kasi takot tong babaeng to na manakit ng tao. Sana maging okay lang talaga si Mel. She never did any harm to anybody. She's too nice.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon