Caleb's POV
Oh, right. Ito pa ang nangyari. Ang usapan movie marathon lang na may halong pagkain tapos uuwi ng maaga dahil may pasok pa. Nasunod naman hanggang sa naglabas ng beer si Andi. Oo, lasinggera po ang babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit pero ganyan na talaga siya simula nung naghiwalay ang mama niya at si tito Eric. She lives independently now. She has a modeling career that nobody knows dahil iba ang mukha niya sa mga magazines at sa school. She has this gothic/emo look. Anyway, nagkayayaan na mag-inuman na lang daw. Kasi siguro ang heavy na ng atmosphere dito. Ikaw ba naman ilagay sa isang kwarto sina Andi, Basty, Mel at Liam. May mga unsettled things kasi sila sa isa't isa. Wala rin naman akong magagawa kasi I have no say about their lives. It's not mine to comment
"Caleb, what's going on?" Tanong ni Leonne sa kin.
"Haha. Parang hindi ka na nasanay. Maya-maya, mag-iiba na naman ihip ng hangin." Sagot ko na lang sa kanya.
"Our friends are weird. Pero sabi nga nila drunk words sober thoughts. Hayaan na lang natin." Sabi niya.
Tinignan ko naman si June na pinipigilan ang tawa. Ngayon niya lang siguro nakita na nagkakaganito silang apat. Lasing na kasi si Andi. Tinutupak na naman. Ito namang si Basty, trip ding sakyan ang pagkalasing ni Andi kaya ayon, nag-aaway na naman sila. Nakakatawa nga kasi umalis si Andi saglit tapos bumalik na wala na yong gothic look make up niya. Natulala tuloy si Basty.
Sina Liam at Mel naman. Silent lang pero nag-aaway na pala. Tingin lang pinapairal ng dalawa. Naunsyaming love kasi yong kwento nila. Sobrang manhid ni Liam kaya hindi napansin ang pagmamahal ni Mel sa kanya. Nung natauhan naman, huli na. Galit na si Mel sa kanya. Ewan ko ba sa kanilang apat. Ang gulo nila. Kaya ayuko muna sa ganyan kung maaari. Natoto na rin ako sa pinagdaanan ni mama noon sa papa ko.
"Bro, ang ganda talaga ni June." Ika ni Leonne.
Tignan ko naman siya. Wow! Nahumaling sa ganda ni June. Maganda naman talaga si June. Yong gandang kahit anong suotin, bagay pa rin sa kanya. Simple lang manamit pero nadadala niya. Hindi maarte sa katawan bukod sa konting lipgloss at blush on. Walang mas'yadong accessories sa katawan bukod sa isang charm bracelet. At yong ang bait-bait pa pero palaban. Well, I'm not saying I like her. But I just admire those kind of people. Nakikita ko kasi mama ko sa kanya. But that doesn't mean I like her. Okay?
Defensive, Caleb? My loves. Wag ganyan. Napaghahalata.
Wag ka nga. Tumahimik ka na lang d'yan.
Haha! Pikon. Oh, sya! Byee!
"Bro, hahayaan ba natin si Basty at Andi? Parang nagsasakitan na, eh." Tanong ni Leonne.
"What the?! Oh, shit! Leonne, ilayo mo si Basty kay Andi. Dali! June, ikaw na bahala kay Andi."
Tumango na lang silang dalawa at ginawa ang mga sinabi ko. Wow! This is going to be a long night.
Pinapasok nina Mel at June si Andi sa kwarto nito habang inakay namin si Basty sa kusina. Nagsisimula na namang magmura itong si Basty. Iba na talaga ang tama ng lalaking to sa pensan ko.
"Dude, hindi ko pwedeng sabihin na ikakasal na ako sa ibang babae kay Andi kaya mas pinili ko na lang na ganito. Tatanggapin ko lahat ng sampal at sapak na galing sa kanya. Putanginang kasunduan kasi yan, eh. Letse!" Sabi ni Basty.
"She has the rights to know, bro." Ika ni Liam.
"Bro, wag kang magsalita. Ikaw nga hindi mo nagawang mag-sorry kay Mel. Kaya wag kang magsalita." Basty.
Natigilan naman si Liam sa narinig niya at hindi na ulit nagsalita.
"Ano ba? Basty, tama din naman kasi si Liam, eh. Kahit ako ngayon ko lang nalaman yan. She has the right to know, dude." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...