Anne's POVNandito na kame sa NAIA para mag bakasyon sa palawan. Natapos na din yung dinner namen ng showtime host, masaya naman dahil sa wakas nakumpleto kame. Isang buwan lang naman kame mawawala sa harap ng camera pagkatapos ay babalik din para magpagkilig muli sa madla.
Kaya eto, nag da-dramahan na sila Vice. Ayaw nya pa kameng umalis hahahahaha. Hindi na kasama yung ibang host dahil may gagawin daw. Sina Vice, Karylle, Jhong, and Billy lang ang nandito.
"Sasama kase ako eh!!"
Pagmamakulit ni Vice samen ni Vhong at umaarte arte pa na parang bata.
"Bawal nga hahaha. Lagot ka kay direk pag sumama ka."
Sabe naman ni Vhong. Bigla namang may nag salita mula sa speaker at tinawag na ang eroplanong sasakyan namen.
"Oh ayan na kuys. Ingat kayo ah! Size 8."
Saad ni Billy sabay tapik sa balikat ni Vhong. Tumango naman sya.
"Anne ah. Alam mo na hahaha."
Si Karylle. Alam ko na ang gusto nyan, isang gitara. Nasira kase yung favorite guitar nya eh. Tapos si Jhong daw sapatos din.
"Oh sha. Aalis na kame ah!"
Paalam namen ni Vhong. Kumakaway kaway naman sila samen pero si Vice talaga ang nag bigay atensyon saken. Halos dumapa na kase sya sa sahig hahahahaha. Gusto nya talagang sumama pero bawal talaga. Araw namen ni Vhong 'to no! tapos uudlotin nya lang. Edi wow.
Nang makasakay na kame sa airplane, nag paalam naman ako kay Vhong na matutulog muna. Bigla kase akong nahilo at feeling ko ang putla putla ko. Hindi naman masaydong malayo yung bahay namen dito sa NAIA para mahilo ako ng ganito. Hayst! Sumandal muna ako sa balikat ni Vhong saka natulog.
..
..
..
..
Nagising nalang ako ng nakaramdam ako na parang masusuka ako. Napahawak ako sa tyan ko, kumukulo. Hindi pa naman ako gutom eh! Nilingon ko si Vhong sa kaliwa ko, tulog sya. Nag pasya akong pumunta ng banyo para isuka ito. Napahawak nalang ako dito sa lababo, binuksan ko ang gripo at nag hilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang laki ng eyebags ko at ang putla ng labi ko. Anong nangyayare saken? Lumabas na ako at unupo na sa kinauupuan ko. Nagulat naman si Vhong saken.
"Oh okay kalang?"
Alalang tanong nya sabay hipo ng leeg at noo ko. Hindi naman ako maiinit. Pakiramdam ko mahihimatay ako ng wala sa oras pati yung tuhod ko nanghihina.
"Babe, ang sama ng pakiramdam ko."
Mahina kong sabe. Luminga linga naman sya hanggang sa tinawag nya yung babaeng nag a-assist ng mga pagkain. Lumapit naman sya samin.
"What can I do for you, Ma'am & Ser?"
"Ahm miss, may gamot ba kayo jan? masama kase pakiramdam nya eh."
May kinuha naman yung babae na gamot at binigay saken, hindi ko alam kung ano yon basta sabe makakatulong daw yon pang tanggal ng sakit ng ulo saka katawan.
"I hope, gumaling ang pakiramdam mo Ms.Anne. Have a safe flight!"
Masigla nyang sabe. Ngumiti nalang kame at ininom ko na yung gamot. Kinapit ko yung braso ko sa braso ni Vhong at sumandal na ulit sa balikat nya.
"Anne? sabihin mo lang saken pag may masakit sayo ah."
Tumango ako. Hinolding hands nya yung kamay ko at naramdaman kong hinalikan nya ko sa noo.
BINABASA MO ANG
I Want You BACK!
Teen Fiction"Babalik ko yung dating tayo, Anne. Pangako sayo!" - Vhong.