June's POV
Oh, hell no! Pati ba naman sa mga staff dito sa school? Grabe na talaga ang pagkabruha ng babaeng yon! Nakakainis na talaga! Gutom na gutom na ako at ayaw kaming pagbilhan ng pagkain ng mga staff sa cafeteria. Minura nga ni Andi yong mga staff. Si Mel naman nakayuko lang. Naawa na nga ako dun sa babaeng matanda kasi mura ng mura si Andi sa harap niya. Halos mangiyak ngiyak na nga yon sa harap niya. All hell got lose when she can't eat anything. Patay gutom kasi minsan ang babaeng to at kulang na lang magwala kung hindi nakakakain. Nakakatakot kung ito ang nagutom. Patay tayo d'yan.
"Ano bang?! Binayaran kayo ng babaeng yon para hindi kami pagbilhan?! Eh mga tanga pala kayo eh! Ganun na ba kadukha ang pamilya niyo para ipagbili ang dignidad niyo?!" Sigaw ni Andi.
"Tama na Andi. Wag mo nang pagalitan si ate. Sa labas na lang tayo kumain." Ika ni Mel.
Hinila na lang namin ni Mel si Andi dahil baka kung mapano pa si ate. Kawawa naman. Hanggang nasa hallway na kami, nagmumura pa rin si Andi. Sumisigaw nga si Andi, eh. Mura at pangalan ni Patricia ang common na word na nasa sentenve niya. Napangiti na nga lang rin ako, eh. It appears everyone's turning a blind eye on this mess. Hinahayaan lang ng mga teachers at staff ng school ang lahat ng to na mangyari. This school is worse than every school I have been. Pang-apat ko na to. Mataas nga ang quality of teaching pero mataas din ang quality ng bullying. Clap clap para sa school na to.
Napadpad naman kami sa isang restaurant. Take note po, isang mamahaling restaurant. Napansin ko rin na may "miss" before sa pangalan ni Mel. Ngumingiti na lang din si Mel sa lahat ng bumabati sa kanya. Tinignan ko naman si Andi pero busy siya sa pag-iisip kung pano siya makakaganti kay Patricia mamaya.
"Ah, Mel. I can't afford to eat here. Mahal kasi ang pagkain dito." Sabi ko sa kanya.
"No worries. Ako bahala." Sagot niya.
"Nakakahiya naman. Palagi na lang kami ang nililibre mo." Ako.
"Wag kang mag-alala. Kahit pa ubusin natin ang pagkain ng resto na to, kaya niyang bayaran. CR muna ako. Maglalabas lang ako ng sama ng loob." Sabat ni Andi sabay alis.
Tignan ko na lang si Mel. Ngumiti naman siya sa kin at nagsimula ng omorder. She ordered our meal in our behalf. Hindi ko din naman alam kung ano ang specialty nila dito. Mukhang masasarap din naman yong mga putahi nila sa menu.
"You look tense. Bakit?" Tanong ni Mel.
"Ang mahal kasi, eh. Hindi ko dala ATM card ko. Hindi rin ako naka-withdraw." Sagot ko sa kanya.
"Naku! Don't worry nga. Ako bahala sa lahat." Sabi niya.
"Am, excuse me po miss July. Is it alright na palitan na lang namin yong drinks niyo. We got wine instead. Root beer's not available." Sabi ng waiter kay Mel.
Ngumiti lang si Mel sa kanya at tumango. Wow! Parang nabutan naman ng tinik itong waiter pnung nakita niya ngumiti si Mel. Lumabas na ito sa private room namin na hindi maalis sa mukha ang tuwa.
"Oh, right. Did I mention, ako ang may-ari ng restaurant na to?" Tanong niya.
"What the fffff..."
"Language, June. Language. Nahahawa ka na ata kay Andi, eh. But your reaction was priceless. I should've took a picture. Haha." Natatawang sabi niya sa kin.
"Sorry pero totoo? Sa yo to? Kaya ba miss ang tawag nila sa yo?"
"Oo. Oo at oo. I have this a gift from my parents on my 16th birthday. They wanted me to have a business on my own. Two years na rin tong restaurant ko and it's doing good. May mga celebreties and famous icon na kumakain dito. And I think I saw your mom and Anton eat here once. They were a sweet couple. Parang mag-girlfriend/boyfriend lang. Nakakainggit.
