Vice's POVSo ayun ngaaaaa! Nag bakasyon ang dalawang lovers, di man lang kame inaya o sinama. Kaya eto ako nakaka nganga. Sabado pa naman ngayon at kakatapos lang ng showtime, nakakabagot! Gustong gusto kong sumunod doon huhuhu. Naiinggit ako sa bakasyon nila!! Ano na kaya ginagawa nila don? diko man lang makikita kung pano nila gawin yung inaanak ko. Kahit man sa gilid lang ako o kaya lang ako sa pinto!
Hayst!
Tumayo ako mula sa ikauupuan ko sa couch ng may tumatawag. Pag dating ko sa gate, yung mga umag kong kaibigan. Bat naman sila napadito?
"Oh? napadpad kayo dito?"
Sabe ko. Saka binukasan yung gate saka sila pinapasok sa bahay.
"Wala. Katamad eh."
Saad naman nila sabay higa sa couch.
"Oh diba nakakatamad kaya tara na! sunod na tayo kila Anne doon sa palawan!"
Masigla kong sigaw sa kanila sabay tayo. Hinila naman ako ni Billy na katabi ko lang tas pinaupo ulit ako.
"Nako wag na bestie! Wag na natin sila istorbohin!"
"Oo nga cutiepie saka ngayon nalang ulit sila nag sama ng ganto diba? hayaan na muna natin sila mag pakasaya."
"Oo nga eto talaga masyado kang mainggitin eh."
"Oo na! hindi na! sayang libre ko pa naman kayo pag nag bakasyon tayong showtime fam."
Nakita kong nag tingin sila sabay tawa, napakunot naman yung noo ko. Bakit? hindi ba nila ako aamuhin? parang dati lang pag sinasabe kong ililibre ko sila aamuhin nila ko tas ngayon tinawanan nalang ako.
"Hay nako ka cutiepie ayaw mo talagang mag patinag no? hayaan mo na kase sila bakasyon nila yon diba? kasiyahan naman nila yon eh"
Si Jhong.
"Saka may next time pa naman konting tiis makakapag bakasyon rin tayo."
Saad naman ni Billy. Napa face palm nalang ako.
"Dami nyong sinasabe! tara kain nalang us."
Tumayo na ako at pumunta ng kusina para mag luto. Ramdam ko namang sumunod yung dalawa.
- -
Anne's POV
"Kelan mo gustong sabihin sa kanila?"
Tanong ni Vhong na nakahiga sa lap ko habang nag mu-movie marathon.
"Maybe not now? maybe soon? I don't know."
"Anne.."
"Hm?"
"Masaya kabang kasama ako?"
Napatingin naman ako sa kanya na pinaglalaruan yung kaliwang kamay ko.
"Bakit naman hindi? sasama ba ko sayo kung di ako masaya?"
Tanong ko naman.
"Wala lang natanong ko lang."
Hinolding hands nya yung kamay ko saka napapikit.
"Okay kalang ba?"
Hindi sya sumagot. Okay lang ba talaga 'to? kinapa ko yung noo't leeg nya, ang init! halos mapaso nako. Ba't ko lang 'to naramdaman?
"Vhong? inaapoy ka ng lagnat."
Inayos ko yung higa nya sa kama saka kumuha ng maligamgam na tubig saka bimpo. Lumuhod ako para makapantay sya. Pinunasan ko yung bawat sulok ng katawan nya para mawala agad yung sakit.
BINABASA MO ANG
I Want You BACK!
Teen Fiction"Babalik ko yung dating tayo, Anne. Pangako sayo!" - Vhong.