Happy New Year Everyone!
***
[-LJ's POV-]
Ang bilis ng panahon. Akalain nyo one month na kami today. This is our first monthsary. Hmm.......nung kami ni Gino, nagdedate lang kami like ordinary couples. Nagpipilit sya na sa isang 5 star restaurant daw kami kumain pero ayaw ko. Simply because I hate their food. Ni hindi ko alam kung pano ipronounce! At ang nakakadala pa eh sa kalikutan namin ni Kuya AJ noon ay napagdiskitahan namin ang mga honeybee na pinagkukunan nila ng fresh honey at idinidisplay nila.
Ang nangyari?
Hinabol kami ng isang swarm ng honeybees!
So yucky....
For the first time eh maaga akong pumasok sa school. Mga 6:30 ay andito na ako. At sa sobrang good mood ko eh lahat ng tao kahit na hindi ko kakilala ay binabati ko ng good morning.
"Good Morning Alex!"-bati ko kay Alexander. Nagiba ang itsura nya at inikutan ako na para bang inoobserbahan. "Oh bakit?" syempre nagtanong na ako.
"Anong meron? Bat ganyan ang ngiti mo?"
"Bakit bawal bang ngumiti? Ikaw bestfriend, ngumiti ka din! Smile! Life is beautiful, life is fun and life is colorful!"-cheerful kong sabi at nagdire diretso na papunta sa faculty para magcheck in.
"Bat ka ba nakasimangot eh ke aga aga ha?" tanong ko sa kanya kaya lalo nya akong sinimangutan.
"Eh kasi naman si Alexandra, isinama ako sa pagshoshopping pero hindi naman binibigyan ng kahit na konting chance ang mga pinipili ko. Ang gusto nya eh yung mga maiiksi na konting galaw nya lang ay parang makikitaan na sya." umuusok ang ilong nya habang nagsasalita.
Wow ah. Concerned na sya?
"Diba yun naman ang gusto mo? Ang MAPAHAMAK sya?" inemphasize ko talaga para malaman nyang mali iyon kasi kung kuya ko ang gagawa sakin nyan eh baka nabatukan ko na yun. "Anong pinagpuputok ng butchi mo?"
"Hindi naman ako ganon kasama Lj. Syempre pag yun nabastos eh baka ako pa ang sisihin."
Edi concerned nga sya! Pinahaba pa eh-.-
"Ay ewan ko sa iyo."
Iniwan ko na sya at nagdirediretso papunta sa classroom. Pagpunta ko doon eh halos wala pang tao. Puro nerd ang nadon. Well, except for Deio. Siguro, excited na to at hindi na makapagintay na batiin ako kaya ganto kaaga pumasok.
"Deio-" tinatawag ko pa lang sya ng tinawag nya rin ako.
"Mam ah eh.....pwede mo ba akong tulungan dito?" sabi nya at isinenyas ang papel. "Iniintay kita kanina pa para dito eh."
Nakaramdam ako ng isang hollow blocks na parang ibinato sa dibdib ko at parang tinapunan ng semento ang paa ko na hindi makagalaw.
Akala ko babatiin na nya ako eh.
Pero malay mo, mamaya pa. Intay lang LJ. Saka mo na lang sya batiin pag binati ka na nya.
DEIO: Saka mo na lang sya batiin kapag binati ka na nya para hindi ka mailang. Tsk nakakailang palang bumati ng happy first monthsary noh? Sorry wala kasi akong experience tulad nya at tulad nyo!
Nginitian ko sya at lumapit na sa kanya at tinulungan sya kung paano masolve ang math problem na yoon. May ibang nagpapaturo nadin pero binugaw nya at sinabing nyang "Mamaya kayo okay? Akin sya ngayon. Alis nga!"
Pinalo ko na lang ang braso nya at umiling.
Pero halos matapos na ang araw na ito ay wala ni Happy ang narinig ng mga tenga ko! Tinatanong ko sya kung may naaalala sya pero ang naaalala nya eh yung mga assignment na hindi nya nagawa at na baka magkaron sila ng pop quiz.
BINABASA MO ANG
My Teacher's Boy?
Fiksi PenggemarHistory repeats itself? Sus! Pinahirap pa. Eh pwede namang karma na lang diba? Pero......is it good? Or bad karma? What if the spotlight will turn the other way around? Noon...My teacher's girl ang peg. Ngayon it's my turn. Is it possible to have a...