Chapter 20

957 26 12
                                    

Billy'sPOV

Gabi na at nasa sari sarili na kameng mga kwarto, kasama ko si Coleen na natutulog gisingin ko nalang daw sya. Nag aya kase si Vice na mag bar mamaya, alam nyo naman yon diba? mahilig mag bar na mag bar para maka hanap ng boylet haha! kaya pahinga muna bago gumora hahahaha!


Patungo na sana ako sa banyo upang maligo para marefresh naman ako ng biglang tumunog yung phone ko. Si kuys Vhong, agad ko naman 'tong sinagot.

"Hello kuys?"

Panimula ko.

"Kuys, labas ka dito bilis."

"Oh? may problema ba?"

Yung boses nya kase parang natataranta.

"Labas ka lang dito, may sasabihin akoooo!"

"Oo na! eto na lalabas na."

Binaba ko na pero bago ako lumabas, tinignan ko muna si Coleen ang himbing pa ng tulog nya haha! Lumabas nako, nadatnan ko naman sya na naka upo sa bench na kahoy. Umupo naman ako sa kanya at tinapik ang balikat.

"Oh kuys ba't mo ba ko pinalabas? maliligo na ko eh!"

"May sasabihin lang ako, eto naman."

"Oh ano ba yon?"

"Tulungan mo naman ako kay Anne oh!"

Tinignan ko sya ng seryoso. Hindi ba talaga titigil kay Anne? hindi ba talaga sya nag sasawa? hanggang kelan nalang ba sya mag hihintay? hanggang kelan nalang ba sya aasa? sa wala? napailing nalang ako.

"Eto talagang kaibigan ko, hindi kaba napapagod?"

Napangisi sya.

"Kelan ba napagod ang isang Navarro? pag dating sa pag ibig kuys, walang napapagod. Tulad nyo ni Coleen diba? pinaglaban mo sya pero dika napagod hanggang sa nakuha mo ang gusto mo. Kaya ako? haha! kuys, tuloy lang!"

"Oo nga naman pero si Anne yan eh! kuys, alam mo namang kakasa - - "

Pinutol nya yung pag sasalita ko, siguro alam na nya yung gusto kong ipahayag sa kanya.

"Alam na alam! sobra! pero mahal ko talaga kuys eh, kilala mo naman ako diba? sobrang mahal ko si Anne kahit ang sakit sakit na."

Napayuko sya. Tumutulo nanaman yung ayaw kong tumulo sa kanya! at yon yung luha.. Mahirap sa kaibigan yung makita mo syang umiiyak lalo na't malapit ka sa kanya.

*

Anne'sPOV

Pagkatapos kong maligo, wala dito sa kwarto kaya hinanap ko sya. Sya na kase ang sunod na maliligo eh! lumabas ako, nakita ko namang kasama nya si Billy na nakaupo. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila, tinapik tapik kase ni Billy yung balikat ni Vhong. Nag tago sa isang malaking puno para marinig ko yung usapin nila. Sa hindi naman ako chismosa, gusto ko lang malaman kung ano ba ang pinag uusapan nila. Seryoso eh!

"Oo nga naman pero si Anne yan eh! kuys, alam mo namang kakasa - - "

Rinig kong sabe ni Billy. Ba't nadamay ako? pinutol nya yung pagsasalita ni Billy pero yung huling salita, 'Kakasa'? parang kakasal? pero bakit nila pinag uusapan yon?

"Alam na alam! sobra! pero mahal ko talaga kuys eh, kilala mo naman ako diba? sobrang mahal ko si Anne kahit ang sakit sakit na."

Rinig kong sabe naman ni Vhong. Napaupo nalang ako sa buhangin, hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko sa narinig ko. Oo, alam kong mahal ako ni Vhong pero bilang kaibigan lamang. Hindi ko inaakala na hihigit pa doon! Hindi ko namamalayan na bumabagsak na pala yung luha ko. Baket ako umiiyak? anong problema Anne? wag mong sabihin apektado ka?

I Want You BACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon