Ito na po ang next update ko :)
Enjoy :DJune's POV
Andito kami ngayon sa office ng Dean. It's been a week since that thing happened to us. Nalaman din agad ng Dean kung ano ang nangyari. Pano ba nama hindi malalaman na kalat na sa buong campus ang nangyari. This made her decide na magkaroon ng meeting ang mga estudyanteng involve sa nangyari at mga parents nito. Which means andito si mama at si tito Anton ngayon. Pati na rin ang papa ni Andi at ang asawa nito. Si Mel naman ang abogado niya. Yep! Abogado lang. Busy na mas'yado ang mga magulang niya to attend school meetings pero darating naman daw ang kapatid nito maya-maya sabi ng abogado nila. Andito rin si Caleb to act as the witness. Sasama pa sana si Liam at Basty pero pinili lang ni Dean ang pwedeng sumali sa meeting. Andito rin si Patricia at ang mama niya. Hindi pa ata nagsi-sink in sa kanya ang mga nangyayari dahil nakangiti pa siya. Nagkakilala na ang lahat kanina. Namumutla nga ang mama ni Patricia nung nakita niya si Caleb. Mukhang panansin din ni Caleb yon kaya napatingin siya sa kin. Nagkibit balikat na lang ako kasi hindi ko naman alam ang dahilan.
"I'm sorry I'm late. Is the meeting starting?" Tanong ng isang lalaki.
"Hindi pa kuya. Upo ka na dito sa tabi ko. You're right on time." Sagot ni Mel.
Ngumiti naman ang lalaki at umupo na sa tabi ni Mel. Hinalikan naman ng lalaki ang noo ni Mel tsaka kinausap ang abogado nila. Mas lalong namutla ang mama ni Patricia sa nakita niya. Sinamaan naman ng tingin ng kuya ni Mel ang mama ni Patricia. Alam na siguro nito na siya ang kabet ng kanilang ama. Napailing na lang ako. Hindi siguro alam ni Patricia ang katutuhanan kasi hindi niya napansin ang pamumutla ng mama niya.
"Okay. Alam niyo naman sigurong lahat kung bakit ko kayo pinatawag dito. Let's get right to the point. It's a good thing na may abogado dito ngayon. Now, miss Wright, can you tell us what happen sa loob ng CR nung monday Morning?" Tanong sa kin ng Dean.
Tinignan ko naman sina Mel at Andi bago ako nagsalita. Tumango lang sila sa kin at ngumiti. Napalunok naman ako ng sunod-sunod kasi kinakabahan ako. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko at ngumiti sa kin.
"Dean, kasi papasok na kami nun sa Cr. Nagtatawanan pa nga kaming tatlo nina Andi at Mel. Hindi namin alam na andun na pala sina Patricia at mga kaibigan niya. Akala ko nga mag-uusap kami pero parang galit siya sa ming tatlo. Inutusan niya yong mga kaibigan niya na hawakan kaming tatlo. Tapos bigla na lang niya sinampal si Andi. Sinabunutan at sinuntok sa sikmura. Bumitiw yong mga kaibigan niya kay Mel kaya nakawala siya tapos pinuntahan niya si Andi. Bigla namang sinugod ni Patricia si Mel at itinulak na lang kaya nabagok ang ulo no Mel at nawalan ng malay.
"Hindi ko na nga alam ang gagawin ko nung mga panahon na yon. Nung nakawala naman ako, nilapitan ko ang mga kaibigan ko. Si Andi halos hindi na makagalaw dahil bugbog na at si Mel naman wala nang malay. I thought she's gonna leave us alone pero hindi pa. Bigla na lang niyang inapakan ang kanang kamay ko. Hindi ko alam kung nabali ba ang mga daliri ko o ano. Nung umalis na sila, nagkaroon pa ako ng oras para matawagan si Caleb pero sa sobrang sakit, hindi ko na kinaya kaya nawalan na rin ako ng malay. The next thing I knew, nasa-ospital na po ako." Sabi ko sa Dean.
Tumango naman ang Dean at tumingin kay Mel at Andi. She ask the same question to them at yon din ang sinagot nila. Tinanong naman ng Dean si Caleb sa kung ano nga ang nadatnan niya sa Cr. Sinagot niya rin ng ealang pag-aalinlangan ang tanong. Dun na nawala ang ngiti sa mga labi ni Patricia. Tinanong naman ng Dean si Patricia pero nag-imbinto siya ng alibi niya. Pinagmukha pa niya kaming mga attention seekers kaya nag-iimbinto lang daw kami ng kwento at kami-kami lang daw ang gumawa nito sa mga sarili namin. Hindi naman kasi kami nag-iimbinto. Nangyari talaga sa min yon. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sa min si Patricia pero siguro tama nang ginanito niya kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...