"Anyway, alam mo naman kaming mga chinese, we have to be good at managing a business. Nasa dugo na kasi namin ang ganito. Business is your life. You have to put your A game. Don't want to disappoint my parents. They expect me to be the great daughter they think I am. No flaws. No failures. Mabuti na lang at nand'yan si Andi. She has a lot of friends na sikat. Siya yong tumulong sa kin. I owe her everything.
"Hindi nga lang alam ng buong student body na ganito ako. Na mayaman na talaga ako. Kasi alam nila, mahirap lang ako. And when they say mahirap, an averenge girl na may scholarship kaya nakapasok sa school natin. Kasi I took the scholarship. Nakapasa kasi ako. Si Andi nga rin eh, nakapasa. Tipid pera din yon.
"My parents don't like Andi but I made sure na hindi nila kami pakikialaman. You see, my parents want me to be friends with people who has class and well-mannered. But little do they know, walang nag-e-exist. I mean, my mom is a revengeful and hateful woman and my dad's a manwhore jerk. You know Patricia's mom is my dad's mistress hindi niya lang alam. Pera ni papa ang nagpapaaral sa kanya at bumubuhay sa mga kapretso niya. Pero instead of hating her, I pity her.
"God knows I don't hate her. Kaya hindi ako pumapatol sa kanya. I pity her. Ewan ko ba bakit ang bait ko kahit na yong parents ko, hindi. They never see me as a daughter. They just see me as an investment. Buo nga ang pamilya namin sa mata ng ibang tao but inside that house, we're just people who see each other but never really know each other."
Ngumiti na lang ako kay Mel. Grabe din pala ang bigat na dinadala ni Mel. She's all lively and smiley face outside but she's suffering inside. Mayaman nga sila pero hindi naman maganda ang orientation ng pamilya nila. Swerte rin pala ako kahit papano.
"So, is the food great?" Tanong ni Mel.
"Ah, yeah! Super! No wonder people are coming here. The food's awesome!" Sagot ko naman.
"Busog." Sabi ni Andi.
"Well, that's great to hear. Now, we have to hurry. Baka ma-late pa tayo sa next subjects natin. Terror pa naman yong si Miss Alma." Ika ni Mel
Okay. Nakalimutan ko na may klase pa kami ngayon. Ang sarap naman kasi ng pagkain and accompanied with good people. Makakalimutan mo talaga kung ano man ang iniisip mo.
Nagmadali na lang kaming sumakay ng taxi. Mabuti na lang at nakaabot kami. Iba-iba ang subjects namin sa hapon kaya hiwahiwalay din kami ng mga classroom. I hope hindi ko lang talaga classmate yang si Patricia. I had enough cussing in one day. Ayuko na ulit madagdagan pa yon. Nahahawa na ata ako kay Andi, eh. I have to teach her to not cuss everytime she wants to kill Patricia or everyone else connected to her.
And then, I realized. Ang drama pala ng buhay ng mga kaibigan ko. Swerte na rin pala ako sa mga magulang ko. Hindi hiwalay sina mama at papa. Yon nga lang med'yo napaaga ang calling ni papa kay Lord. Hindi babaero si Anton at mahal na mahal niya ang mama ko. He's a good man. Pero bilib din ako sa kanilang dalawa, they still smile and laugh like nothing happened. Ako nga, it took me a year to recover from my father's death. Pero sila, they have to bear with it for the rest of their lives.
Nakakainis lang kasi, ang ordinary ng buhay ko. Sila, ang drama ng buhay nila. Nakakaiyak. Eh, yong sa kin? Walang spice. Walang thrill. Wala lahat. Nakakainggit. Huhu :(
Anyways, I have to go back and listen to my teacher baka makita niya na I am idling like a crazy ass chick.
Author's Note:
Oh, ang drama nga naman ng buhay ng mga kaibigan ni June.
Pero unti-unti namang nagkakaroon ng spice ang buhay niya, di ba?
Malapit na din siyang magdrama sa harap ng mga kaibigan niya.
But I won't give other details. Spoiler na ako niyan, eh.Haha.Anyway, comment kayo. Vote na rin :) thank you :*
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...