Chapter 4-Magulo Much

288 2 0
                                        

After that scene, nagalisan na ang mga estudyante. At natira si George. Umiiyak sya. Kaya naman nagexcuse lang ako at tumakbo ako papunta sa kanya.

"Oh...George...bakit?"

Umiiyak lang sya. Pero after a moment of silence pumipiyok syang nagsalita.

"I-I thought y-you were my f-friend."

Ha? What the hell!! Anong pinagsasasabi nya?!

"Yes I am your friend."

Umiling sya.

"N-No. Hindi kita kaibigan. K-Kasi kung kaibigan kita, hindi mo aahasin ang taong alam mong may fiance na."

Ano? Anong konek nun? Sya ba yung fiance? Bakit ba sya nagkaka-

Wait....wait....at wait.....

What the hell!!

SYA BA ANG FIANCE NI GINO?!

"T-Teka....i-ikaw? Ikaw ang-"

"Oo ako. Ako ang dakilang fiance na may gawa ng lahat ng patibong na ito. Ako ang dahilan kung bakit kayo nagbreak. At anong ginawa ko? Syempre isang malaking secreto na yun."

George....kaya pala kinutoban na ako na bagay ang georGINA na pangalan sa pangalan ni GINO. Pero....pero anong gagawin ko? Mahal ko si Gino. Pero hindi ba magmumukha akong selfish kapag hindi ko na lang ibigay sa kanya? Tutal sila naman ang meant to be. Kasi fiances na sila. Eh kami? May salitang "KAMI" lang.

At hindi kami legal.

Pero  ipaglalaban daw ako ni Gino diba?

Anong gagawin ko?

"I'm sorry LJ. Kung ganto ako kaselfish. Pero please lang. Please. Mahal ko sya. Mahal na mahal mula pa noong bata kami. Kung gusto mo, l-luluhod ako....luluhod talaga ako."-sabi nya nang umiiyak. At tinotoo nga. Lumuhod sya.

"George. Tumayo ka nga jan."

Napatingin kami pareho kay Gino. Kaya si George tumayo na.

"George....stop ruining my lovelife! Kelan mo ba maiintindihan na hindi kita mahal! Maawa ka naman sa sarili mo!"

"Pero Gino! I felt it. Naramdaman ko na mahal mo rin ako. Why do you keep on denying it?! Bakit natatakot ka? Or maybe because you're a coward. Ah oo! Duwag ka nga! Tama ako! Kasi gusto mo parati sa safe lane. Pero boring. Natatakot kang aminin na mahal mo rin ako kasi pakiramdam mo delikado akong mahalin. Gets mo? Ako kasi gets ko na."-sabi nya nang umiiyak. Si Gino naman lumambot ang tingin sa kanya.

Bakit?

Don't tell me....jusko sana naman hindi!! Please!!!!

Sana....sana mali ang iniisip ko.

Paalis na si George pero may nalimutan pa pala syang sabihin.

"Oh at Gino. Don't worry. Aalis na rin ako sa condo natin. Wala na rin namang patutunguhan kung magstestay pa ako. Tutal hindi mo na naman pala ako mahal. At by the way, I'm pregnant. Hindi na kita hahabulin. Mayaman din naman ako eh. Kaya ko tong buhayin ng solo. And LJ, I'm resigning."

At umalis na sya.

Iniwan akong nakanganga.

Naninigas.

Nanlalamig.

Hindi ko alam ang iisipin ko.

Ang sasabihin ko.

Okay na eh. Akala ko mahal nya ako.

Eh kamusta naman yung nabuntis nya?

Or rather kamusta naman yung binuntis nya?

Humarap sya sakin. Umiiyak. Ay...ako din pala. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. At nung may tumulo namang luha sa isa nya pang mata...napahagulhol na ako.

"I-I hate you."-matigas at nanginginig kong sinabi.

Lalapit pa sya at yayakapin ako pero lumayo ako at nagtaas ng parehong kamay.

"Oh Gino...haha...bakit ka naman mangyayakap? Are you guilty? Frustrated? Or baka naman isa lang ito sa mga isandaang palabas mo?"

"Lj.....sorry....please....lasing ako....lasing ako noon. Akala ko sya ikaw. I-I'm sorry."

"Ah so plano mo palang gawin sakin yun Gino? Pakshet ka din eh noh? Ang galing mo. Magaling magsinungaling. At nga pala, break na ulit tayo."-sabi ko at nagwalk out na. Pero sinusundan nya ako at ako naman hindi ko na alam kung saan pa ako iikot. Kaya nagpunta nalang ako sa isang lumang building. At hinarap sya.

"Tama na Gino! Please lang tigilan mo na ako! Kelan mo ba ako bibigyan ng chance na makamove on ha? Sukang suka na ako sayo! Ang dumi mo na. Ayoko na please!"-sabi ko nang umiiyak nanaman. Hindi ganun kadaling magsabi ng ganyang mga kataga. Syempre nasasaktan padin ako. Mahal na mahal ko si Gino. At tuwing umiiyak ako, ramdam na ramdam ko yun.

"Pero LJ....please rin. Maniwala ka naman na ikaw ang mahal ko. Pananagutan ko lang yung bata. Pero sayo padin ako uuwi."

"Gino hindi pwede yun. Kakainin ako ng konsensya ko. Pano yung bata? Hindi ba napakaselfish ko naman kung ipagkakait ko sa kanya ang oras mo? Saka malay mo...sign na pala ito."

"Sign?"

"N-Na hindi pala talaga tayo pwede."

Niyakap naman nya ako.

"I'll miss you."-sabi nya sakin habang umiiyak nadin.

"Ako din."-sabi ko at nagbuntong hininga.

Humiwalay na sya sa yakap.

"I..."

Hinalikan nya ako sa noo kaya napapikit ako.

"Love.."

Tapos hinalikan nya ako sa ilong.

"You..."

At slowly, hinalikan nya naman ako sa labi ko. Parang ulan kung tumulo ang mga luha ko ngayon habang ganun padin ang posisyon namin.

After ilang seconds, humiwalay na sya. Ngumiti sya ng malungkot at pinahid ang mga luha ko. Tapos niyakap nya na ako.

"I love you..."

"I love you din Gino. Pero hindi talaga tayo."

Humiwalay na sya sa yakap.

"Sana makamove on ka na at maging masaya ka na."

Pagkatapos nyan, tumalikod na sya at umalis. At lalo akong napahagulhol dun. Napaupo na nga ako at binaon ko ang ulo ko sa mga tuhod ko.

Gino...

Ang sakit=,(

Sobra...

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon