Caleb's POV
Andito kami ngayon sa mall. Mahigit tatlong oras na kaming naglilibit ni June sa mall para lang makahanap ng mga regalo para sa lahat. Masakit na ang paa ko brad. Wala pa kaming mahinga kakalakad sa iba't ibang boutique dito. Nilibot na rin namin ang buong department store. Ang nabili pa lang namin, mga gamit ng mga kapatid niya. Excited kasi mas'yado kaya ayon, pumili na ng mga damit para sa kambal. Mabuti na lang at alam na namin ang gender ng kambal. May nabili din kaming relo para kay Mel habang kay Andi naman make up kit with lipstick, eye liner, lip liner, mascarra, at mga anek anek pa. Wag na kayong magtanong kung bakit ko yon alam. Kay Liam naman, nakabili na siya ng isang series ng libro na hindi ko alam kung sino yong author. Kay Basty naman napagtripan lang na bilhan ng pinakamurang lense ng camera. Hindi ko naman alam kung ano ang naging regalo niya sa kin. Hindi na rin ako nagtanong. Baka magalit pa. Mga kaibigan, siya pa lang ang bumili niyan. Wala pa akong nabili ni isa. Promise! At pagod na pagod na ako. Mayaman ang babaeng to. Grabe! At grabe din ang tao sa mall. December na kasi kaya dagsaan ang mga tao para bumili ng mga regalo.
Nung pumunta naman kami sa bench, namili na lang ako ng pwedeng ipangregalo kay Andi. Pero wrong move, isa pala siya sa model dun. Erase na lang. Bigyan ko na lang kaya ng charm bracelet ang tigreng yon. Punta na lang kami sa jewelry store. Sakto namang dun din ang ruta ni June kay sinamantala ko na rin. Tumingin ako ng mga charm bracelet. May nakita naman akong sa tingin ko ay bagay sa pinsan kong yon.
(P.S. yan po yong charm bracelet para kay Andi.)
Kahit hindi halata, mahilig pumunta ng beach ang babaeng yan. Pinaglihi ata sa tubig kaya panay na lang ang aya sa beach. Gusto lage nakakakita ng malawak na tubig sa paligid. Siya na bahala kung dadagdagan niya ng mga charm. Haha!
Charm bracelet na rin ang bibilhin ko para kay Mel. Med'yo girly yon kaya pumili ako ng nababagay sa personality niya.
(P.S. ulit. yan po yong napili ni Caleb para kay Mel. Haha! Pang girly girl talaga.)
Pinabalot ko na sa sales lady para mabayaran ko. Mukhang tapos na rin atang mamili si June kaya umalis na kami dun. Tinanong ko siya kung may nabili ba siya dun, sabi naman niya wala. Hinintay niya lang daw ako na makapagbayad. Natawa naman ako kasi ako lang pala ang hinihintay niya. Sa isang boutique naman kami napunta. Dun mga parang vintage accessories ang binibinta. Tinulungan naman ako ni June na pumili ng ireregalo ko sa dalawang mokong na yon. Bibilhan ko din sana si Leonne kaso nasa-states sila ng pamilya niya kaya hindi na lang ako bumili para sa kanya. Alam ko namang hindi magtatampo yon, hindi naman kasi materialistic ang lalaking yon. At kung meron mang nakahiligan yon, kotse. Mas'yadong mahal, hindi ko kayang bilhin. Haha!
BINABASA MO ANG
Who Painted That Wall? ~ ON HOLD~
HumorMagsisimula ang lahat sa isang freedom wall. Freedom wall na halos walang gumagamit dahil busy silang lahat sa pagiging estudyante. Until one day, someone painted it with a beautiful mural that everyone's been gushing about. But then, everyone doesn...