Twenty Five

0 0 0
                                    

A/N:

So, 161 reads na po. Still no comments. Comment naman kayo guys. Malapit na matapos tong story ko. You guys have something to say. Di ba??

Anyway, thank you sa reads guys. Give me some love and make a comment. Vote na rin kayo. Haha!

June's POV

Day one

Andito kami ngayon sa puntod ni papa. Gusto daw makita ni Caleb si papa ng personal. Nakakatuwa lang kasi kahit matagal nang patay si papa, gusto pa rin niyang makausap. It's creepy and weird but it's also sweet. Mas excited pa nga siya kesa sa kin. Habang nasa byahe pa kami panay si papa ang sinasambit niya. Tinatakot pa nga niya ako na kapag approve daw si papa sa min, magpaparamdam daw siya. Ayon nasapak ko tuloy ng wala sa oras. Alam naman niya na ayoko na tinatakot ako lalo na't sa mga multo. Ayoko ng ganun. Kahit tatay ko ang nagpaparamdam matatakot pa rin ako mga brad. Wag ganun.

"Hello po papa. Kumusta ka na d'yan sa heaven? I'm sure nag-uusap kayo ni Lord d'yan at nagtatawanan. Pa, may ipapakilala ako sa yo. Si Caleb po, boyfriend ko. Mabait po yan. Maalaga at mapagmahal plus na lang yong looks niya. Gwapo, eh. Tulad mo." Sabi ko sa puntod ni papa.

"Hello po, tito. Ako nga pala si Caleb Boromeo. Ako po yong anak ng kaibigan niyong si Louie Boromeo. Sana po okay ako sa inyo. Kasi okay ako sa asawa mo, eh. Gabayan niyo po kaming dalawa ng anak niyo. She's smart, talented, kind, understanding and lovable and beautiful. Ang swerte ko po sa anak niyo. Kahit med'yo tupakin ang anak niyo at sinasaniban ng kakulitan, mahal na mahal ko po to. Kahit bugbog sarado ako sa kanya kapag kinikilig o kaya natatakot, mahal na mahal ko pa rin siya. Promise ko po sa yo, hinding hindi ko po siya sasaktan intentionally. Kasi may mga trials naman po kaming haharapin. Hindi ko po siya bibitawan." Ika ni Caleb sa puntod ng papa ko.

Napangiti naman ako sa mga sinabu niya. Oo, makulit ako parati. Kapag nanonood kami ng sine tapos may mga nakakatakot na part, nahihila ko siya at nakakalmot o nababatukan dahil sa mga pang-aasar sa kin, okay lang sa kanya. Form of sweetness ko daw yon sabi niya. Nag-aaway kami minsan pero hindi namin pinapalagpas ang isang buong araw na hindi nagkakabati. Napasayaw ko pa nga siya ng tatlong bebe. May nagawa kasi siyang hindi maganda kaya nainis ako. Pero laking pasalamat ko sa kanya, hindi niya ako iniiwan o sinusukuan. Nakakakilig lang. Hehe!

Bigla namang humangin. Parang may humaplos sa kin nang humangin. Napalingon tuloy ako sa likod ko pero wala naman akong nakita. Siguro guni-guni ko lang yon. Sinindihan na namin ang mga kandila at nag-alay ng dasal para kay papa. Nag-selfie naman kaming dalawa kasama ang puntod ni papa at pinost yon sa Instagram ko at Instagram niya. Late lang kami nagkaroon ng ganyang application sa mga phone namin. Si Andi ang nagturo sa min kung pano gamitin. Ayon, ginawa naming photo diary. Hindi naman kami araw-araw nagpo-post. Yong mga candid moments lang at special occasions.

Ilang oras lang naman ang itinagal namin sa sementeryo dahil bibili pa kami ng mga kakailanganin para sa joint class project namin. Yong section niya at section namin yong naatasan na gumawa ng props para sa isang recital. Kami yong parang mga designer ng stage at gagawa ng mga susuotin ng mga actor at actresses. Nakakapagod lang kasi hindi pa mas'yadong nakikipag-cooperate yong magre-recital. Nakakainis kasi sila daw yong mas importante kaya kung makaasta parang artista talaga. Si Andi nga nabatukan yong isang babae na ang sama ng tingin sa kanya.

"Ano pa ba ang kelangan? Mga pintura, okay na. Brushes, okay na rin. Stayro, tela, okay na rin. Crepe papers, cartolina, markers, gunting, art papers, pandikit, ropes, tapes. Teka nga, aanhin ba natin yong scented candles?" Tanong ko kay Caleb.

"Sabi daw kelangan ng lead actress yan. Nag-iinarte siguro." Sagot naman niya sa kin.

"We are not going to buy that thing. Wag mong isali yan. Ibalik mo yan. Kuha ka na lang ulit ng iba't ibang kulay ng cartolina dun. Lahat ng mahanap mo. Okay?" Sabi sa kanya.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon