Chapter 1

1.5K 21 0
                                    

Anne's POV

Ilang oras nalang lalapag na ang eroplanong sinasakyan kong pauwi ng pilipinas, handa na kong harapin ulit yung mga masasakit na naidulot saken ng isang tao na kahit kailan hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sakin noon. Ang pag takbo sa araw ng kasal namen. Ang saklap nun diba? Inaya nya kong mag pakasal pero sya mismo ang tumakbo, hindi ako makapaniwala. Buong akala ko mahal nya ko pero hindi pala, nag padala lang ako sa nararamdaman ko. Ang tanga ko grabe! nagpa loko ako sa taong hindi pala ako kayang mahalin. 6 years! 6 years! ang tinagal ng relasyon namen pero bakit ganun? ang unfair! mahal nya ba talaga ako? nag higanti ba sya? bakit? may nagawa ba akong mali? hindi ko alam. Gulong gulo na ang utak ko kakaisip kung anong dahilan kung bakit tumakbo sya sa kasal namen.

Lumipad ako papuntang Australia para makasama ang aking pamilya. At para na rin, makalimutan ang nangyare sa pilipinas, sinubukan kong ibaon sa lupa yun pero walang araw na hindi ko sya inisip. Araw araw, gabi gabi, sya lang ang laman ng puso ko.

Pero ngayon?

Hindi ko na hahayaan pang muli masira ang puso dahil may nag mama-ari na neto. At mahal na mahal ko ang may hawak nito! Si Erwan, si Erwan Navarro na pinsan ni Vhong. Hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa lalaking malapit kay Vhong na ex boyfriend ko.

3 years ago simula nung mag kakilala kame ni Erwan sa Australia, chef pala sya doon. Well magaling sya mag luto, same with Vhong. Pinormahan nya ko ng ilang buwan hanggang sa sinagot ko sya, itong taon ko lang din nalaman na mag pinsan sila ni Vhong dahil nag kwento sya saken about him Childhood. Alam din ni Erwan na may past kame ni Vhong pero wala raw sakanya yun kase engadge na kame. Ang bilis diba? ayaw nya daw kase ako mawala pa sakanya. Pumayag naman ako kase mahal ko naman sya! (mahal nga ba?)

"Anne?"

Napatingin ako kay Erwan na nakasandal sa balikat ko habang pinaglalaruan ang kamay ko. Yes, kasama ko sya pauwi ng pilipinas. Namiss nya daw kase ang bansang kinalakihan nya.

"Yes?"

"Do you loved me?"

"Yes, of course! why did you ask that?"

"Wala lang. Diba uuwi na tayo ng philippines?"

Tumango ako.

"Paano kung makita mo sya?"

Napaisip ako. Sino?

"Sino naman?"

"My cousin."

"Si Vhong? o ano naman?"

"Nothing. Do you still loved him?"

Sabe nya at tinignan ako, mata sa mata. Napakunot ang noo ko sa tanong nya, Mahal ko pa ba si Vhong? of course no! Big no! ano bang iniisip nya? kakasal na kame diba? psh.

"What? what the hell are you thinking about? Erwan i love you and i really do. Ano bang nasa utak mo?"

Saad ko at tumingin sa bintana, nakikita ko na ang manila. Nandito na kame sa pilipinas.

"Easy okay? i'm just - - you know! mag kikita na kayo tapos baka mamaya iwan mo ko."

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mag kabilang pisngi nya.

"Erwan, we're getting married right? hindi na dapat naten iniisip yung mga ganyang bagay. Mahal kita at sayo lang ako."

He gave me a smack kiss. At inakap ako. Handa na ko, handa na akong maging isang Navarro. Hindi kay Vhong, kundi kay Erwan. Awkward man kung pakinggan, papaningdigan ko 'to! Makakapasok nako sa angkan ng mga Navarro at may pag kakataong makasama ko pa yata si Vhong. Hays.

I Want You BACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon