[-LJ-]
"Ma, what are you cooking?"
"Seafoods Kare-kare. Darating ang kuya VJ mo."
Pumunta si daddy kay mommy at hinalikan ito sa pisngi. "Ang bango mo naman. Amoy ulam ka na." bulong nito sa tenga nito. Pinalo lang sya ng sandok ni mommy.
Napangiti ako. Not for long, magiging ganyan din kami ni Deio.
"Maluluto na to. Anjan na ba ang Kuya Aj mo? Ang tagal naman nung pinapabili kong cake."
"Cake? Bakit po may cake ma?" biglang singit ng katabi ko na pala na si Kuya VJ. "Anong meron? Ang bango naman nyan."
"Mygod Vincent. Nakalimutan mo na ba? Birthday ni Lj!"
Napakunot ang noo ko.
"Birthday ko ma? Hindi ba ano pa lang ngayon?"
"Mas marunong ka pa sa nanay mo eh yan ang naglabas sayo" natatawang sabi ni daddy habang yakap padin si mommy mula sa likod.
"Dad! Next month pa ang birthday ko."
"O edi advance." pag-iwas ng tingin ni mommy sakin.
"Tsk. Hindi mo ba alam? Wala sila next month."
"Bakit?"
"Eh-"
"-kasi anniversary namin sa birthday mo diba? At hindi pa nakakapunta ng africa ang mommy mo. Balak naming pumunta dun."
"Seriously dad. Africa?"" natatawang sabi ni Kuya Vj. "You have got to be kidding me."
Tumango tango na lang ako doon sa excuse nila. Nakakatampo pero I'm happy for them kaya no comment na lang ako.
"Ma nagtext si AJ. dadaanan nya lang daw sina ate Mikay. Dun lang ako sa office mo dad. I need to use your laptop."
"Ay pabababain ko narin po sila Deio."
*
"Mommyyyyyyy! Si Kuya Andre po inaaway ako!" iyak ni Deia habang humihikbi.
Kumakain kami at una nang natapos sila Deia at Andre kaya nagpaalam silang maglalaro sa garden. Tapos biglang bumalik si Deia, putikan ang damit at si Andre, tawang tawa. Napagalitan tuloy ni Kuya Aj.
"Hindi naman siguro baby. Natutuwa lang si Kuya sayo."
Wala na sa table si Mommy, Daddy at deio. Balak nilang mag-usap usap kaya iniwan na lang nila ako sa dalawa kong kuyang matagal-tagal ko nading hindi nakakasama. Buti na lang andito si Ate Mikay kundi OP ako.
Naiyak padin si Deia nang lumapit si Andre.
"Sorry Deia." sabi ni Andre at hi-nug si Deia. Pinagsusuntok naman to ni Deia kaya lumayo ito. Sinaway ko naman si Deia.
"Anak, ano nga yung turo ko?"
Nagpout lang sya at humarap uli kay Andre.
"Sorry din Kuya."
At yun. Naglaro na ulit sila. Para talagang mga bata. Speaking of bata, para daw talaga akong buntis. Ano bang meron sa taho? Ang sarap kaya.
Nagkekwentuhan nga kami ni Ate Mikay tungkol sa pagkahilig kong yun nang makaramdam ako ng something sa tyan ko kaya tumayo ako agad at tumakbo sa sink sa kusina.
Nagsusuka ako.
Napatigil sa pag-uusap sina daddy na nandon na pala sa dining table nung nakita nila ako. Nagpunta agad sila sakin.
"Lj, anak may sakit ka ba?" tanong ni Daddy.
"Anak buntis ka ba?" tanong naman ni mommy.
Lahat kami napatingin kay mommy.
Ano daw?
Tumingin si daddy kay deio at nanlaki ang mata ko nang kwelyuhan nya ito. Nakaramdam ako ng kaba habang hawak ko ang kamay ni Daddy.
"Walang hiya ka! Hindi ko pa nabibigay sayo kinuha mo agad?! Kaya mo ba sya pakakasalan ha?! Kasi nabuntis mo sya?!"
"Sir, wala po syang nababanggit na-"
"Kahit pa!"
"Dad! Hindi ako buntis!"
Hindi nga ba?
Bigla akong nahilo. Parang sumasayaw ang paligid ko pero nakita ko padin ang paghihiwalay ni daddy at Deio at ang pagsalo nila sakin nang matumba ako.
Then I everything went black.
*
Nagising ako at pinainom agad ng tubig ng babaeng nakaputi at doktora ata. Tapos kinunan nya ako ng blood pressure.
"Mr. Padilla, tumaas lang po ang blood pressure nya kanina kaya sya nawalan ng malay. But I assure you, she's perfectly fine."
"Uhm.....doc, may pregnancy test po ba kayo dyan?"
Napatingin kaming lahat kay Deio. Pinutol nya agad ang pagsasalita ni doktora na para bang atat syang malaman.
Nagtaka si Doktora.
"Hmm......meron naman po. Why, is she pregnant?"
"Doc, kaya nga po ako nanghihingi diba?"
Natawa lang si doctora sa inasal ni Deio samantalang ako, pinalo ko sya sa braso. Namumutla sya at parang kinakabahan at tinatago nya to sa pagtataray.
Yung totoo, sya ba ang buntis ha?
"Deio, calm down. It's alright." pagpapakalma ni mommy. "Wag mong intindihin si Daniel. Nagbibiro lang yan."
Napatingin ako kay daddy na tulala lang tapos kay doctora uli. May kinukuha na sya sa bag nya at binigay nya sakin ang isang kahon.
"Go find out."
---
Hi po! Sorry po kung super late na ng mga update ko pero nawalan po kasi ng internet sa bahay namin plus there are tons of school work to do. Don't worry. Magsusummer na.
And I'll see you soon! Maybe sooner. Maybe before summer!

BINABASA MO ANG
My Teacher's Boy?
Fiksi PenggemarHistory repeats itself? Sus! Pinahirap pa. Eh pwede namang karma na lang diba? Pero......is it good? Or bad karma? What if the spotlight will turn the other way around? Noon...My teacher's girl ang peg. Ngayon it's my turn. Is it possible to have a...