Dahil sunday ngayon, mag-a-update ako. Good mood, eh. At buong araw akong mawawala ngayon.
So, enjoy!
Caleb's POV
Andito kaming lahat sa bahay nina June. May konting dinner kasing inihanda ang mama niya dahil sa paalala ng kanyang ama. Ah, death anniversary. We were invited kasi daw gusto makita ng mama niya lahat ng kaibigan nito pati na rin mga parents namin. Sakto nga walang trabaho si mama ngayon kaya nakasama ko siya. Syempre nag-taxi lang kami. Tinamad si mama mag-drive at wala pa akong lesinsya kaya taxi na lang. Andito rin si Leonne. Basty and Liam's moms are here. Leonne, he came with his twin sister. Si Mel naman siya lang mag-isa. Wala naman siyang maaasahan sa pamilya niya when it comes to gatherings like this. Andi's dad, tito Luke, and tita Rhe are here. It's one awkward sala, if you ask me. Nakadagdag pa na andito ang mama ni Basty at papa ni Andi. Nakakatawa nga kasi halos hindi makatingin ang mama ni Basty kay tito.
"Alam mo monster, nakakatuwa panoorin yong mama ni Basty. Is it bad to be so happy on someone's suffering?" Tanong ni Andi.
"At this moment? No. Nah. It's okay." Sagot ko naman sa kanya.
"Babe, is it bad to see amusement to my mom's horrified face?" Tanong ni Basty kay Andi.
Umiling lang si Andi sa kanya at ngumiti. Kahit papano may nakita akong amusing ngayong araw na to. Hindi pa rin namin nakikita ang mama ni June. Busy daw kasi sa pagluluto sa kusina. Si Mel at si June naman nag-uusap tungkol sa isang damit na hindi ko malaman kung anong maganda sa isang telang may burda at palamuti lang na ginawang damit. At, lalaki talaga ako. Bow!
"Naiilang ako sa bahay na to." Ika ni Liam.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Ang lako, dude. Maliit lang bahay namin, eh." Sagot niya sabay kamot ng ulo.
"Ulol! Mas malaki pa bahay niyo kesa dito. May condo ka lang kaya ganun."
"Wahh! Ulol mo rin. Hindi ko yon bahay. Bahay nila mama yon. Yong condo ko, ako talaga bumili nun with my hard earned cash. Indie nga ako, di ba?"
"Indie-hin mo mukha mo."
Tumawa lang si Liam. Oo. Mayaman ang pamilya ni Liam. Pati nga din si Basty, eh. Ako lang yong nakakagaan lang sa buhay. Sila lumulutang na sa buhay kasi ang yaman nila. Hindi ko nga alam bakit ko sila naging kaibigan. Pero swerte na rin ako na sila ang naging kaibigan ko. Kahit gaguhan minsan kung nag-uusap kami, may mga nakukuha ka rin namang sense sa kagaguhan nila. Isabay naman kasi ang kagwapuhan sa bawat comment. Bagyo talaga ang labas.
Bigla namang lumabas ang mama ni June galing kusina. Naka-apron pa nga siya, eh. Niyogyog ko naman si mama na busy sa kakatingin ng mga painting sa buong sala. Kahit papano nakuha ko ang atensyon niya kaya napaharap ko siya. Napansin ko rin na may lalaki sa likod ng mama ni June. Nakangiti silang dalawa sa aming lahat. Siguro ito yong step-father niya.
"Ah, magandang gabi sa inyong lahat. Salamat nga pala sa pagpunta niyo dito sa aming munting bahay." Ika ng mama ni June.
"Yes, thank you for coming here. The food will be ready in five minutes. Sana hindi kayo nainip o kung ano pa man. It's nice to see and know that June made friends." Ika din nung lalaki.
Nagkamot naman ng ulo si June at ngumiti. Pinakilala naman isa-isa ni June lahat ng bisita niya. It's amazing she can actually memorize all of the new names she read once. Nakakatuwa lang kasi may photographic memory ang babaeng to. Nung kami naman ang pinakilala niya, bigla na lang tumili ang mama ko at ang mama ni June at nagyakapan pa sa harap naming lahat. Okay, nakakahiya ang inisal ng ina ko. Parang high school student lang. Kaming lahat naman nagtaka sa inasal ng dalawang ginang. Kahit si June nga nagtataka din. Napatingin naman si Basty at Liam sa kin. Nagkibit balikat na lang ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...