Chapter 16

783 17 0
                                    

"Oh? alam mo na ang bago mong misyon ah! nasa cebu sya kasama ang mga kaibigan nya."

"Anong gagawin ko?"


"Tanga kaba? o sadyang tanga ka talaga? syempre, mamanmanan mo sila!"

"Ano naman ang mapapala ko dun?"

"Anong mapapala mo? ha? WALA! dahil ako meron! ano susundin mo ba? o papatayin ko na ng tuluyan yang nanay mo?"

Wala namang magawa ang lalaki kundi sundin ang pinag uutos ng amo nya kundi kung hindi ay baka mawala na sakanya ang nag iisang ina nya. Malaki kase ang utang ng pamilya ng lalaki lalo na ang kanyang ama dahil sa isang deal na hindi naitupad. At dahil dito, bumagsak ang kompanya na ipinapatakbo nung amo nya kaya nag hihiganti sya sa pamilya nung lalaki.

"Oh! yan ang perang gagamitin mo, saka kana umuwi pag umuwi na rin sila. At ito ang tatandaan mo! pag nalaman ko nalang na nakita ka nila o di kaya ni Vhong, mapapatay talaga kita."

Kinuha na ng lalaki ang briefcase at umalis na. Agad naman syang tumungo sa cebu, labag man sa kalooban nya ang gawin ito ay hindi nya mapigilan dahil buhay nilang mag ina ang nakasalalay dito.

- -

Vhong'sPOV

"Oh! eto ang mga susi nyo ah? two person per room kaya pumili na kayo ng kapartner nyo."

Sabe ni Vice sabay bigay ng susi samen. Pumili na sila ng mga kapartner nila, si Billy kay Coleen, si Jugs kay Teddy, si Vice kay K. So? kame lang ni Anne ang walang kapartner?

"Oh kuys! kayo nalang ni Anne."

"What?"

Saad ni Anne na may pagkagulat. Kame ni Anne? sa isang kwarto? mag katabe kame? NUXX! 😄

"Eh kayo nalang naman ang walang kapartner eh! so, kayo nalang ang mag sama."

Sabe naman ni Jugs.

"Oo nga kuya Vhong. Wala naman kayong gagawin diba? ate Anne?"

Si Coleen na naka akbay sa kanya si Billy.

"Wala talaga!"

Depensa nya

"Oh? wala naman pala eh, kayo nalang hahahahahahaha."

Sabe nila. Okay! no choice, kameng dalawa ni Anne ang mag kasama sa iisang kwarto hahahahahaha ang saya. Hindi naman na siguro sya maiilang diba? sana okay lang sa kanya. At kung hinde, sa sofa nalang o sa sahig nalang ako matutulog.

Pumasok na kame ni Anne sa kwarto. Malaki ito at malaki rin ang kama, kasya kameng dalawa hahahaha! may sofa rin. Kumpleto ang lahat, parang kwarto talaga sa bahay.

"Anne, ikaw nalang sa kama at ako nalang sa sofa."

Saad ko habang inaayos ko yung mga gamit ko.

"No! tabi na tayo dito, malaki naman eh! kaya kasya tayong dalawa."

"Ha? wag na. Okay lang saken! baka kase mailang ka eh."

"Haha. Baket naman? saka alam kong di ka sana'y sa sofa matulog."

"Ah hehe! sige."

Gooooood! mukhang mag kakasala ako nitong gabi Looooord hahahahahaha! pigilan mo Vhong! pigilan mo. 😆 baka maano ka nanaman sa ka hokage-han mo.

"Shower lang ako."

Ngumiti nalang ako. Agad akong tumayo at humarap sa napaka laking salamin na ito, jusko! ba't ako namumula? kinapa ko yung mukha ko, ang init. Ang init ng buong katawan ko, hoy Navarro!! anong nangyayare sayo?

I Want You BACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon