Twenty

9 0 0
                                    

June's POV

It's been two months na nililigawan ako ni Caleb. I'm very happy na consisted siya sa mga sinabi niya sa kin. He even did an extra mile just to surprise me everyday. Oo, inaamin ko kinikilig ako ng sobra sa mga efforts na ginagawa niya. It made smile and blush at the same time. Parang ako yong pinakamagandang babae sa buong mundo. Daig pa ang miss universe at miss earth. Ang haba ng hair ko. Sabi pa nga ni mama, ang swerte ko kay Caleb. Ang bait na, talented pa at gwapo. She even persued me to just say yes to him. Sabi ko naman kay mama, paabotin ko muna ng dalawang buwan. Titinagnan ko lang kung tatagal ba siya. At ngayong araw na to, ngayon ko siya balak na sagutin. Tama na rin siguro ang dalawang buwan na paghihintay niya. Sabi nga ni mama, hindi ligawan ang pinapatagal kundi ang relasyon.

Andito kami ngayon sa school grounds. Wala lang. Tambay-tambay lang. May meeting kasi ang mga teachers kaya walang pasok. Hindi rin naman kami pwedeng lumabas kasi class hours pa lang. Napagtripan namin na tumambay dito. Kami pa lang nina Mel at Andi dito. Susunod na lang daw sina Caleb sa min. I thought it was just an ordinary day for us. Nagulat na lang kami ng may mga ibang estudyante na lumalapit sa min at binibigyan ako ng bulaklak. Take note, orchids yong bulaklak. Yong favorite ko. Halos hindi ko na nga mahawakan sa sobrang dami kaya tinulungan na ako ng dalawa. Tinignan ko naman sila kung may kinalaman sila dito pero nagkibit-balikat lang sila. Nung wala nang nagbigay ng bulaklak sa kin, may narinig naman kaming kumakanta. Well, out of nowhere may nag-appear na mga sound system di kalayoan sa tinatambayan namin. Parang magic lang.

"Oh, my gosh! Si Mr. Lim. Yong music teacher natin." Ika ni Mel.

"Hype! Si miss De Leon. Music teacher nila Basty." Gulat na sabi ni Andi.

"Huh? Oo nga nu? Ano kayang meron?" Tanong ko na lang.

"We don't know. Baka para sa yo to." Sagot ni Andi sa kin.

Patuloy pa rin sa pagkanta si Mr. Lim. Ginawa nilang duet ang Only exception ng paramore. Napangiti naman ako kasi ito yong narinig kong kinakanta ni Caleb nung bago ako makatulog sa balikat niya nung pauwi na kami galing sa outing namin. Siya agad naisip ko nung narinig ko yan kanina. It just made me smile.

"Wow! Akalain mo yon. Marunong palang mag-drums si Dean. Si Mr. Lee naman gitara. Ay, marunong palang tumugtog ng base guitar si Liam?" Tanong ni Andi sa min.

Akalain mo nga naman. This is really a surprise for me. Assuming naman ako mas'yado pero kinakabahan kasi ako, eh. Haha! It's really nice to see something like this. Pero nung nakita ko na talaga si Caleb na may dalang mga orchids, dun na ako natigilan. Nakangiti siya sa kin at ang sobrang gwapo niya. Sa kabila ng distansiya niya sa kin, nakita ko pa rin ang bughaw niyang mata. He took my advice and change his contact lenses. Wow! Napatakip naman ako sa bibig ko. May dala siyang mic. Bakit ganito? Parang naiiyak ako ngayon. Mas'yado akong na-overwhelmed.

"Alam ko na dalawang buwan pa lang akong nanliligaw sa yo. It's early to really do this pero may taong nakapagsabi sa kin na, kung mahal ko daw ang isang tao, wag mo nang pakawalan. So, I took this opportunity to do this. Buti na lang at pumayag sina Dean at ang ibang pang mga teachers natin to do this. Thank you nga po pala sir, ma'am, at Dean. Anyway, here I go.

"Alam mo bang ikaw na parati ang nasa-isip ko all this time without knowing that ikaw talaga yon. I had this crush, well, puppy love to be exact on you nung mga bata pa tayo. I had always have that feeling. Nalungkot nga ako nun nung hindi na tayo nagkita. Then, one day you came along. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kakalimutan ko na so JJ to love again. Pero nung nagkita ang mama mo at mama ko, si JJ at si June ay iisa lang pala. Sobrang saya ko nun. Promise! Itanong mo pa kay Liam at Basty. Sinabi ko sa sarili ko, I don't have to let you go. I won't let you go.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon