Chapter 7-Nakakapanlumong Flashback

276 2 0
                                    

Vote and comment:)

***

[-LJ-]

AAAAAAAA! Shetness in the air!!

Bakit?

Hay...........

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

...........hindi talaga ganun kadali ang magmove on...

Wala...malungkot padin ako. Masakit padin. Hay...

Same schedule naman kaya dun ako sa classroom nila....hay...tuwing naaalala ko yung nangyari nung gabing yun, grabe. Nanghihina ako. Akala ko si Gino na eh. Pero tingnan mo o. Si Deio pa talaga yung nageffort. Psh.

Nagpaquiz lang ako tapos hinayaan ko na silang magchikahan. Umubob ako. Wala lang....hay...nakakainis talaga. Yung akala mo kayo na pero...........epic fail pala-.-

Naman eh! Luha...tigilan nyo ako ah. Tigil!!

Iniwan ko na lang sila ng activity tapos umalis na ako. San pa ba ako pupunta? Edi sa canteen. Para hindi tumulo ang mga luha ko. Isang clubhouse sandwich at mogu mogu okay na ako eh. Pero hindi...ubos na ang sandwich. Ubos na ang mogu mogu. Pero tumulo padin....

Napakagat labi na lang ako.

Umubob ako at umiyak na ng tuluyan. Akala ko pag nailabas ko na, wala na. Okay na. Pero the more na naririnig ko ang hagulhol ko, the more na napapaiyak ako. Ano bang nangyari? Masaya naman kami noon. Bat naging ganto?

"Hindi ba masakit sa ulong umiyak kapag nakaubob?"

Ay tae...sino yun? Anu ba yan! Nageemote aq e! Pakialamero naman o...

Natigilan tuloy ako dun. Unti unti kong itinaas ang ulo ko at napacross sign nung makita si Deio. Anu ba yan! Nakakagitla kaya. Akala ko kasi si.........Gino.='(

Ibinaba ko rin yun syempre nung tumawa sya. Uubob na ako pero pinigilan nya iyon.

"Sabi ko nga diba, masakit sa ulo ang pagubob."

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Nagkamot naman sya.

"Mam hindi ko kasi naintindihan yung tinuro mo. 5 lang tuloy ako sa quiz."

At dahil jan, nagumpog na ako ng ulo at umubob. Tapos tinaas ko din.

"Grabe ka naman. Eh 1 week na tayo sa lesson na yun halos hindi mo padin gets?"-pagkasabi ko nan, napahalumbaba ako. Umiling naman sya at may kinuha sa bulsa nya. Anu yun?

"Oh...kawawa ka naman mam."-sabi nya at inabot ang panyo sakin.

Tiningnan ko lang yung panyo.

>>>FLASHBACK<<<

First year ako noon...at kasalukuyan kong binabasa ang "The Fault In our Stars". Grabe.....napaka...hay...basta I'm lost for words.

"Miss panyo oh..."-sabi ng isang lalaki.  Ay....hindi ko na namalayan na umiiyak pala ako. Tss. Nu ba yan...syempre kinuha ko. Mejo ramdam ko na ang pagtulo ng uhog ko eh.....eww..

"Ah s-salamat..."

Ngumiti sya at umupo sa tabi ko. At dun nagsimula ang chitchat namin.

"So nabasa mo nadin pala to?"-tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen.

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon