Note: Binago ko na nga po pala ang hate ni Deio. Math na. Hindi na science. At hindi si Gino ang co teacher na sinasabi ko..........iba pa yun....
Vote. Comment and be my fan:)
***
Deio's POV
Hay salamat!
Bakit?
Una, nakapagcutting ako nung math time. At ngayon, nakatakas nanaman ako sa mga gwardya namin. Pati ng subdivision.
Diba? Masaya yun.
Magbabar lang naman kami ng mga pare ko tapos uuwi nadin ako. Nakakabored na eh. Uy...tingnan mo nga naman..
"Ang aga ah...excited?"
"Syempre ngaun ka lang namin makakasama tol."-sabi ni Kats na pinalo pa ako sa likod. Siniko ko naman sya.
"Drama mo Kats."
"Eh totoo naman kasi Deio. May bagong prospect ka na ba kaya nakakalabas ka na ng gantong oras?"-sabi naman ni Seth.
"Wala nuh. Bobo lang talaga ang mga sekyu dun. Psh."
"Huy mga tol...wala ba tayong planong pumasok?"-at nakientra naman si Lester. Tss. Problema nito? Akala ko ba ayaw na ayaw nito sa mga ganto?
"Teka wala pa si-"-pinutol naman ni JC si Kats.
"Andito na kooooo~ Tara na pasok na tayo!!!!!"
-.-
Di naman sya excited masyado?
Napailing na lang ako at pumasok na kami. Free drinks nga pala kami dito kasi ninong ni JC ang mayari nito. Kaya nga inaantay namin tong ugok na to eh.
"Do you wanna dance?"-tanong nung babaeng nakaplunging neckline kay Kats. Whoo!! Go kats! At syempre, wala sa vocabulary nya ang tumanggi. Kaya ayan. Psh.
Marami nang nagakit at naakit tong mga bregs ko hanggang sa ako na lang ang matira. Nakakatamad kaya. Psh. Ayokong magakit noh. Gusto ko sila ang aakit sakin. Ayoko ngang magpaunder diba?
Teka teka teka at teka....parang gusto ko nang magpaunder pala...pero gusto ko...sa babaeng to.
Grabe!!! Whoo! Sexy tol....sexy...kaya lang sakang. Ay...yun lang....
Umupo ako sa tabi nya.
"Hi miss...would you like to dance?"
"MMph.."-gumanyan lang sya. Anu yun? Yes or no? At nang humarap........
Shit! Yung teacher ko sa Math!
Halata mo sa kanya na lasing na sya dahil ang pungay na ng mata nya. Teka....baka naman magahasa pa ito dito. 80% ng tao dito eh yan lang ang pinunta dito sa bar.
Concerned lang naman ako. Ayokong may isa pang bata na katulad ko na mabuo. Gantong ganto kasi ang nangyari kay mama noon eh. Pero diba? Buhay naman nya yun? Bakit pa ba ako mangengealam.
"Ah mam...sorry po ah...hehe hindi ko kasi alam na ikaw pala yan. Sige alis na ako."
"Teka Gino wag kang umalis."
Humarap uli ako sa kanya. Gino? Yung teacher ko naman sa english? Psh. Sabi na eh. Magbrebreak lang din sila.
"Iiwan mo nanaman ba ako?"
Okay..lasing na sya. San ba to nakatira? Ihahatid ko na lang. Kawawa naman. Malay nyo, ibalik na yung beats ko.
Teka...san muna ang bahay nito?
"Gino...wag mo na akong iwan please...panagutan mo na lang yung bata...pero sakin ka padin umuwi please..."
Nasan ba ang bag nito? Ay walang dalang bag. Wallet?
Kinapa kapa ko yung bulsa nya.
"Ah...gusto mong isuko ko ang bataan ko sayo Gino? Katulad ba yun ng ginawa ni George?"
Tss. Ano bang pinagsasasabi nito?!
Nagmulat naman sya at tumingin sa mata ko. Ako naman hanap ng hanap sa wallet or cellphone nya. Or susi ng kotse.
Nagulat naman ako ng bigla nya akong halikan.
Hindi ako makapalag. Wala lang...it feels good. Amateur ba sya o expert lang. Sa lahat ng nahalikan ko sya ang pinakamasarap. Whew!
Teka teka....tae...teacher ko nga pala ito!
