Five

13 3 0
                                    

June's POV

"Ano ba kasi? Weekend ngayon ma. I don't have to wake up early!" Reklamo ko.

"Bumangon ka d'yan! May mga bisita ka." Sabi ni mama.

"Sabihin mo may sakita ako at nakakahawa pa. Pauwiin mo na lang."

"Ay, hindi. Bumangon ka d'yan kung ayaw mong i-lock ko yong art room mo."

Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa sinabi ni mama. No! Hindi pwede yon. Parte na ng buhay ko ang art room na yon. That was especially made for me at hindi pwedeng ma-lock yon. Nakita ko namang nakangiti ang mama ko. She really knows how to make me wake up early. Araw-araw niyang ginagawa ito at hindi pa rin kumukupas.

"That never fails. Sige na. Maligo ka na at bumaba. And'yan ang mga kaibigan mo. Tumawag din sa kin si Arnold kanina. Nice job!"

Yan ang huling sinabi ni mama at umalis na sa kwarto ko. Okay! Maliligo na lang ako. Pangapawala ng bad vibes.

Pagkababa ko andun sa sala sina Andi at Mel. Kumaway pa nga si Mel sa kin. Ang energitic talaga ng babaeng to. I wish I had that kind of energy from her. Tumango lang ako sa kanila at pumunta muna ng kitchen. Sinabihan ko na lang si manang magdala ng pagkain sa sala kasi dun na lang ako kakain.

"Ang aga niyo naman dito? Trip niyo?" Tanong ko sa kanila pagkaupo ko.

"Maaga? It's 10am, June. I am not maaga anymore. Batukan kita d'yan. Tara, gala tayo." Sagot ni Mel.

"Gala? Mall? Wag na. Wala akong pera." Pagtanggi ko.

"Sabi ng mama mo kakahulog lang daw niya ng pera sa ATM card mo kahapon kasi reward daw niya yon sa yo for having two friends at may kita daw sa mga painting sa gallery niyo." Mel.

Ngumiti na lang ako sa sinabi ni July. Kahit kelan talaga, pahamak tong si mama. Wala pa naman akong hilig mag-shopping maliban na kung bookstore or hardware store kami pupunta kasi uubusin ko talaga ang pera ko kakabili ng libro at painting supplies ko. Hindi rin naman ako pinapagalitan ni mama dahil hard earned money ko yon. She would never tell me what do dahil alam din naman niya kung saan napupunta ang pera ko. Sabi nga niya na okay yong bisyo ko. Hindi nakakasama sa katawan.

"So, tara na?" Tanong ni Andi.

"Sige. Ganito na lang susuotin ko. Kakapagod magbihis. Teka, ubusin ko lang tong kinakain ko tapos alis na tayo." Sabi ko sa kanila.

Tumango na lang si Andi at ngumiti naman si Mel. I took my time on eating my breakfast. Gutom ako mga tsong. Walang basagan ng trip. Pinakuha ko na lang kay manang yong pinagkainan ko at umalis na rin kami.

Simple lang naman ang suot ko. Pambahay lang. Isang white v-nick fit shirt at maong pants with matching vanz na shoes. I do love vanz and coverse and adidas. Kahit anong rubber shoes and sneakers. Hindi naman kasi ako yong high-heeled shoes lover. Babae ako pero hindi ako sadista. Brad, masakit sa paa yon. Parang pinapatay ng unti unti ang buong paa mo kapag yan ang sinusuot mo. Promise!

"June, should I take the pink one or the peach one?" Tanong sa kin ni Mel.

"Oh, let me take a look." Sagot ko sa kanya.

Tinignan ko ng mabuti ang hawak ni Mel na mga damit. Grabe, kahit anong kulay bagay sa kanya. Ang puti kasi ng babaeng to. Parang labanos lang ang kutis. Hindi rin naman natin masisisi kasi briton ang tatay ng babaeng to.

"Mel, kahit san d'yan. Bagay naman kasi sa yo lahat. Ang puti mo kasi." Sabi ko na lang sa kanya.

"Talaga? Pero sabi ni Patricia---"

"Mel, wag kang maniwala sa mukhang clown na yon. Anyways, bilhin mo na yang dalawa."

Tumango na lang siya at ngumiti. Pumunta na lang siya ng counter para magbayad. Habang hinihintay ko si Mel, si Andi naman ang lumabas galing sa fitting room. Puro naman dark color yong mga damit na hawak niya. Dark color, I mean may shade ng black talaga. Minsan, kung ano ang kina bright and sunny ng ugali ni July, yon naman ang kina gloomy ni Andi kaya nagtataka ako kung bakit sila naging mag-bestfriend.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon