Anne's POVNaka harap na ko sa pintuan ng simbahan. Nakasuot ng magarbong kasuotan. May mahabang belo na nakapatong sa aking uluhan. Hinintay ko nalang na bumukas ito para mag lakad na sa aisle papunta sa altar kasama si Erwan. 5 minutes pa raw ako dito. Kinakabahan ako. Nakatulala sa hawak kong bulaklak.
Hindi ko alam kung tama 'tong gagawin ko.
Hindi ko alam kung maitutuloy ko pa ba 'to.
Litong lito na ako.
Sabe ng puso ko, itigil ko ang kalokohang ito.
Pero..
Sabe naman ng utak ko, ituloy ko ito.
Ano ba?! hirap na hirap na talaga ako.
Nayuko't nag iisip nalang ako. Kung paano ba ang gagawin ko. Oo, I still love Vhong. Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung baket! Biglang nalang..
Biglang nalang..
Bumalik yung nararamdaman ko kay Vhong.
"ANNNNE!!!"
Nagulat ako't napalingon. Si Vhong na tumatakbo papunta saken. Lumakas ang tibok ng puso ko, naka barong sya. Nga pala, kinulit ko syang umattend sa kasal ko akala ko hindi sya darating. Lumapit saken si Vhong at ngumiti saken, ngumiti din ako sakanya.
"Oh Vhong. Ba't nandito kapa sa labas? diba dapat nasa loob kana?"
"Oo hahaha lumabas ako eh."
"Baket?"
"Wala lang."
Tumawa sya. Nahawa ako sa tawa nya kaya nakitawa rin ako hahahahahaha! Hinawakan nya yung mag kabilang pisngi ko, nakakaiyak yung pag katitig nya saken ngayon.
"Ang ganda ganda mo."
Bulong nya pero narinig ko naman.
"Thankyou."
Nabalot ang katahimikan sameng dalawa. Binitawan na nya yung pagkakahawak sa pisngi ko. At luminga linga sa paligid. Mag sasalita na sana ako ng sumabat sya agad.
"Pwede bang favor?"
"Favor?"
Tumango sya.
"Oh sge hangga't may oras pa."
Tinignan nya nanaman ako. Iba ang tingin nya saken. Tingin na parang mauuwi 'to sa iyakan.
"P-pwede bang payakap kahit 5 minutes lang?"
Tumango na lamang ako. Inakap nya ako bigla ng mahigpit. Hindi ko sya magawang yakapin, naiiyak nanaman ako. Nararamdaman ko din na umiiyak sya.
Nakahiga sya sa balikat ko. Mamimiss kita Vhong. I love you.
"Oh sge na. Baka biglang bumukas yung pinto. Alis na ko. Wag kang umiyak, masisira make up mo. Sabe ko diba? be happy."
"Vhong.."
"Shhh.."
Ngumiti muli sya saken at hinalikan ako sa noo saka umalis.
"Miss Anne?"
Tawag saken ng isang lalaki.
"Yes?"
"Be ready."
Ngumiti na lang ako. At inayos ang aking sarili. Handa na ako, handa na akong mag pakasal sa taong hindi ko mawari sa sarili ko kung mahal ko ba talaga o hindi ang aking papakasalan.
Unti unting bumukas yung pinto. Nakikita ko sila, ang daming tao. Lahat sila nakatingin saken habang kinukuhaan ako ng litrato, ang daming ilaw na kumisislap mula sa camera sa akin. Nag lakad ako ng marahan papunta sa altar. Lahat ng mga kaibigan ko at kamag anak ay nandito na. Nakangiti sila saken. Hind ko magawang ngumiti rin sa kanila. Nahihirapan ako.
BINABASA MO ANG
I Want You BACK!
Teen Fiction"Babalik ko yung dating tayo, Anne. Pangako sayo!" - Vhong.