Chapter 35-De JaVu

161 4 0
                                    

OMG! Maraming salamat po sa mga consistent readers na. Grabe sobra akong natouch! Pasensya na kung nadissapoint ko kayo at panaginip lang ni LJ ang lahat ah...

Keep Reading and voting....

***

[-LJ-]

 OH MY GOD!

Bumangon ako mula sa kama at nagtakip ng katawan.

Ano bang nangyari after the wedding?

Napahawak ako sa ulo ko.

Shit! Shit lang!

Nangyari na ang unang nangyari sa panaginip ko!!!!

How did this happen at bakit to nangyari at...at....

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"-Umirit na akoa sa sobrang kabaliwan.

"DEIO HINDI KA PA TAPOS NG HIGHSCHOOL! BAKIT MO GINAWA TO SAKING BATA KA!!!!"

Pero ang loko.....ayun. Tulog padin. Pero........waaaaaaaah! Oh my god!

We did "it"? We really did do the "it" thingy?

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto and there........nakakita ako ng champagne flutes.

Then it hit me.

{--FLASHBACK--}

"Hey handsome and......oh.....hi ate! Grabe...ang swerte nyo naman pong magkaroon ng kapatid na ganto kagwapo!"

Naglalakad kami ni Deio papunta sa kung saan nang biglang may isang masamang hanging nabunggo namin. Pero teka nga....

Tama ba ang narinig ko?

"Ate?" tanong ko sa kanya.

"Uhm...opo. Ay naku sorry. Hindi ka po pala ate. Now I know. May kakambal ka palang kapatid pogi!"

Eto namang katabi ko, napatawa na lang ng mahina.

Magsasalita na sana ako nang magsalita naman tong girl.

"Oh by the way, I'm an Angel. Ay sorry! My name is Angel pala." naglahad sya ng kamay. "Ikaw pogi?" sabi nya at ngumiti ng ngiting ngiti.

At ito namang katabi kong siraulo eh tinanggap ang kamay na yun nung babae at...at...grrr! tapos..

"LJ...LJ Padilla."

Gamitin ba naman ang pangalan ko!

"Ah...lalaki pala ang kapatid nila VJ? And I thought 19 ka na?"

Teka nga...pinagseselos ba ako nito? Ah alam ko na. Gumaganti to sa nangyari kanina nung inasar asar ako nila kuya kay Gino. Andito kasi sila kanina eh.

Bwiset!

"You only thought..."

Tamo nananadya!

"Excuse me BABE, aalis na ako kasi mukhang BUSY ka at ENJOY NA ENJOY sa isang HAMPAS LUPANG nameet mo sa kasal ng KUYA KO. Kaya sige lang ah...enjoy!"

Pero syempre, hindi ko sinabi yun. Kasi ano't anuman ang mangyari, bisita padin yan nila kuya Aj. Baka mapahiya sila dad ng dahil sa iaasal ko dahil naniniwala akong pinalaki akong tama ng mga magulang ko kaya eto nalang...

"Excuse me lang ah...and don't forget to enjoy yourselves." I smiled at tinulak sila sa dance floor kung saan umarte si girl na nahulog kay Deio (ugh!) at ayun....tumakbo ako sa isang bar dito sa hotel.

May nakita akong kamukha nung iniinom nila daddy which I usually called champagne kasi dun yun laging nakalagay pero yung andito....hindi ko mabasa pero nakalagay sa champagne flute.

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon