Twenty Four

1 0 1
                                    

Si Leonne po yan. Haha!

Hashtag (#) Ronnie.

So enjoy niyo lang po ang pagbabasa.

June's POV

Well, dalawang buwan na rin ang nakakalipas ng maging kami ni Caleb. Haha! Ang daming paandar ng lalaking to. Surprise bongalor yong tao. Ako naman, nasurprise din kaya happy lang. Walang ending. Haha! Ang sweet ng boyfriend ko. Araw-araw may pabulaklak at pa-stuffed toy. Nung 2nd monthsary namin isang malaking teddy bear ibinigay sa kin. As in, mas malaki pa ata sa kin. Hindi nagkasya sa locker ko kaya napilitan akong dalhin sa loob ng classroom. Nakakahiya nga, eh. Tinutukso ako ng mga kaklase ko pati mga teachers. Haha! Kinikilig daw sila sa effort na ginagawa ni Caleb para sa kin. Swerte daw ako sa kanya. Kung effort din naman ang pag-uusapan, yong papa ni Caleb parang nanliligaw sa kanya. Araw-araw dumadalaw sa kanila. Binibigyan ng mga drawing materials. Yong mga mamahalin. Napanganga nga ako sa mga presyo. Galing pa ng ibang bansa yong iba. Ako nga nagtitiis sa mga nabibili ko sa bookstore at sa hardware. Binigay niya sa kin yong mga hindi niya gagamitin. More on sketching kasi siya kesa painting. Kaya yong mga pintura at canvasses binigay niya sa kin. Sabi niya sa kin na lang daw kesa naman nakatiwangwang lang sa gallery niya. Kahit papano civil na si Caleb sa pala niya pero yon nga lang hindi pa niya tinatawag na papa ang papa niya. Awkward daw kasi mas'yado.

Oo nga pala. Malaki na tiyan ni mama. Haha! Magiging ate na ako. I will spoil that kid. Promise! Ang layo din kasi ng agwat naming dalawa. 18 years. Hindi na nga pinagtatrabaho ni tito Anton si mama sa shop dahil gusto niya hindi stress si mama. Nakakatawa nga, eh. Minsan naabutan ko si tito Anton sa kusina naghihiwa ng manggang hilaw at naghahanda ng bagoong na may suka at kalamansi. May platito din na may asin lang. At may platito din na may powdered milk. May milo at toyo na may asukal. Nagtataka ako bakit ang raming nakahanda, yon pala, yon yong gusto ni mama. Siguro napagod na si tito kakababa akyat sa kwarto nila. Tinulungan ko na lang din siya na magdala ng mga yon. At yong buntis, parang bata lang. Siguro ganyan din si mama nung pinagbubuntis pa niya ako.

"Mahal, punta tayo bahay mamaya. Magluluto daw si mama. Pupunta daw kasi si Alfredo mamaya. Dun daw kakain." Sabi niya sa kin.

"Okay. Text ko lang si mama. You still don't call him dad, don't you?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya bilang sagot. Inimbitahan na rin niya sina Mel, Andi, Basty at Liam. Tinawagan naman niya si Leonne para makasama ito. Dumiretso naman kaming lahat sa bahay ni Caleb. Sa ibang school kasi nag-aaral si Leonne kaya hindi namin siya kasabay. Nadatnan na lang namin siya dun sa labas ng bahay ni Caleb. Nakangiti pa habang may kung anong kinukulikot sa cellphone niya. May katext siguro ang mokong. Haha! Cute niya kapag nakangiti na parang tanga lang. Haha! Sabay na kaming pumasok lahat at dun na namin nakita ang papa ni Caleb.

Caleb's POV

Andito kami sa bahay ngayon. Gusto daw kasing makilala ni Alfredo ang mga kaibigan ko lalo na ang girlfriend. At dahil pinilit ako ni mama, inimbitahan ko na lang sila. Mapilit din kasi si mama kaya wala akong magawa. Nag-hire muna si mama ng cook para tulungan siya sa pagluluto. Ayaw niya kasi akong mawala sa salas at baka ano pang itanong ni Alfredo sa mga kaibigan ko. I introduced them to him. Nakakatuwa lang kasi napapanganga silang lahat dahil magkamukhang magkamukha kaming dalawa. Malamang siya yong isa pang tao na nagbigay ng punla niya para mabuhay ako.

Si Andi, ayon tudo kwento ng mga bagay na kelangan kong pagdaanan mag-isa. Nakakainis lang kasi andito si June. Nakakahiya. Isa sa pinakanakakahiya ay yong nagpatuli ako nung elementary ako na kasama ang papa niya kasi hindi pa umuwi si mama galing trabaho. Andun din kasi siya. Si June, tawa lang ng tawa. Si Alfredo ngumingiti lang at tumatango. Sina Basty, Liam at Leonne ang lakas tumawa. Nabatukan ko tuloy. Si Mel naman nagkusa ng tumulong kay mama. Kilala din kasi niya yong cook kaya tumulong na lang din siya. Iniiwasan niya pa rin si Liam.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon