[-LJ-]
Napabangon ako bigla.
Grabe namang panaginip yon?!
Ako nabuntis?
Agad agad?
Eh hindi pa nga ikinakasal si Kuya Aj eh! Ngayon pa lang actually. Saka sinong matinong babae ang gagawa non? Porket mahal mo ibibigay mo agad lahat?
Si daddy? Kaya nyng gawin yon kay Mommy? Pero teka....nabangga sya para kay mommy?
Si Alexandra at Felix?
What the-!! PINAGLOLOKO BA AKO NG PANAGINIP KO?! JOKE BA TO?! BAT MAY POV SI ALEXANDRA, DADDY AT MOMMY SA PANAGINIP KO?!
ANO BANG NANGYAYARI?!
Grabeeeeeeeeeeeeeee!
Tumayo ako at isinuot ang tsinelas ko. Dahan dahan akong bumaba para hindi na magising ang mga tulog. Tss....ang dilim naman oh. Bat ba kailangang buong bahay patay ang ilaw? Wala na ba kaming pambayad ng kuryente huh?!
Nagtip toe ako papunta sa kitchen pero nasa salas pa lang ako, may kababalaghan agad na nangyari.
Dahil madilim, hindi ko napansin yung nakalagay na 'Caution Wet floor' at nadulas ako. Aguuuuy! Aguy! Ansakit ng pwet koooooooooo T_T!!
"Chandria----Louisse? Anong ginagawa mo jan?!"
Nanlaki ang mata ko.
Si Mamita, lumabas galing sa kitchen. Ibig sabihin,..............
"Mamitaaaaaaaaaaaaaaaa!"
Tumalon ako patayo at niyakap sya. Tawa lang sya ng tawa.
"Kailan ka pa bumalik?" tanong ko. Humiwalay na kami sa yakap tas biglang dumating si mommy at daddy.
Naalala ko lang yung panaginip ko.....
Galit na galit si mommy non.
Aish! Erase na nga!
"Actually, pati kami ng mommy mo, nasurprise sa pagdating nya kasi kararating nya lang kanina kanina and....wait ma, hanggang kailan ka dito?" sabi ni daddy.
Daddy.......
Totoo ba kaya yung panaginip ko? Anak ni daddy si Deio kay Tita Zharm? And who is that Albie? I just shook my head.
"I think I'll be staying here for good. Don't worry. I already have my own house ready for moving in. Pero hindi ibig sabihin non Daniel John na hindi na kita kukulitin."
Teka.....kukulitin?
Tsk.........usapang matanda nga naman. Pero dahil nga hindi padin ako recover sa panaginip ko ay nagexcuse muna ako na uminom ng tubig.
Nung nag-umaga na, nagprepare na silang lahat. Isinakto lang pala talaga ni Mamita ang wedding of the century bago sya bumalik dito sa Philippines with us. Well by the way, 5:00 pa naman ang wedding kaya ang ginawa ko, pumunta na ako sa hotel na magcacater na rin ng kasal.
Food Tasting= ginawa kong excuse para magpunta dito.
"Excuse me miss, I'm Louisse Padilla and I'm here to excecute the food tasting operation."
Kaekekan lang.... hahaha!
"Oh..okay mam, this way please." Nilead nya ako don sa nakahanda nang mga pagkain at kumain ako. Lunch na kasi pero sa bahay, walang balak maglunch ang mga tao dahil baka daw hindi na magkasya ang mga isusuot nila.
Nasa gitna ako ng pagbababoy nang biglang may tumawag sa phone ko. Puno pa ang bibig ko bago ko iyon sagutin.
"Hello!" inis kong sabi.
"San ka? Puntahan kita."
Deio..........
Totoo kaya yung panaginip?
"Wag na, baka ubusan mo lang ako ng pagkain."
"Takaw mo."
"Ewan ko sayo!"
"Pero teka, pwede bang isama ko narin sila mama?"
Nasamid ako don nang hindi ko alam.
"Huy..teka...huy okay ka lang ba?"
"*cough cough* Ayos lang...*cough cough* Ikaw kasi! tatawag ka na nga lang *cough cough* yung nakain pa ako! Wrong timing ka."
Narinig ko syang tumawa. Mejo nakarecover na rin ako.
"So ano...pwede ko ba silang dalhin?"
"Of course. Bakit naman hindi?"
"Basta ha, mamaya, sabay tayo don. Susunduin kita."
Wow......susunduin daw......wala ba akong kotse? Pero......sige na nga.
"Okay."
He sighed.
"I miss you..."
Natawa ako don ng bongga! Namimiss nya agad ako? Pano pa kaya ako?
"Ako din."
"Mas miss kita."
"Mas ako."
"Hindi, ako eh."
"Ako nga."
"Sabing ako."
"O para walang away, miss na lang natin ang isa't isa okay? Sige na. Naistorbo mo ako."
Pero syempre, joke lang yon.
"Haha I love you mam..."
I sighed. Nahihiya man ako pero kailangan kong sabihin to.
"I love you too."
Pagkatapos sa food tasting operation eh nagprepare na ako. Syempre naligo muna ako dahil pinagpawisan ako sa sobrang sarap ng mga pagkain at dahil may pawis ako eh umasim ako. At pagkatapos ay nagpamake up ng konti at nagbihis na ako.
Tss........nagugutom ako.....
Bumaba ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Nasa gitna ako ng pagkain nang marinig ko na may kausap si daddy sa phone.
"Hello Albie.....wait--ano?........teka asan ka ba?..........huy......a-ano? Teka-!"
Albie.....
The guy na nagsabing anak ni daddy si Deio.
Nanlaki ang mata ko doon.
Bago pa ako makita ni daddy ay pumunta na ako sa salas. Pero pagpunta ko sa salas, napanganga ako sa nadatnan ko.
"Oh there she is..." sabi ni mamita.
Nakaupo si mamita sa sofa at katapat niya si Deio. Nakatux. Okay, sige na nga. Hindi ko madedeny...magiging sinungaling ako pag dineny ko...
Ang. Gwapo. Nya.
"Hey..."
At yun, malapit na pala sya sakin. As in sobrang lapit. He kissed me on the cheeks tapos hinawakan ang dalwang kamay.
"So totoo nga, okay I believe you now hijo-wait.........anong pangalan mo?"
"Deigo Elijah Ibanes Ocampo po..."
Naglahad sya ng kamay at tinanggap ito ni mamita.
"Ocampo..." mamita whispered. "How are you related to Zharm Arriola Ocampo?"
Zharm....
Mommy nya...
"She's my mother po." Nanlaki ang mata ni mamita pero sa huli ay tumango tango na lang sya.
"Why mamita? What's wrong?"
"Uh....nothing. Just asking."
O-kaaaaaaaaay...........pero feeling ko talaga may iba....
![](https://img.wattpad.com/cover/7874853-288-k373602.jpg)
BINABASA MO ANG
My Teacher's Boy?
FanfictionHistory repeats itself? Sus! Pinahirap pa. Eh pwede namang karma na lang diba? Pero......is it good? Or bad karma? What if the spotlight will turn the other way around? Noon...My teacher's girl ang peg. Ngayon it's my turn. Is it possible to have a...