At nung nabalik na ako sa katotohanan eh nagmulat ako at tinulak sya.
"Oh bakit Gino? Ayaw mo na sakin? Hindi ba ako magaling Gino? Kulang pa ba? Mas magaling ba si Georgina?"-sabi nya ng nahikbi.
"Tss. Mam hindi ako si Gino. Nasan na ba ang wallet mo at ihahatid na kita?"
"Gino..."
At pagkasabi nya nun, wala na...nagshut down na sya. Hay naku. Kawawa naman to kung papabayaan ko. Brokenhearted na nga tas baka magahasa pa.
Pero takti, nung binuhat ko ng nakahiga sya..ang bigat tol! Kaya isinaklay ko na lang yung kamay nya sakin. At nung maisakay ko na sya sa kotse eh sinundan pala ako nila Lester. Ay nakalimutan ko kasama ko pala sila.
"Deio bat mo kasama si ate kath?"
"Ate?"-tanong naman nung 3. Sabay sabay yan.
"Ate. Pinsan ko yan mga tol."
"Why?"-tanong ni Kats.
"What?"-tanong naman ni Seth.
"When? Where? How?"-tanong naman ni Lester kaya binatukan naman sya nung dalwa. Tss.
"Eh sya yung anak ng ninong ko na mayari ng bar na to. Psh. Daming tanong eh. Bakit mo ba sya kasama Deio?"
"Iuuwi ko na nga. Kawawa naman eh. Brokenhearted ata. San ba bahay nito?"
"Sa may subdivision rin namin. Nakatira pa kasi sya kasama nila ninong. Bale kakanan ka, tapos kakaliwa, tapos kakaliwa uli tas kakanan ka tapos kakaliwa ka, tas derecho lang tapos kanan uli, tapos kaliwa, tapos derecho lang hanggang sa may likuan, kakanan ka, tapos kakaliwa, tapos kakanan uli, tapos kakanan uli, tapos kakaliwa ka, dederecho ka, tapos mga limang kanto tapos kakaliwa ka tapos yung pinakamalaking bahay dun na kulay puti, yun na yung kanila. Yun lang naman."
-.-
Wala akong naintindihan. Takti ang bilis kasi!
"Tss. Nakalunok ka ba ng mapa? Samahan mo na lang ako! Bwiset ka nalugaw ang utak ko sayo."
"Ay...hindi naman pwede yun. Iniintay pa ako ng chiks sa loob. Akin na ang phone mo."
"Bakit?"
"Basta ako bahala."
Binato ko na sa kanya yung phone nya at nung matapos na sya eh ibinigay nya sakin yun nang may dialled numbers.
"O tawagan mo na lang si ninong."
Psh. Ano pa nga ba? Edi tatawagan.-.-
After 3 rings, sumagot nadin sya. Nagpakilala ako at sinabi ko na nasa bar si mam. Ihahatid ko lang dahil lasing na. Sabi naman nya, wala raw tao sa bahay nila kaya sakin na lang daw muna. Basta daw iingatan ko. Psh. As if naman may gagawin ako dito. Eh eto nga ang may ginawa sakin.
"You can count on me sir."
At naghang na sya.
Hay....sa condo ko na lang sya iuuwi. May extra uniform naman ako doon. At kung wala nang hangover si mam at gusto na nyang pumasok edi bumili na lang sya ng damit sa baba.
Pero takti. Nung nasa parking lot na kami, sinukahan naman yung kotse ko! Nakng.........Aaaargh! Bwiset naman oh! Pero di bale na...may motor pa naman ako dito.
"Tss...iinom tapos hindi pala sanay uminom."
Binuhat ko nanaman sya hanggang sa condo ko. Pasalamat na lang talaga ako at may elevator dito. At habang nasa elevator kami......
"Gino....Gino...waaaaaaah!!! Gino..."-sabi nya habang umiiyak. Natatawa na lang ako. Pero nung may maalala ako, nawala na ang ngiti ko.
Ganto rin kaya sya nung iwan ko sya noon? Hay...I miss her.
Si Alexandra Dela Rosa...

BINABASA MO ANG
My Teacher's Boy?
FanfictionHistory repeats itself? Sus! Pinahirap pa. Eh pwede namang karma na lang diba? Pero......is it good? Or bad karma? What if the spotlight will turn the other way around? Noon...My teacher's girl ang peg. Ngayon it's my turn. Is it possible to have a...