Vhong'sPOV
Palagi nalang kame nag aaway ni Anne! kanina lang diba? bunganga kame ng bungangaan, nakakarindi narin minsan pero kahit ng ganon, ang kulit din eh! ang cute nya pag nagagalit tas mag pa-pout sya hahahahahahahah! tapos yung susuyuin ko sya tas sa huli may kiss. 😄
Parang kame lang nung dati.
Pero dati pa pala yun XD. BTW, nag text pala saken si Anne kanina. MAKAKASAMA SYA SA VACATIOOOOOON MAMAYA YOHOOOO!! ANG SAYA! so it means? masosolo ko si Anne whoooooooooo! ahahahahaha.
"Dad are you okey?"
Napatingin ako sa nag salita. Si Yce na dala dala si Sylar. Hindi ko na namamalayan na nag lulumpasay na pala ako dito sa sobrang saya. Umayos ako ng upo at baka sabihin nya na baliw ako dito hahahaha.
"Oo baket?"
"Why are you act like that?"
"Wala hahahahaha! masaya lang ako kase mag ba-bakasyon kame. Sama ba kayo ni kuya mo?"
Wag na Yceeeeee! makikita nyo lang ang ka-hokage ko kay Anne HAHAHAHAHA!
"No thanks dad. May studies pa kame."
Yooooown!
"Ba't ka ba nandito?"
"Si sylar kase dad eh! nakita ko sa gilid ng ref, ewan ko kung anong ginagawa don."
"Aahaha. Akin na nga!"
Binigay na saken ni Yce yung aso ko at lumabas na. Tinignan ko si Yce, ang cute talaga eh! nagulat nalang ako ng dilian nya yung mukha ko.
"Sylar? alam mo bang masaya ako?"
Sabe ko sa aso ahahaha! adik ka rin minsan Vhong eh, sa tingin mo ba sasagot yang si Sylar?
"Sasama kase si Anne sa bakasyon namen eh! tas masosolo ko pa sya, ang saya diba?"
Narinig ko namang tumahol sya ng dawalang beses HAHAHA!
"Alam mo bang mahal na mahal ko yon? kahit na alam kong wala na talaga, okey lang! sige lang! ang mahalaga naman saken ay yung makasama sya."
Tumahol naman ulit sya pero this time, tatlo na hahahahaha. Naiintindihan mo ba ko? sana oo 😄 para may mapagsabihan naman ako ng nararamdaman ko except kay Billy. Parang nakakahalata na nga silang lahat eh! dahil sa mga kinikilos ko kay Anne, parang alam na nila? yung nararamdaman ko?
Hindi naman pwedeng sabihin ni Billt yun eh! dahil nangako sya saken na kahit anong mangyare, hindi nya ito ipag sasabi. Hindi ko na talaga alam pag nalaman nila 'tong feelings ko kay Anne, tututol sila panigurado. Nagbibiro lang sila tungkol samen pero alam kong iba ang saloobin nila.
Btw, nag iimpake na pala ako dahil maya maya mag kikita kita na kame sa ABSCBN. Doon na lang daw ang meeting place para malapit sa NAIA, ang bilis nga nilang mag pabook eh hahahahahaha! pag talaga si vice ang kumilos, pursigido eh! 😂
*BEEP-BEEP*
Tumayo ako at tumingin ako sa bintana. Ba't nandito sya? bumaba ako para tanungin kung baket nandito sya. Nang makalabas nako, sinalubong nya ko ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
I Want You BACK!
Teen Fiction"Babalik ko yung dating tayo, Anne. Pangako sayo!" - Vhong.