A/n:
So, this is my last day here sa lugar kung saan libre ang internet connection. I will be posting 2 chapters today. This will be the first chapter. Mamaya ang pangalawa. It would be great to leave some love for me. Enjoy!Caleb's POV
It's christmas eve. Nag-effort si mama na maghanda ngayon. Hindi kagaya ng dati na halos hindi na kami mag-celebrate at pumupunta na lang kami sa bahay nila Andi at dun na lang nakiki-celebrate. Natuwa naman ako kahit papano. She had the reason to celebrate. We have the reason to celebrate. Kahit papano, okay na kami ni papa. Tinulungan din kasi ako ni June na unti-unting tanggapin si papa sa buhay ko. Hindi ko pa nga makalimutan ang sinabi niya sa kin. Mabuti nga daw ako't makakasama ko pa ang papa ko. Na nahahawakan ko siya pero siya hindi na. That made me wake up. Kasi kung patuloy ko ring ipapairal ang galit ko, wala din namang mangyayari. Kahit mahirap, unti-unti kong binuksan ang puso ko para kay papa. Nag-bonding kami. Pumunta sa beach kasama ang barkada at si mama. Nakakailang nga kasi med'yo naninibago ako na may tumatawag sa king anak, at hindi si mama yon. At within that period gumaling sa pagluluto si mama. Med'yo naturuan naman kasi ni Mel si mama. Idagdag pa na sobrang galing magluto ni papa. Kaya ayon, nagpursige na matutong magluto.
"Nak, di ba bukas na ang christmas party niyong magbabarkada? San kayo pupunta niya?" Tanong ni mama.
"Hindi ko pa alam ma. Baka siguro sa bahay na nila Liam. Siya lang daw kasi mag-isa sa bahay nila ngayon." Sagot ko kay mama.
"Hala! Papuntahin mo na lang si Liam dito. Kawawa naman. Sige na. Parating na rin daw ang papa mo." Mama.
"Ah, sige po ma. Tawagan ko lang si Liam."
Tumango lang si mama at binalik na ang atensyon sa niluluto niya. Tinawagan ko naman si Liam para papuntahin dito sa bahay. Natuwa naman si Liam at agad daw na pupunta dito. Pagkababa ko ng cellphone, bigla naman itong nag-ring. Pangalan ni Mel ang nakita ko sa caller ID. Agad ko namang sinagot.
"Hello? Mel? Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede bang d'yan na lang ako sa inyo mag-chritsmas? Ang gulo na naman kasi dito sa bahay. Naglayas si mama. Hindi ko naman mahagilap si kuya at ate." Sabi niya sa kin.
"Ah, oo naman. Sure! Welcome ka dito. Punta ka na lang dito. Sabihan ko na lang si mama." Ako
"Salamat. I'll be on my way."
"No problem. Be careful."
Isang oo lang ang narinig ko at binaba na niya ang cellphone niya. Ano na bang nangyayari sa buhay ng mga kaibigan ko? Paskong-pasko, nag-iisa lang sila. Sinabihan ko naman si mama na pupunta din si Mel dito sa min. Ngumiti naman siya sa kin at tumango lang. The more the merrier daw sabi niya. Dumating naman na si papa na may dalang dalawang bote ng champagne. Woah! First time kong makatikim niyan, ah. Sana bigyan kami ni papa mamaya. Nagmano naman ako kay papa at kinuha yong isang bote. Inakbayan naman niya ako sabay sabing akin na daw yong isang bote. Ang laki naman ng ngiti ko dahil dun. Must save this for tomorrow's event. Pumunta naman si papa sa kusina para makita si mama at mabati.
Ilang sandali pa, biglang may nag-doorbell. Si Mel o Liam na ata yan. Agad-agad ko namang binuksan ang pinto. At sabay talaga silang dalawa na dumating. Ang layo nga nila sa isa't-isa. Haha! Pinapasok ko na silang dalawa. This night's going to be one awkward for the two of them.
June's POV
Excited na akong mag-25. Wahh! Bukas na yong christmas party namin. Sabi daw nila sa bahay daw ni Liam ang party. Siya lang daw kasi mag-isa dun ngayon. Pinagbakasyon yong mga katulong nila pati driver. Yong kambal naman niya, andun daw sa boyfriend nito. Ang parents niya sa ibang bansa na daw magpapasko. Hay, minsan ang pera pa ang naglalayo ng anak sa mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...