Anne'sPOV
Bumabyahe na kame papuntang NAIA, katabi ko pala si Vhong at ang nag da-drive naman ay si Billy. Ewan ko jan kay Vhong baket gusto nya kong katabe, gusto nya yatang mag sugat ang katawan nya eh! kakaasar saken ahahahahahaha. Actually nakahiga sya sa balikat ko habang nag ce-cellphone, hindi ko naman sinaway dahil sanay naman ako sa kakaganyan nya saken. Parang kame pero hindi hahahaha!
Naalala ko tuloy yung panahong kame pa. Gantong ganto kame dati eh! parang tuko na hindi mapag hiwalay. Yung walang minuto na hindi kame mag kayakap. Yung lagi ko syang inaaway kase bored ako tas pag nagagalit na sya, ipag be-bake ko sya ng cookies. Yung pag gising ko ng umaga ikikiss nya ko sa lips kahit bad breath pako, wala raw syang pake, mabango naman daw kahit hindi hahahah!
Pag ako naman galit, dadalhin nya ko sa park na may ilog. Masarap ang hangin dun, presko. Doon nya kase ako dinala nung first date namen, sinuprise nya ko. Ang saya nga eh! doon ko napagtanto na ang romantic nya palang tao pero hindi halata.
ANYWAYS! Kasama ko pala sila Vice, Billy, Coleen, Karylle, Jugs & Teddy. Lahat may sarili sariling mundo, yung bicol nag haharutan kahit nag da-drive sya. Nako! pag nadiskrasya kame sa kaharutan nila, ewan ko nalang. Yung vicerylle naman, soundtrip ang trip. Tas yung jugs & teddy, nag jajaming sa likod. Gitara ang puhunan hahahahaha!
Tinignan ko si Vhong, nag cw-cellphone parin sya. Ba't di nya ko kinakausap? nakakapanibago lang. Tumingin ako sa phone nya, may katext pala.
"Tanya."
Saad ko. Narinig nya siguro kaya tinago agad yung cp nya.
"Busy ka ah?"
"Wala."
"Sige na! mag text na kayo ni tanya bayon? mukhang ang saya mo eh."
Nag tinginan naman ang mga tao dito, ang lakas pala ng boses ko. Anne!! napag hahalataan ka ah? umayos ka.
"Ito naman ang selosa."
-_________________-
"Whut? ako nag seselos? wow ah! ang kapal.""Halata hon ah?"
"Ayy hon pala Anne ah? ayieee."
Sabe nila. Lintek!
"Gusto mo bang mangyare nanaman yung nangyare kanina ha?"
"Ayoko na! sumosobra kana eh."
"Anong kanina ah? mag kasama kayo Vhong? Anne?"
Tanong nilang lahat. Jusme eto na sila, mag iimbistiga na sila samen si Vhong. Ganyan sila eh! hindi titigil hangga't di nila nakukuha yung gusto nilang impormasyon na makuha samen AHAHAHAHAHA! 😄
"Oo sinundo nya ko."
Sabe naman ni Vhong kaya kinurot ko sya sa tagiliran.
"ARAY ANNNNNEE!!"
Sigaw nya. Nag tawanan naman yung mga kasama ko.
"You deserve it."
Nag cross arms ako. Kabanas eh! Ang daldal nya masyado.
"Tsk! tabi nga muna Vice, doon muna ko sa likod."
Rinig kong sabe nya. Hay nako! eto na naman kame, away again and again!! ang pikon nya talaga, lagi nalang nya sineseryoso kahit hindi naman dapat seryosohin. Tumingin ako sa labas, malapit na kame sa NAIA kaya inayos ko na ang sarili ko. Nakaka beastmode! palagi nalang ganito ang nangyayare samen.
BINABASA MO ANG
I Want You BACK!
Teen Fiction"Babalik ko yung dating tayo, Anne. Pangako sayo!" - Vhong.