Chapter 46-Before Settling Down

55 1 0
                                        

 

 [-LJ-]

“Two Bars?” bulong ko sa sarili ko.

Andito ako ngayon sa loob ng CR habang tinitingnan ang pregnancy test na nasa mga kamay ko.

“Hon, okay ka lang jan?”

Napatingin ako sa pintuan.

Did he just called me Hon? At kailan pa sya tumawag sakin ng ganyan?!

Gosh.......no. This can’t be happening!

I can’t be pregnant!

Last time that I got this kind of news was four years ago. Or was it five years? Ah ewan. Basta noon, hindi maganda ang nangyari. Nagkagulo.

At kita ko sa mukha ni Deio na kinakabahan sya.

Hindi pa sya ready.

What if iwanan nya ulit ako? Anong klaseng babae ba kasi ako, diba? Bakit nagpapaganon na lang ako sa lalaki? Well, sa kanya lang naman.

Pero kahit pa! Bat hindi man lang pala kami gumamit ng proteksyon?!

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Deio ah, alam ko naman kasing mahal na mahal ako nung tao. Pero.....those nasty what if’s can’t stop crossing my mind.

At si Daddy?

He’d be furious. Si mommy? Baka masampal ako nan. Baka mag-away nanaman sila ni Tita Zharm.

Speaking of Tita Zharm, hindi padin nga pala ayos ang gusot ng pamilya namin. I mean, okay na. Proven na hindi anak ni Daddy si Deio but...what about Deio’s dad?

May kumatok muli sa pintuan.

“LJ! Anong nangyayari jan?! Bat hindi ka sumasagot?”

Oh no. Hindi pwede. Hindi ko pwedeng sabihin kay Deio hangga’t magulo pa ang buhay namin.

If we were to settle our lives with each other, we have to make peace with them para kapag nasa harap kami ng Diyos at nangangako, panatag ang loob naming magiging maayos na talaga ang lahat.

“Saglit lang ah! Sumasakit yung tyan ko eh kaya nilalabas ko nadin.” Sabi ko sa kanya.

Pero ang totoo nan, busy ako sa pagtatago sa kung saan ng basurahan at pagbubukas ng bintana para doon itapon lahat ng basura ng basurahan pati na ang pregnancy test.

He doesn’t need to find out....yet.

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon