Chapter 27

713 7 6
                                    


Anne's POV

Ilang linggo na ang nakalipas. Habang tumagal simula nung nabuo na ulit ang pamilya ni Vhong. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Masaya. Lumingon ako sa kaliwa ko, mahimbing nang natutulog ang babe ko. Napaka gwapo naman neto hahahaha! Napatingin naman ako sa picture na nakasabit dito sa kwarto namen, picture nung nag pictorial kame para sa kasal namen noon. Nalungkot ako. Natatakot ako.

Nalukungkot ako kase naaalala ko nanaman yung panahong iniwan nya ako.

Natatakot ako kase pag kinasal kame, iwanan nya ulit ako. At ayoko ng mangyare yon.

Tumalikod muna ako sakanya. Alas dose na pala ng gabi. Hindi ako makatulog, ewan ko kung baket. May gumagambala saken pero diko mawari kung ano. Kamusta na kaya si Erwan? nasan na kaya sya? okay lang kaya sya? Kinuha ko yung phone ko at sinearch ko yung name nya sa instagram. Wala syang bagong post, huling post nya nung kame pa. Ano na kaya nangyare sa kanya? nasa pilipinas pa kaya sya? aist! daming tanong Anne!

"Anne.."

Bulong saken ni Vhong at yumakap sa likod ko. Nilingon ko sya pandalian pero tumalikod ulit ako. Bakit ganito? may iba akong nararamdaman.

"Anne, ba't di kapa natutulog?"

Tanong nya saken. Kinuha nya naman yung cellphone na hawak ko. Napakunot naman yung noo nya sa nakita nya.

"Ano 'to?"

Malungkot nyang sabe. Kinuha ko yung phone ko at tinabe sa table. Inakap ko sya ng mahigpit pero hindi nya ko inakap pabalik.

"Hoy!"

Bulong ko. Tinanggal nya yung kamay ko sa tyan nya sabay talikod. Selos amp. Hahaha! Kaya ginawa ko, dinaganan ko sya.

"Nag seselos ba ang babe ko?"

Inirapan nya ko. Aba! nang iirap na ah. Pinisil pisil ko naman yung magkabilang pisngi nya, ang cute mag selos eh hahahaha. Ngayon ko nalang ulit sya nakitang ganyan.

"Babeeee. Huwag ka ng mag selos! sige ka baka mamaya balikan ko si - - "

Hindi ko natapos yung sinasabe ko ng hiniga nya ako at sya naman ang umaibabaw saken.

"Sige! Ituloy mo! Hindi ako papayag."

Napangiti naman ako, hinawakan ang dalawang pisngi nya, at hinalikan ko sya ng mabilisan.

"Eto namang babe ko oh! Wag kana kaseng mag selos, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh! Promise."

"Promise?"

"Promise."

Ngumiti sya saken at hinalikan ako sa labi. Tumugon naman ako sakanya. Nakaka adik ang halik nya, yung bang hahanap hanapin mo. Matamis. Naramdaman ko namang nag lalaro na ang kamay ni Vhong sa loob ng damit ko. Ang init ng kamay nya.

And they make out all night...

*

Vhong's POV

"Thanks babe for this night. I loveyou."

Bulong ko. Inangat ko yung ulo nya, tulog na. Hindi man lang umayos ng pag higa 'to hahaha! Hinayaan ko muna, ganto nalang kame matutulog haha.

"Goodnight babe."

- -

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, kinapa ko yung kanang gawi ko, wala na si Anne. Tumayo ako at pumunta ng banyo para maglinis. Nang matapos, bumaba na ako at nadatnan ko naman si Anne na nagluluto. Suot yung malaking tshirt ko, napangiti ako at lumapit sakanya at inakap sya patalikod.

I Want You BACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon