Twenty Eight

4 0 0
                                    

A/N:
I am so sorry for not updating when I said I'd update. Kaya ito na yong update ko. Thank you for supporting my story kahit na late ako kung mag-update.

Love you all!

Third Person POV

Puno ng halakhankan ang buong bahay ni Liam. Ganyan naman talaga ang party, saya at tawanan ang makikita mo. All sang a song and made everybody clap. Lalo na nung si Mel na ang kumanta. Hindi nga makapaniwala ang lahat na may itinatagong galing sa pagkanta si Mel. Kahit si Liam tumigil sa ginagawa niya at nakinig kay Mel. Ayon, ang ending, malapit masunog ang barbequeng niluluto niya. Buti na lang unang batch pa lang yon. Tawa pa ng tawa ang lahat. Inimbitahan naman nila si Jonathan kaya dagdag naman sa kaingayan. Nadaldal din pala si Jonathan kahit na hindi halata. Sinama niya yong bratenilang babae na girlfriend pala niya. She's not so bad, ganun lang talaga daw siya kapag nasa stage, nagiging sakit sa ulo, madalas. Alter ego niya. Hindi nga niya alam kung bakit nagkakaganun siya.

"Oh, ito na. Luto na. Maghintay na lang tayo sa spaghetti at rice." Ika ni Liam.

"Haha! Mabuti na lang at hindi nasunog tong mga to. Ang ganda kasi ng bose mo Mel. Nakakatulala." Sabi ni Basty.

*Boink* "Tunahimik ka nga d'yan. Kumain ka na lang ng barbeque." Sabat ni Andi. Opo. Binatukan na naman ni Andi si Basty.

"Babe naman. Wag namang ganyan." Reklamo ni Basty sabay kamot ng ulo.

Pinandilatan naman ni Andi si Basty. Natawa naman si June sa dalawa. Kumuha naman ng barbeque si Mel para ibigay kay Jonathan at sa girlfriend nito. Nag-enjoy ang lahat sa party. It was time to give their gifts to each other. Unang nagbigay ng regalo si Basty.

"Oh, ito para sa yo tol. Mahal yan. Tag bente singko pesos. Hahaha! Mamaya mo na buksan..." Sabi niya sabay abot kay Caleb.

Sunod-sunod namang binigay ni Basty ang mga regalo niya sa mga kaibigan niya. Though, last minute ang pagbili niya, nasalihan din niya si Jonathan. Andi was the next one to give her gifts to her friends. After her was Mel. Then, June. Right after June was Caleb. At ang pinakahuli ay si Liam. Sabay-sabay nilang binuksan ang mga regalo. Tumili naman si Mel na ikinagulat ng lahat. Halos tumalon pa nga ito habang sobrang lapad ng ngiti.

"Woah! Tiger. Chill lang. Nagulat kaming lahat sa yo." Sabi ni Jonathan.

"Haha! Sorry pero ang ganda kasi ng regalo ni Caleb sa kin. Thank you! Sana magustuhan mo rin yong sa kin." Sagot naman ni Mel.

"No problem." Sabat ni Caleb.

Parang mga bata lang silang lahat sa pagbukas ng kani-kanilang mga regalo. Nagpasalamat sila sa isa't-isa. Hindi naman maiwasan ni June na hindi matago ang pagkadismaya. Hindi kasi siya binigyan ni Caleb ng regalo. Kahit mab lang paint brush na may signature niya, okay na sa kanya. Pero wala talaga. Pumunta naman siya sa labas para hindi mahalata na naiiyak siya. Agad namang sinundan ni Caleb ang kasintahan sa labas para kausapin.

Caleb' POV

Alam kong disappointed siya sa kin ngayon dahil hindi ko siya binigyan ng regalo. Hay, naku! Akala niya siguro na wala akong nabiling regalo para sa kanya. But I want it to be special. Nagpaalam muna ako sa barkada na pupuntahan si June sa labas. Nakita ko naman siyang nakatingala lang sa mga bituin habang nakaupo sa isang gilid. Tumabi naman ako sa kanya na ikinagulat niya. When I saw hear face, I saw a sparkle on the side of her face. She was crying. Oh, man! Naku! I didn't mean to make her cry. Caleb ano ka ba? Pa-suspense ka kasi. Gago ka talaga!

"Mahal? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Wala mahal. Masaya lang ako. Hehe! Nagustuhan mo ba regalo ko sa yo?" Sagot niya sa kin.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon