Chapter 9-Pambwisit Choices

268 1 0
                                        

[-Deio's POV-]

Ano kayang magandang pambwisit sa teacher ko sa math ngayon?

a. Bubuhusan ng tubig pagbukas ng pinto.

Ayoko. Baka umulit nanaman ako ng highschool. Yung light lang naman syempre.

b. Tatapunan ng crumpled paper.

Tss. Luma na yan.

c. Matutulog ako sa subject nya.

Sige yun na lang.

Ay ayan na pala sya. Umubob na ako. Yung mga kaklase ko naman eh binati sya ng goodmorning habang ako, nakaubob padin.

"Diba sabi nyo good MORNING?"-sabi nya emphasizing the 'Morning' part.

"Diba umaga? Eh bakit may tulog?"-sabi nya at piningot yung tenga ko kaya napaupo ako at napangiwi samantalang ang mga kaklase ko naman ay tumawa lang.

"Oh baka naman nakakahiya sayo Mr. Ocampo. Good Morning ha? Good MOR-NING. Okay!"-sabi nya at nagclap ng isa.

Epic fail talaga ang pambwibwiset ko sa kanya ngayon.

Ah alam ko na....

Siguradong mabwibwisit sya nito...

Mwahahaha!!!

[-LJ-]

Pagkalabas ko ng ikalawang period na classroom ko, parang may sumusunod sakin na ewan. Pagtingin ko naman sa likod, wala.

Tas andun nanaman yung feeling...

Tas mawawala.

Tas pabalik balik lang.

Ano? Kala nyo takot ako? Neknek nyu.

Tas nakarinig ako ng footsteps. Pagtalikod ko, wala.

"Sino ba yun?"-bulong ko sa sarili ko.

At nagulat ako ng may nagtakip sakin ng panyo na may nakakahilo at mabahong amoy.

ANO KIDNAP NA TO?!

At bago pa ako makagawa ng martial art move, nahilo na ako at nakatulog.

***

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

!"

SHIT TO THE HIGHEST LEVEL OH!!

BAKIT NASA CONDO NANAMAN AKO NI DEIO?!

Panong hindi ko to mamememorize eh nanggaling na ako dito?! I have a good memory eh bat may angal ka? Mabuti kung wala.

"Mam naman. Nagiingay ka nanaman. Buti nga dinala pa kita dito eh. Grabe ka naman. Kahapon pa kita ng umaga pinahilo tas alas tres ng madaling araw ka lang nambulabog. Baka gusto mo ireklamo ako dito."

Tas pinagpapalo ko sya.

"Ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw!!!!!!! Nakakainis ka! Ikaw pala yung sumusunod sakin kanina! Bwiset ka! At dinala mo pa ako dito!"

"Sabi kaya ng daddy mo. Mahirap na. Baka maexpel pa uli ako."

"Talagang ipaeexpel kita. Walangya ka bat iba na ang suot ko ha?! Sinong nagpalit ng damit ko?!"

"Eh pano kung sabihin kong ako? Tas kapag inexpel mo ako, ikakalat ko hindi lang sa school at sa Pilipinas. Kundi sa internet pa."

At pinagpapalo ko ulit sya.

"Bwisit bwisit bwisit bwisit ka talaga sa buhay ko! Alam mo sana talaga hindi na lang tong school ang pinili ko. Aaaaaaaaaaaaaaaargh! Nakakainis-"

At dahil pinagpapalo ko sya eh nangyari ang mabilis na pangyayari. Hinawakan nya ako sa kamay at dinaganan ako.

"Kung ang ikatatahimik mo eh pagkain, may pagkain sa ref. Kung gusto mong manuod ng tv, meron sa sala. At kung gusto mong magingay dun ka sa labas. Kasi alas tres na. Marami nang tulog kaya wag ka nang mambulabog.  Intindi mo? Wala tayo sa school. Nasa condo kita. Kaya ako ang masusunod. Intindi mo?"

At first, hindi ako nakasagot.

Una, awkward ang position namin. At ikalwa,..........

Bago mangyari yun, hinalikan nya muna ako. Not just a smack.

***

Umagang umaga........

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!"-sigaw ko.

"Huy mam okay ka lang jan?"

"Anong ginawa mo sa buhok ko?"-sabi ko at binuksan yung pinto.

Una, nagisip sya. Tas nagclap sya nung naalala nya.

"Ah! Digital Perma yata ang tawag jan."

"Bakit? Bakla ka ba kaya yung buhok ko ang pinagdiskitahan mo?"

"Hindi naman mam. Let's just say na part ito ng introduction at orientation natin."

"Che! Ihatid mo na nga lang ako pauwi."

"Hindi ako papayag mam. Kasi tuturuan pa kita. O gusto mo...."

Ah...oo alam ko na. Pag hindi ako sumama ipagkakalat nya.

"Oo na oo na! Psh. Eh pano tayo lalabas kung nakaganto ako? At sino ba talagang nagpalit ng damit ko?"

"Edi yung housekeeper. At mam sa tingin mo may pagnanasa ako sayo? Wala noh. Psh. At eto. Oh baka isipin mo naman sinukatan kita ah. May stylist akong hinire para sayo."-sabi nya at inabot sakin ang paperbag.

***

Vote and Comment:)

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon