[-LJ's POV-]
Eto ako ngayon, tambay nanaman sa opisina nya. Simula nung araw na napagdesisyunan kong ibalik sa kanya ang lahat, mejo napabayaan ko yung mga school ko. Hindi pa akin yun. It's still dad's naman eh until I turn 25. Pero hindi ko kailangan yun.
Baka maging utang na loob ko pa sa kanya yun.
At ngayon, piniigilan ko ang isang to sa balak nyang pagsugod sa gyera. Hindi lang gyera ang balak nyang puntahan......pasugalan.
"Deio sigurado ka? Baka naman masyado ka lang nababaliw sakin nan?"
"Haha, very funny. Bakit ba parang mas takot ka pa kesa sakin?"
"Eh kasi delikado pa yang binabalak mo!" Hindi pa kami ayos ni daddy. Hindi ko padin sya pinapansin and there are times na hinahayaan nya ako while there are times na nagpapansin sya.
Tumawa sya. "Well, if ever, it's me who's gonna get killed. Not you." Humarap ulit sya sa laptop nya at na kanina nya pa pinapansin at tinitingnan.
"Seryoso kasi ako. Palamigin mo muna ang ulo ni Daddy." sabi ko at umupo sa lap nya habang sinasarhan ang laptop na dahilan kaya hindi ko sya makausap ng matino.
"And wait for another four years, LJ? No way."
Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak. "Bahala ka. Kung gusto mong magsugal, magpoker ka. At kung gusto mong maglaptop at wag akong kausapin, yang laptop mo ang pakasalan mo!"
Napatingin sya sakin nang may halong pagtataka. Ako din naman nagtataka sa sarili ko. Napakababaw ko pero nakakainis naman kasi talaga!
Pinahid ko ang luha ko at tumayo na para kunin ang bag ko at umalis. Pero pagkalabas ko, parang narelieve ako.
"Taaaaaaho! Taaaaahooooooooooo!"
"Pabili po!" sabi ng isang bata. Binuksan ng magtataho ang dala nya at saka ko naamoy ang mabangong taho. Parang bigla akong naglaway.
"Manong, pabili nga. Magkano po?"
"Sampu, pinakamalaki." binigay ko ang bayad ko at binigay nya naman sakin ang taho na agad ko namang nilaklak. Gutom na gutom ata ako ngayon.
"Manong, isa pa po, pwede?"
*
"Naku, pasensya na ineng, naubos mo na ang paninda ko." Pagkaubos ko ng paninda nung una kong binilhan, naghanap ako ng isa pang magtataho na naubusan ko din. Itong isang to, ikatlo na to. Naubusan ko nadin sya ng taho.
"Eh, gutom na gutom po kasi ako eh."
"Eh bakit hindi ka kumain ng matinong pagkain? Bakit puro taho lang ang kinakain mo?"
"Puro taho lang din po kasi ang feel kong kainin." tinawanan naman ako ng matanda habang inaayos ang paninda nya. "Uhm....bakit po?"
"Naglilihi ka. Nasan ang asawa mo? Bakit hindi mo kasama?"
"Ay naku hindi po! Dalaga pa ko manong! Gutom lang talaga ako."
"Sabi mo eh." tumawa pa sya bago ako iniwan. Porket ba mahilig ako sa taho ngayon eh buntis na kaagad? Grabe namang mga taong to. Eh nung six years old ako, puro chocolate lang ang kinakain ko eh. Edi nung six years old pala ako, naglilihi na ako?
Napailing na lang ako bago umalis sa lugar na yun. Tinawagan ko si George. Matagal-tagal nadin kaming hindi nagkakasama at hindi pa pala nya alam na bumalik na ako galing Manila. Sabi ko sa kanya, magkita kami sa Gloria Maris dahil sabi ng isang magtataho, malaki daw ang taho dun.
"Hello mam, table for?"
"Table for two, please."
"Right this way, mam." sabi nya at nilead ako sa table for two. Nagorder na ako ng taho kasi hindi na ako makapagpigil. I want more. Nilapag nila ang order ko matapos ang ilang saglit na pagiintay.
At habang nilalantakan ko ang pagkain ko-este taho ko, saktong dumating si George kaya tumayo muna ako upang makipagbeso beso at umupo na ulit.
"LJ! OMG. Kamusta ka na?"
"Hmm.......eto, mahilig na sa taho." tumawa kami dun. "Ikaw? Kamusta na si Geraldine? Oy ah, ilang taon na nga ba yung batang yun?"
Geraldine Julliane Dela Rosa. I haven't heard from their daughter since umalis ako.
"Well, ayun. Makulit and her daddy's little girl. Kakafive nya lang last month."
Nagpahid ako ng tissue kasi subo lang ako ng subo ng taho na para akong mauubusan ng taho. Patango tango na lang ako. Kwento lang sya ng kwento. Nakikinig naman ako pero mas naiintindihan ko kung gano kasarap ang taho.
"Hoy ano ka bang babae ka! Pinapunta-punta mo ako dito tas nagpapasama ka lang palang lumamon? Seriously? Buntis ka ba? Naging kayo din ba ni Deio after all these years?"
Natigilan ako dun. Bakit ba ang daming nagsasabing buntis ako ah?
"Hindi ako buntis. Nagcecrave lang ako sa taho ngayon."
"Crave? Grabe kang magcrave ah. Dalawang order na yung naubos mo. Ang laki kaya nan! Anyway, hindi mo pa sinasagot yung isa kong tanong?"
"Alin?" sabi ko at nagsunod-sunod nang sumubo.
"Ah....ang timang ko naman. Bakit ako nagtatanong nan? Natural, sino ba naman ang maglalagay ng bata jan kundi sya."
At dun, naubo ako. Parang nagiba ng landas yung kinakain ko. Umubo ako ng umubo at nung nakabawi ako, uminom ako ng tubig. Tawa lang ng tawa tong si George.
"Confirmed. Kasal na kayo! Pero bakit hindi ako naimbitahan sa wedding? Ano yan, secretly married?"
"Kung ikakasal ako, sana imbitado kayo. Duh? At oo na. Kami na ulit."
"So, nagbreak kayo?"
"Oo. four years ago. Pero ngayon, okay na kami. In fact, we're getting married. Kung kelan? Yun ang hindi ko alam."
"So......malabo?"
"Hindi naman. May problema lang."
"Ano?"
"Hindi ano. Sino."
"Sino?"
"Si daddy."
![](https://img.wattpad.com/cover/7874853-288-k373602.jpg)
BINABASA MO ANG
My Teacher's Boy?
FanficHistory repeats itself? Sus! Pinahirap pa. Eh pwede namang karma na lang diba? Pero......is it good? Or bad karma? What if the spotlight will turn the other way around? Noon...My teacher's girl ang peg. Ngayon it's my turn. Is it possible to have a...