Chapter 12

757 15 1
                                    

Billy'sPOV

Nakalabas na si Kuys Vhong sa hospital, dapat nga 1 week pa sya dun eh! eh sabe nya okay na raw pakiramdam nya at kaya na nya daw mag trabaho. Minsan nya naawa ako sa kanya eh! kahit na anong sakit ang dinadanas nya ngayon, sige pa rin sya! hindi dahil sa naaksidente sya kundi sa pag mamahal nya kay Anne. Mahal nya talaga ito at lahag gagawin nya para mapasakanya ulit ang pinaka mamahal nya.


Sabe ko nga sa kanya, wag syang mag pakatanga kay Anne. At makakahanap pa sya ng iba, kakasal na ang tao wala na syang pag asa pero hindi sya nakinig saken. Mahal nya talaga si Anne. Wala naman akong magawa kundi ang hayaan nalang sya, hindi nya naman kayang sundin ang utak nya eh! puso ang pinapairal nun.

Kilala ko si Kuys Vhong, hindi sya titigil hangga't di nya nakukuha ang gusto nya. Okey lang kung ano na ang mangyare sa kanya basta ang mahalaga sa kanya ay mag tagumpay yung inaasam nya.

"Kuys, isang linggo nalang pala ang nalalabi noh? bago ikasal si Anne?"

Sabe ni Vhong habang nakatingin ng malayo. Nandito kase kame sa isang park, may ilog din dito. Masarap ang hangin yung sumasapo sa mga mukha namen, mapayapa at maayos.

"Oo nga eh! so, a-attend ka?"

"Oo para sa kanya, labag man sa kalooban ko pero sige lang! isang araw lang naman eh haha!"

Saad nya sabay tawa pero alam kong peke lang yon. Kitang kita ko sa mata nya yung sakit na nararamdaman nya ngayon, parang gusto nyang ilabas yon pero di nya magawa dahil nandito ako.

"Mahal mo talaga noh?"

Ngumiti sya at tumango.

"Oo kuys, sobra! mahal na mahal."

"Maganda pala dito oh!"

Ewan ko nga kay kuys eh! ba't dito nya ko dinala pero okey narin, maganda naman eh! presko.

"Syempre, dati kase sinupresa ko si Anne dito. First date namen hahaha!"

"Kaya pala."

"May isang linggong palugi pako kuys ahhaha!"

"Palugi?"

"Oo ahahahah!"

"Baket?"

"Pag asa."

"Pag asa? kay Anne?"

"Oo haha."

"Kuys..."

Hinawakan ko ang balikat nya, nakayuko na sya. Hindi ko alam kung ano ang ipapayo ko sa kaibigan ko eh, awang awa na talaga ako sakanya. Hinang hina na ang puso nya.

"Kuys. Ang hirap pala."

Nakatingin lang ako sa kanya, unti unting tumulo ang luha nya.

"K-kuys. Ano ba ang pumasok sa utak ko para iwan sya noon?"

Eto na ang pinaka ayaw ko sa lahat eh! yung makita syang humahagulgol. Ayokong nakikita syang ganyan eh! nahihirapan na sya ng sobra, sobra.

"Ba't ganun? bumabalik saken lahat! kuys, may pag asa pa bako kay Anne?"

"Kuys, gumising ka nga sa katotohanan. Ako! ako na ang nag sasabe sayo na wala na. Wala na kuys, alam kong pagod kana pero sana tanggapin mo nalang na ikakasal na sya."

"Kuys diba sabe nila pag gusto mong makuha ang isang bagay dapat ay pag hirapan mo? kuys! ginagawa ko naman diba? nag papakahirap ako."

"Pero iba si Anne. Hindi mo na sya agad agad makukuha."

I Want You BACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon