Twenty Two

6 0 0
                                    

A/n: this was a chapter written before hand. So, enjoy reading :)

Caleb's POV

Andito na ako ngayon sa condo ni Basty. Nagulat nga siya kasi bigla na lang akong napadpad dito. Pinapasok niya naman agad ako. Wala kasi akong ibang mapuntahan sa ngayon. Kenewento ko naman kay Basty lahat ng nangyarai kanina. Hindi naman makapaniwala si Basty. May isa lang siyang napansin, kaapelyeda niya si Patricia pero binalewala na lang namin yon dahil baka kapelyedo lang o kamag-anak lang niya. Wala naman akong ginawa kundi ang paulit-ulit na patayin ang lalaking yon sa isip ko. Alam ko namang masama pero hindi ko talaga mapigilan.

"After 18 years, nagpakita na ulit siya sa inyo. I don't blame you for hating him pero hear him out, tol. Wala namang mawawala kung makikinig ka sa explanation niya." Komento ni Basty.

"Gusto kong gawin yan, tol. Believe me pero wala, eh. Hindi ko kayang harapin siya ngayon. Galit pa rin ako sa kanya. I thought I was over about the hate I have towards him pero nung nakita siya, bumalik lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanya. Alam mo yong gusto ko siyang bugbugin at sumbatan sa ginawa niya sa min. I just wanna hurt him back for hurting me and my mom. Ano yon? All of the sudden, he wants to be my father? Ganun lang kadali yon?" Ako.

"Hay, naku. Sort your feelings out tol bago mo siya kausapin."

"Puot at galit tol. Yon ang nararamdaman ko ngayon. Madali ang maging ama. He has been pero yong magpakaama, yon ang hindi niya nagawa."

Tumango lang sa kin si Basty at inabot ang isa pang bote ng beer. Gusto kong magpakalasing ngayon. Ayoko na munang isipin ang darating na bukas. Gusto kong mawala ang galit dito sa puso ko kahit ngayon lang.

Kinabukasan, maaga akong umalis sa condo ni Basty at umuwi. Mas'yadong nalasing ang gago kaya hindi na niya ako inihatid. Kaya ko rin namang magmaneho. Wala rin naman na mangdadakip ngayon. Ayoko ring maabutan ng rush hour dito sa Manila. Nakakainit lang ng ulo. Sana naman pag-uwi ko, wala na ang lalaking yon sa bahay. At sana wag na siyang bumalik sa bahay o sa buhay namin na kahit kelan. Kaya namin ni mama na wala siya. Kinaya namin na wala siya kaya kaya namin na walang siya sa buhay ko o ni mama.

Nung pag dating ko sa bahay naabutan ko pa si mama na umiinom ng kape. Okay na sana pero nung nakita ko ang lalaking yon biglang uminit ang ulo ko. Sumugod na ako at bigla na lang siyang sinuntok. Nabigla naman si mama sa ginawa ko. Napatayo siya at hinawakan niya ako sa braso. Tumingin lang sa kin ang ama ko na may bahid na kalungkutan sa mga mata nito pero binalewala ko yon dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita sa min! Akala mo lang ganun kadali ang lahat?! P*tang*na mo! Gago ka! Wala kang karapatan na tawagin akong anak! Simula nung iniwan mo kami ni mama nawalan ka na ng karapatang maging anak ako! Hayop ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Anak, patawarin mo ako. Alam kong kasalanan ko. Believe pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa inyo ng mama mo. Andito ako para itama ang pagkakamali ko. Hayaan mo akong magpaliwanag." Sagot naman niya.

"Patawad? Maniwala? Sa tingin mo mapapatawad pa kit?! Ha?! Ikaw ang pinakawalang kwentang tao sa buong mundo!" Sigaw ko ulit.

"Tama na anak. Tama na. Please, ako na ang nakikiusap sa yo." Sabat ni mama na umiiyak na habang pinipigilan ako.

Nung nakita ko si mama na umiiyak na pinilit ko ang sarili kong huminahon kahit gusto ko pa siyang bugbugin. Binitiwan naman ako ni mama at niyakap ako ng mahigpit. Naiyak na lang ako. Dun na ako umiyak ng husto. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Yumakap na rin ako sa mama ko at umiyak na ng umiyak. Nung nahimasmasan ako, hinarap ko na siya.

"Pakikinggan ko kung ano man ang mga sasabihin mo pero wag kang umasang pininiwalaan ko." Nasabi ko na lang sa kanya.

Napangiti naman siya dahil sa narinig. Kumuha naman si mama ng ice pack para sa pasa niya sa labi. Nung nagsimula siyang magsalita parang nawalan na ako ng interes pero nung narinig ko ang isang pangalan na pamilyar sa kin dun niya na nakuha ang atensyon ko. Nagsimula ang lahat nung araw na sinabi ni mama na buntis siya sa kin. Masayang-masaya daw siya nung nalaman niya na buntis si mama. Agad pa nga siyang bumili ng mga kakailanganin ni mama para sa pagbubuntis. Nagmadali siyang puntahan si mama ng biglang tumawag ang mama niya sa kanya. Emergency kaya dumiretso siya sa isang ospital. Nalaman niya na nagkasakit ang matanda at hindi na daw magtatagal ito. Gusto daw ng ina niya na pakasalan ang nagngangalang Fatima Dizon. Kahit yon lang daw ang gawin niya para sa ginang ay masaya nang papanaw ito.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon