Twenty One

8 0 0
                                    

June's POV

It's been a week since naging official couple kami ni Caleb. Pero kahit ganun, palagi pa rin akong sinusorpresa ni Caleb. Kung hindi surprise visit sa classroom, may random student lang na magbibigay sa kin ng chocolate o di kaya bulaklak or stuffed toy. Bigla tuloy akong napabili ng isang malaking kabinet para sa mga stuffed toys na binibigay ni Caleb sa kin. Nagulat nga si mama nung may deneliver sa bahay namin na kabinet. Nung nalaman niya na nakapangalan sa kin, tinanggap na lang niya at ipinasok deritso sa kwarto ko. Alam na ni mama kung saan banda yon ilalagay. Malaki din kasi ang space ng kwarto kaya kahit saan pa ilagay yon, okay lang.

Ngayong araw na to parang wala lang sa kin. Tuloy lang ulit ang klase ko. Magkikita naman din kasi kami mamaya ni Caleb. Friday na rin kaya okay lang pumunta siya sa bahay at dun mag-dinner. May balak rin sins Andi at Mel na mag-sleepover sa bahay ko kaya pumayag na rin ako. I'm sure mama won't mind. Ang ganda nga ng araw ko ngayon. Malapit na rin kasi ang birthday ko. Isang buwan na lang at birthday ko na. Haha! Escourt ko si Caleb. Kasama sa 18 roses ko sins Liam at Basty pati na rin si Leonne kahit madalang la g naming nakakasama. Iba kasi ang school na pinapasukan niya. Pero kahit ganun, we find ways to bond. Ang says kasi kapag kompleto ang barkada.

"Hello, mahal. Kumusta ang klase?" Tanong sa kin ni Caleb sabay halik sa pisnge ko.

"Okay lang. Ganun pa rin. Thank you sa stuffed toy. Hehe. I love you." Sagot ko sa kanya.

"I love you, too." Ako.

"Oh, please. Bawal ang ganyan. Nakakadiri tol. Promise." Reklamo ni Liam.

"Walang basagan ng gustong gawin, tol. Okay? Di ba, tweet?" Sabat ni Basty.

"Oo nga naman, Liam. Wag bitter." Segunda ni Andi.

Nagtawanan naman kaming lahat maliban Kay Liam at Mel. Pagkatapos nun. Balik sa kainan at asaran. Nagbabangayan na naman sina Mel at Andi. At isang dakilang referred nila, ayon, pumagitna na naman ako. Tinignan ko naman si Basty at Caleb pero ayon wala akong nakuhang tulong. Naaliw din kasi sa bangayan ng dalawa. Nabatukan ko tuloy silang dalawa na ikinatuwa naman ni Liam. Nagpasalamat pa nga sa kin. Matagal na din kasi saw niyang gusting gawin sa dalawa kasi hindi niya nagawa kasi natatakasan siya ng dalawa.

"Oo nga pala mahal. Dinner ka sa min." Ako.

"Naku, sorry mahal. Dating kasi si mama ngayon. May kasama daw kaya nakatuka akong magluto ngayon. Next time na lang. Sorry talaga." Siya.

"Ah, ganun ba? Okay mahal."

"Babawi na lang ako next time. Okay? I love you."

"I love you, too."

Mukhang tuloy na tuloy na ang sleep over namin mamaya sa bahay. This is exciting kasi first time kong magkaroon ng ganito sa buong buhay ko. Hindi naman kasi ako nagpapapunta ng mga "kaibigan" ko noon kasi hindi ko naman sila totoong kaibigan. I texted mama in advance na sa bahay matutulog sina Andi at Mel. At mukhang tuwang-tuwang naman si mama. Siya na saw ang bahala sa paglilinis ng kwarto ko. First time to. Hahaha! Anyway, basta. Excited na ako para mamaya. Girl bonding!

--

Kinagabihan, andito na kami sa kwarto ko. Nagkwekwentuhan ng kung ano-ano. Nag-movie marathon na nauwi na naman sa kung among klaseng genre ang ipapalabas. Ayon nauwi kami sa rom-com. Pagkatapos ng movie marathon, balik ulit sa kwentuhan hanggang sa nauwi ang kwentuhan sa kiss. Ang nagsimula ng topic na yan at walang iba kundi si Andi.

"Ikaw Mel? Sino first kiss mo?" Tanong niya sa Kay Mel.

"Wala." Sagot niya habang nagba-blush.

"Weeh? Bakit ka namumula kung wala?" Tukso ni Andi.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon