[-LJ-]
Nagpalit muna ako ng damit tapos kinuha na ang lahat ng dapat kong kunin. Inilagay ko na muna yun sa kwarto ni Deio tas bumaba ako para............
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.........MAGLUTO!
Whoo! BOOM. BOOM. Sabog confetti!
Ang saya lang-.-
Well, lugaw lang naman to. Madali lang yan.
After 15 min...................
Okay na kaya to?
Eh wala kasing chicken or egg eh. Luya lang.
Bahala na nga.
Kumain muna ako ng mabilis. Hmm........okay naman sya.
Tapos inakyat ko na sa taas. Pagpasok ko, nilapag ko muna sa table yung tray at ginising sya. Pero alam nyo ginawa? Nagtaklob lang naman ng kumot.
"Sige lang bata. Pag hindi ka nakapasok sa monday ibabagsak kita sa math eh."
"Psh."
Tapos tinanggal na nya yung kumot at sinubukang umupo. Hirap sya kaya tinulungan ko na. Kinuha ko na yung lugaw.
Hinipan ko ito. Pero napatingin ako bigla sa kanya.
Hindi mo maintindihan ang buhok.
Nakapikit at halatang pagod ang mga mata nya.
At..........gulay naman oh.............bat.....
"Mam tititigan mo na lang ba ang labi ko?"-sabi nya ng nakapikit pero nakangiti.
"Siraulo. Sumubo ka na nga lang. Oh."-sabi ko at sinubuan na sya.
"Ano yan? Suman na natunaw na may luya?"-sabi nya na halos ibulong na nya.
Aray ha..........
It. Hurts.
"Che! Kainin mo na lang. Wala tayong cook eh sori ka."
Sumimangot naman sya. Pinilit kong ipaubos sa kanya yun kasi iinom sya ng gamot. Nakikipagtalo pa pero wala syang choice. Mahina ka totoy eh.
"Ang sama mo."-sabi nya sakin.
"Masarap yan wag ka. Special recipe ko yan. Saka kumain ka na nga lang! Dami pang satsat."
At nang maubos na nya eh pinainom ko na sya ng gamot at humiga na sya. Gusto ko mang pagbawalan syang humiga kasi kakakain nya pa lang. Pero kawawa naman.
Kumuha na lang ako ng bimpo. Yun kasi ang ginagawa sakin dati ni mommy eh. Para daw mabilis bumaba ang lagnat.
"Oy totoy. Bimpo time muna tayo."
Tumango lang sya. Ibinaba ko na yung kumot. Yung labas lang ang mga braso nya.
Pinunasan ko na yung left na braso nya. Sige na pati na yung kamay! Tas pati dun sa kabila. Tas yung leeg nya at dun sa mukh- mali pala. Ulo. Yun. Pati ulo nya.
"Napano ba yang mga pasa mo?"-mahina kong sabi.
"Di ko 'lam."-bulong nya.
"Tss. Ikaw kasi. Bat ka ba naglalasing? Alam mo natry ko na yan. At hindi maganda ang kinalabasan. Swear."
Napangiti lang sya.
Oo na. Kasi nung naglasing ako, naging instant close na kami. Teka........close talaga?!
"Kung may problema ka kasi, sa kaibigan mo ka magsabi."
"Wala naman silang kwenta. Tatawanan lang ako nun."
Oo nga. Boys will be boys.
"Andito naman ako ah. Look, Deio, adviser mo ako. ADVICE- ER nga eh. Pwede mo namang sabihin na lang sakin."
"Hindi nyo ako maiintindihan."-pagkasabi nya non, ngumiti sya tapos tumagilid na.
"Hoy hoy Deio! Tatalikod kaagad?! Teka gagamutin pa natin pasa mo."
"Tss. Bukas na."-mahina nyang sabi.
"NO."-madiin kong sabi. Wala syang magawa kaya ako ang nanalo.
"Ow!"-aray nya.
Wow ah ang sosyal-.-
"Sorry na."
Pinindot ko uli.
"Ano ba?! Ang sadista mo eh."
"Sorry na nga."
Pindot naman sa isang pasa.
"Aray! Masaya ba talagang saktan ako ha?"
Wow. Parang may laman yung sinabi nya.
"Eto naman. Sorry po~(chichay style)"
"Sige papatawarin na kita."
Wow ang taray! Nilagnat lang eh-.-
"Ang kapal mo. Ako na nga yung nagaalaga."
"Dejoke lang. Ikaw naman mam."-sabi nya ng nakangiti.
Humiga na sya. Ako naman nasa kabilang side lang ng kama. Pinapanuod ko lang syang matulog. Hanggang sa humiga na din ako. Teka guys relax! May unan naman sa gitna oh.
Tumalikod ako. Pero napaharap din ako.
Sana lagi ka na lang tulog...
Ang pogi mo palang tulog ano?
Tsk....ano ba tong mga pinagiiisip ko!!
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/7874853-288-k373602.jpg)
BINABASA MO ANG
My Teacher's Boy?
FanfictionHistory repeats itself? Sus! Pinahirap pa. Eh pwede namang karma na lang diba? Pero......is it good? Or bad karma? What if the spotlight will turn the other way around? Noon...My teacher's girl ang peg. Ngayon it's my turn. Is it possible to have a...