Chapter 30

590 11 3
                                    


Pagkaraan ng ilang linggo ay makakauwi na rin sila sa wakas sa manila bukas. Sa ngayon, kasalukuyang nag iimpake si Vhong ng kanilang gamit samantala si Anne naman ay nakahiga lang sa kama habang pinagmamasdan ang singsing na nakasukbli sa kanyang daliri. Hindi nya maiwasang mapa-ngiti.

"Hays."

Bulong ni Anne at huminga ng malalim.

"Why? any problem?"

Lumapit sa kanya si Vhong na nakakunot ang noo't kilay. Napangisi naman si Anne dahil nag salita ito ng ingles, ngayon nya nalang ulit ito narinig mag ingles. Mas lalo namang nag taka itong si Vhong.

"Wala. Masaya lang ako."

Sagot nito sa tanong nya.

"Ayos kalang?"

Saad ni Vhong at kinapa kapa ang noo't leeg ni Anne. pagkakataong ito, sya naman ang napakunot ang noo.

"Hey! You're so oa! I'm ok. Mag papahinga na ako bukas na ang flight natin oh. Kailangan natin ng lakas."

"Okay? Goodnigh babe. Iloveyou."

Hinalikan nya si Anne sa noo at humiga na.

"Goodnight. Iloveyoutoo.

- -

Vice's POV

Nalingat ang tulog ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko na halos magiba na ito. Nag taka ako, ako lang naman ang tao dito bukod sa katulong at driver ko. Napatingin ako sa digital clock na nasa gilid ko. Gosh!! It's 12:00am in middle of the night! Tumayo ako para buksan ito, pag 'to na sira ihahampas ko to sa mukha nya kung sino man ang kumakatok na 'to.

Pag bukas ko halos mapatalon ako sa tuwa, imbis na uminit ang ulo dahil inistorbo nila ang tulog ko, natuwa pa ako. Anong ginagawa nila dito? Akala ko bukas pa sila uuwi?

"Suprised?"

Sabay nilang sabe at tuwang tuwa pa. Pero kahit na ganon e hindi pa rin maalis saken yung pang bubulabog nila sa mahimbing kong tulog.

"Kayo talaga! Pwede namang bukas na kayo pumunta eh. Kaasar naman kayo hating gabi oh."

Naiiyak kong sabe. Hahahaha.

"Bakla ka! Buti nga pumunta pa kame dahil na miss ka namin."

Sabe ng kaibigan kong mga oso. Nakita kong tumilapon si Buern sa kama at umikot ikot ito. Napakulit talaga nila, nag aagawan pa sa kama. Malaki naman ang kama ko pang limahang tao kaso sa kanilang tatlo kulang na sa kanila, hay nako napaka likot nila.

"Namiss ko kayong mga ugok."

Saad ko at tumalon sa kama na nag pa sigaw sa kanila. Bigat ko no? Hahahahahaha. Umayos sila ng higa at pinagitna ako saka inakap. Nakakamiss sila, sobra.

"Dito muna kame matutulog ah."

Hindi ko na sila sinagot, napapikit nalang ako. Nakakamiss talaga pero mas nakakamiss yung dalawa kong baliw na kaibigan na nag babakasyon sa mga oras na 'to. Hindi man lang sila nag sasabe kung kelan uuwi. Kaya di namin alam kung uuwi paba sila o ano eh hahahahaha. Hayss nangugulila na ko sa kanila.

Makatulog na nga lang..

*

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, nasilaw ako dito kaya napatalukbong ako ng kumot. Naalala ko yung kaninang madaling araw yung pambubulabog nila saken, kinapa kapa ko yung bahagi ng kama ko. Napaupo ako, nasan sila? Napatingin ako sa digital clock ko alas otso na. May kumuha ng atensyon ko, isang papel na katabe ng orasan. Kinuha ko ito at binasa.

I Want You BACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon