Nine

12 0 0
                                    

Ito na po ang update ko. Tatlong makakasunod to.
Enjoy po!

June's POV

Oh, well. Okay na ang lahat. Nakalabas na si Mel sa ospital. She's optimistic as she's always been. Ayon nga, balik sa dati ang lahat. Balik school pero wala nang nagtatangkang mang'bully sa min. Wala naman kasi si Patricia kasi pumunta daw ng US. Malamang sa malamang, nagwawaldas na naman ng pera ng hindi sa kanya. Ang sarap piktusan ng babaeng yon eh. Kung hindi lang talaga ako hinila ng Caleb na yon, binugbog ko na yong babaeng sa harap ng buong student body ang no one will ever even try to stop me. Not even that useless Dean of this school.

"Hi girls!" Bati sa min ni Caleb.

"Hello, Caleb." Bati ni Mel.

Tumango lang kami ni Andi sa kanya. At may nalaman pala ako na bago. Magpinsan pala tong si Andi at Caleb. That explains why she can go and talk to Caleb directly not the other girls here on campus. And being Andi's friend, damay na din si Mel. Nalaman ko rin na hindi alam ni Patricia ang fact na yon. She just assumed na mas gusto ni Caleb sina Andi at Mel kesa sa kanya nung nilapitan niya silang dalawa nung unang araw ng school when they were just in their freshmen year. Ang kitid din kasi ng utak ng babaeng yon. Mukha niya, ang kapal ng make up.

Mabait din naman si Caleb. Gentleman at matalino. Well, gwapo din naman siya. Oh, ayan. May mata din ako sa mga gwapo. But wala akong crush or what so ever. Gwapo lang siya. Yon lang yon. Wala nang iba.

"Okay ka na ba?" Tanong niya kay Mel.

"Yep? Good as new. Haha!" Sagot naman ni Mel.

It's good to see na okay na si Mel. Na nakikita ko siyang nakangiti at tumatawa. Sana tumigil na si Patricia sa ginagawa niya sa min especially kay Mel. Pano na lang kung wala si Andi nun? Sino na lang kaya ang tutulong kay Mel? Hay, naku! Kapag naiisip ko yon, kumukulo ang dugo ko kay Patricia, eh. Ewan ko ba.

"So, sabay na tayong mag-lunch mamaya." Ika ni Caleb.

"Sure, monster. Libre mo ko kasi wala pa akong sweldo." Sagot ni Andi.

"Grabe siya. Mas mayaman ka sa kin, tigre. Alam mo namang gipit ako basta wala si mama." Sagot niya.

Tumawa na lang si Andi at sinuntok si Caleb sa braso nito. Pagkatapos ng ilang usapan, nagsipasok na kaming lahat. Anyway, magkikita naman kami sa cafeteria mamaya.

Ang ingay talaga ng cafeteria. This is just what I need para makapagparelax ng utak ko galing sa isang pop quiz sa Trigo kanina. Terror talaga ang babaeng yon. Ang hirap ng quiz. Grabe! May kasalanan ba kami sa kanya? Kasalanan ba namin na tumandang dalaga siya? Ang taas kasi ng standards ng babaeng yon, eh.

"Ay, grabe si ma'am Alma. Papatayin ata niya tayo, eh. Nakakainis. Sino ba naman kasi gusto niya pataubin?" Reklamo ni Andi.

"What? Tinatanong pa ba yan? Utang na loob. Kahit minsan, wag mong i-provoke yong matanda. Please! Have mercy on us average brain people." Sabi ni Mel habang nakatingin sa kin.

"What?! Me? No! Nahirapan nga ako dun, eh. Nakakainis nga. Umandar lahat ng braincells ko." Sagot ko naman.

They just rolled their eyes on me at sabay na ngumawa. Wow! Anong trip ng dalawang to? Nahirapan naman talaga ako sa quiz kanina. Parang mga bata tong dalawang to. Bigla namang dumating si Caleb na may dalang tray ng pagkain. Ang rami naman ata niya para sa isang tao.

"Oh? Anong nangyari sa dalawang yan?" Tanong niya sa kin. Sa kin kasi tumabi.

"Quiz. Trigo." Sagot ko naman.

"Ah, si miss Alma. Terror nga naman talaga yon pero the best magturo."

Tumango na lang ako sa kanya. Napansin siguro niya na nakatingin ako sa pagkain niya kaya napangiti siya. Wow! Baka sabihin niya na patay gutom ko, naku! Babagwasan ko talaga tong lalaking to. Promise ko yan.

Who Painted That Wall?  ~ ON HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon