Chapter 42-The Proposal

82 2 0
                                        

[-Deio's POV-]

It's been what? A week? Yeah. It's been a week na nagtitiis ako sa lunch nya. Ewan ko ba. To tell you the truth, sobrang sama ng lasa. Pero parang may sariling utak ang kamay ko na sinusubo ito sakin at ang bibig ko naman, nginunguya. Ni hindi ko magawang iluwa yung pagkain.

Tsk. Sana naman, hindi na sya magdala ngayon.

"Ser, what do you want? Coffee? Tea? Or-"

"Manahimik ka. That's what I want for now."

"Sungit mo naman sir. Pag naman kay miss Maganda, ang bait bait. Unfair ka sir!"

"At bakit naman?" Tsk. Ngayon, nagsisisi na ako kung bakit ang layo layo ng office ko sa entrance. Kinukulit tuloy ako.

"Pag sya nagluto, hindi masarap, kinakain mo kahit ngumingiwi ka na tas pag ako, nag-aalok ng masarap na inumin...hmp! Kakatampo ka ser ah."

"Shut up." natatawa kong sabi sa kanya. Kahit PA ko yan, parang kaibigan ko nadin yan. Pamalit dun sa mga bregs kong nascattered na sa buong Pilipinas.

Hay salamat. Nandito nadin ako.

Yung katabi ko, ang lapad ng ngiti.

Anong problema nito?

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin si Lj na nakangit ng malapad. Teka........anong ginagawa nya dito? May niluto nanaman ba sya o magluluto pa lang?

Hay.....bat ba hindi ko masabi na ayoko ng luto nya?

"Uhm......L-Lj, may....m-may dala kang pagkain?" sabi ko habang kinakabahan sa sagot nya.

"Wala. Ano, nakahinga ka ng maluwag ano?" tanong nya na parang nagtatampo. Hala! "Ayaw mo nung luto ko ano? Okay lang-"

"Hindi!" Nahawakan ko pa sya sa balikat kaya nagulat din sya. "Ahm.......uh.......masarap. Lalo na yung kare-kare? Sobrang sarap." tinitigan ko pa sya para maniwala sya.

"Well, wala akong dalang pagkain. Don't worry." tumawa sya.

God, she is breathtaking,

"Next time pati, pag magluluto ka, magsabi ka muna sakin para sasamahan kita." Para maturuan ka ng maayos. Dagdag ko sa utak ko.

Tumango sya habang nakangiti.

Nakakalimutan kong iniwan din nya ako noon at nakakalimutan ko din ang mga sinabi nya kapag ngumingiti sya. Ano bang nangyari? Bakit naging ganito na lang kami?

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" sabi ko at pumasok na. Nung nakaupo na ako sa swivel chair, lumabas sya.

Huh? Anong problema non?

Mapapatayo nadin sana ako kung hindi lang sya bumalik dala ang tasa....tasa ng kape? Inilapag nya ito sa table ko.

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon