Chapter 21-The Replacement

236 3 0
                                    

[-Lj's POV-]

It's sunday. Inaya ako ni Alex na lumabas pagkasimba.

Syempre um-oo ako! Libre eh!

"So........................tara na?"-sabi nya at ngumiti. Ngumiti din ako at lumabas na ng gate namin. Pero bago ako makalabas, biglang sumulpot si yaya.

"Lj san ka pupunta? Sama ako!"

"Uh-"-pinutol ako ni Alex.

"Magdedate po kami kaya bawal sumama."

Napatawa naman ako dun tas tumakbo na paalis si yaya.

"So? San tayo?"-tanong ko nang makasakay na kami ng kotse.

"Sa puso mo."

"Nye nye ang corny mo! Gasgas na yan...haha di ka ata updated."

"Ikaw ang hindi updated."

"Huh?"

Hindi ko naintindihan yung sinabi nya kung ano ba ang ibig sabihin noon.

"Ah........ang ibig kong sabihin, hindi ka updated sa klase mo. Yung isa mong estudyante ang samang makatingin. May problema ba yon?"

"Sino?"

Sino naman kaya yon?! Lagot ka sakin! Ikaw huh!

"Hmm.........I forgot his name. Sorry."

Ayy.....

"Okay lang yun. So san ba talaga tayo pupunta?"

"Uh....san mo ba gusto?"

"Tamo ka. Ikaw ang nagaya tas ako yung tatanungin mo."

Tumingin sya sakin pero mabilis lang yun.

"Sige."-sabi nya at ngumiti.

Tas dinala nya ako sa isang park. This park looks so familiar. Hmm...........................................kelan ba ako napunta dito?

"Tanda mo pa to?"

Umiling ako.

"Huh? Nakakatampo ka. Ako kahit nagmigrate na, tanda ko pa to. Eh ikaw hindi na."

"Ano bang meron dito?"

Ano ba kasi?!

"Lj, dito tayo unang nagkakilala remember?"

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH................okay.

"Hmp!"-biglang pagtatampo ni Alex.

Eto naman oh.

"Uy sorry na."

"Ewan ko sayo."

"Hoy panget ano bang problema mo? Ni hindi ko na nga tanda kung anong nangyari kahapon!"

"Ah ganun ba........sorry naman."

"Ah ewan ko sayo."

"Sorry na kasi."

Tas nung narealize ko na nagkabaligtad kami, eh nagkatinginan kami at tumawa.

"HAHAHAHAHAHA!!! Alam mo, there are really some things that never changes."

"Yeah right."

Tapos tumawa uli kami.

I wiped my tears na tumulo na dahil sa kakatawa.

"Like what I feel for you."

Napatingin naman ako sa kanya.

"Huh?"

Hinawakan nya ang kamay ko.

"I-I loved you eversince..........kahit noong una pa lang tayong nagkita Lj."

Tiningnan ko sya at tinawanan.

"Ako? Bakit ako? Are you joking."

"Seryoso ako."

Tiningnan ko sya. Aa naman! Wag mo naman akong ganyanin Alex! Pano na ang friendship natin?........................wow ah..,........ang tanda ko naman na ata para mafriend zoned pa.

Tinawanan ko uli sya.

"HAHAHAHA! Nakakatawa ka naman. Grabe ano to? Bestfriends to lovers ang pe-"

Bigla nya akong hinalikan.

Nanlaki ang mata ko.

Ano ba yan! Mahilig na bang manghalik ang mga lalaki ngayon?

Tinutulak tulak ko si Alex pero hinawakan lang nya yung kamay ko.

Hanggang sa humiwalay na sya. Malaki padin ang mata ko at mahahalata mo ang gulat sa itsura ko.

"Naniniwala ka na ba?"

Tiningnan ko lang sya.

"B-B-B-Bakit a-ako?"

WHAT THE HELL!! BAT AKO NAUUTAL?!

"Kasi when I'm with you, I feel secured. I know you feel the same way too."

Biglang bumuhos ang ulan.

5:30 na pero mejo madilim na at basang basa na din ako.

Umiling iling ako.

"I'm sorry."

Kahit na umuulan, kita ko padin ang mga luha nya.

Nasasaktan akong makita syang ganto. Bestfriend ko sya simula pa non eh.

Kaya tumakbo na lang ako palayo....................hindi ko na alam kung san ako napadpad. Ibang village to at bata pa ako nung tumira kami dito kaya hindi ko na to tanda.

May nakita akong bench at umupo doon. Umubob ako at umiyak.

I've messed up.

Ginawa ko lang naman sa bestfriend ko ang ayaw kong gawin sakin...........................................ang mareject.

Sorry sorry sorrysorry sorry sorry talaga bestfriend.

Biglang tumila ang ulan.

Napaangat ang ulo ko. May ulan padin naman. Pero.......

"Mam, nagawa ko na yan. Wag mo nang ulitin."-sabi ng isang lalaking nakatayo sa tabi ko at may hawak na payong.

"Deio?"

Umupo sya sa tabi ko pero may payong padin.

"Alam mo mam, hindi masamang magreject. Kailangan nya din yon upang matuto sya."

Tiningnan ko si Deio. Pinagsasabi neto?!

"Makapagsalita ka naman. Eh mas matanda pa nga sayo yon. Ano pang kailangan nyang matutunan?! Tsaka pano mo nalaman ha?"

"Pinanuod ko kayo noh. Saka the journey of life doesn't end when your a grown up. It will continue until you find your destination."-sabi nya at seryosong nakatingin sakin.

Tumingin lang ako sa kanya. Sana hindi ko na lang sya estudyante.

"Come on mam, hatid na kita."

Napatawa naman ako.

"Nadamay ka pa tuloy. Tamo nga oh nabasa ka na din."

"Okay lang yun mam."

"Can you please stop calling me 'Ma'am'? Wala naman tayo sa school ah."

"But you hate people who have no respect."

"Call me Lj."

Ngumiti sya.

"Okay. Lj, iuuwi na kita."

Napatawa naman ako don.

Buong byahe, walang nagsalita saamin. Well, I don't wanna talk about it anyway.

Nung andun na kami samin, tumila nadin ang ulan. Bumaba na ako ng mabilis kasi aakma syang bababa.

"Bye. Salamat nga pala ha."

Sinarhan ko na yung pinto at pumasok sa kwarto.

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon