Someone's POV
Ito na kami. Nag-aabang sa may kanto para dukutin ang babaeng sinasabi ni Patricia. Eh, sa malaki ang ibinayad sa min ng tropa ko pero nakokonsensiya ako. Wala, eh. Kelangan namin ng pera lalo na ako. Naospital kasi yong anak ko kaya napa-oo ako sa gawaing ito. Last na talaga to. Pagkatapos nito, maghahanap na ako ng matinong trabaho.
"Bryan, ayon!" Sabi sa kin ni Kimpoy.
"Sige. Paandarin mo na ang van. Daanan natin sila. Siguraduhin niyong yong babaeng tinutukoy lang ni Patricia ang kukunin natin. Ayokong sumabit dito." Sabi ko sa kanilang lahat.
Tumango lang sila sa kin at umandar na ang van na sinasakyan namin. Dahan-dahang tinahak namin ang kalsada kung saan naglalakad ang babaeng tinutukoy ni Patricia. May kasama siyang mga kaibigan. Masaya pa nga silang nag-uusap. Nung malapit ang van, binuksan na ni Kimpoy ang pintuan ng van at hinablot namin ni Berto ang babae at agad na pinaharorot ang sasakyan paalis. Narinig ko namang nagsisigawan ang naiwang mga babae habang umiiyak. Hindi ko man gustong gawin, wala akong magagawa. Tinawagan ko naman si Patricia para ipaalam na nakuha na namin ang babae. Iyak naman ng iyak ang babae habang tinitignan kaming lahat. Mabuti na lang at naka-ski mask kaming lahat. Tinakluban naman namin ang mukha niya ng tela at tinali ang mga kamay at paa niya para hindi makawala at hindi niya malaman kung saan namin siya dadalhin.
Nagmamakaawa na ang babae na pakawalan namin pero tinawanan lang siya ai Berto. Hindi na ako humarap pa sa kanila at baka maawa ako sa babae, pakawalan ko pa ito. Isang malaking abandunadong warehouse naman ang napuntahan namin. Bigla ko namang kinuha ang bag ng babae at hinalangkat ang gamit niya. Nakita ko doon ang isang cellphone. Mabuti na lang at walang password kaya madali lang buksan. Nung dumating naman si Patricia, saka pasimpleng tinago sa bulsa ko ang cellphone niya. Nakangiti siya sa kin habang pinakita ang isang brown na envelop. Papunta na siya sa kinatatayuan ko.
"Salamat. Ito na yong dagdag na bayad ko sa yo." Sabi niya sa kin sabay abot ng sobre.
Tumango lang ako at inihagis ang sobre kay Norman. Kinausap naman niya ang iba para maging bantay ng gusali. Naririnig kopa rin ang iyak ng babaeng kinidnap namin. Nakokonsensiya ako. Tsk! Bahala na nga. Pumunta muna ako sa van para mag-isip habang nagyoyosi. Kinulikot ko naman ang cellphone niya hanggang sa mapunta ako sa phonebook niya. Nakita ko ang pinaka unang pangalan at yon na lang ang tinawagan ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit may load yon. Mayaman, eh.
"Hello!? June? Ikaw ba to? Nakawala ka sa mga dumukot sa yo? Thank God your okay. Asan ka ngayon? Mahal? Bakit hindi ka sumasagot? Mahal?" Sunod-sunod na tanong ng lalaki sa kabilang linya.
Huminga naman ako ng malalim bago magsalita. "Hindi ito si June. Hindi niyo na kelangan na malaman ang pangalan ko pero alam ko kung nasaan siya..."
Sinabi ko sa kanya ang address kung nasaan ang building na pingatataguan namin. Alam kong umiiyak na yong lalaki sa kabilang linya. Sinabihan ko naman siyang wag ibaba ang telepono para marinig niya ang bawat nangyayari sa paligid. Tinuruan niya rin ako kung pano i-mute ang cellphone na ito. Lumabas naman ako ng van at bumalik na sa loob ng gusali. Dun ko na nakita ang mga ginagawa ni Patricia sa babae habang nakatali ito sa isang upuan. Hindi ko lubos maisip kung bakit gustong-gusto ni Patricia na saktan ang babae gayong mabait naman ito sa paningin ko. Pinanood ko na lang si Patricia dahil ayokong mainis pa siya sa kin. At baka matuklasab din niya na tinatraydor ko siya.
Patricia's POV
Hindi ko mapigilang matuwa ngayon. It's so warming na nakikita kong nakatali si June ngayon na parang aso. And to hear that cry, music to my ears. Marahas ko namang tinanggal ang tilang nakatalukbong sa mukha niya. Nakita ko naman ang reaksyon niya. She was all fraightened and clueless at the same time. Parang nagtataka pa siya at nagulat sa mga nangyari. Natawa naman ako sa reaksyon na yon.
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...