Chapter 8-The Deal+MTB SPECIAL#1

266 2 0
                                    

[-LJ-]

"Yun! Hulog ka talaga ng langit mam! Eh ikaw lang pala ang kailangan ko para magets to eh."

Umirap na lang ako.

"Pano na yung kasunduan natin? Kamusta na yun?"

"Okay lang. Nahinga padin."

"He-he-he..."-sabi ko ng sarkastiko ang tono. Tas tumayo na ako para isauli yung libro sa shelf.

"Una muna sa buhok, dapat magmukha kang nangaakit. Yang buhok mo kasi painosente."

Hinawakan ko yung buhok ko.

"Anong ipinaglalaban mo?!"-pagkasabi ko nyan eh umakyat ako dun sa mini stairs para ilagay yung libro.

"Tas sa mata. Kami kasi ang type namin, yung tumitingin sa mata tas iiwas agad. Medyo nakakahiwaga diba? Tas sa ilong,....kailangan mabango ka."

At sakto nung bababa na ako eh nadulas ako buti na lang sinalo ako ni Deio.

"Aray naman...ang bigat."

Psh. Angal pa to!!

Tas pakshet. Pagrolyo ko eh napaharap ako sa kanya. Yung kamay ko, nasa chest nya. Hinawakan naman nya yun. Ano bang problema nito?

Tas tiningnan nya ako ng mata sa mata.

"At ang last lesson for this day...."

At hinalikan naman nya ako.

Mga ilang segundo rin yun tas bumitaw na sya. Ako naman napako lang dito. Ngumiti naman sya.

"B-Bakit? Bakit mo ginawa yun?"

"Its part of the lesson mam. Teka...wala ka bang balak tumayo? Nageenjoy ka na ata eh."

At tumayo naman ako dali dali.

AAAAAAAAAAAARGH!! Pakshet naman to oh!!

"Manyak mo. Bigyan kaya kita ng 75 sa card?"

"Ay walang ganyanan mam. Tinuruan ka na nga eh."

"At pano mo naman ako naturuan?!"

"Well, kapag may nambigla sayong ganun, dapat attentive ka. Wag mong ipapahalatang bigla ka. At teka...may ibubulong ako sayo..."

Tas lumapit naman sya sa tenga ko pero imbes na bumulong, hinalikan nya ako sa cheeks.

AA DEIO NAMUMURO KA NANG TOTOY KA AH!!

At syempre, papatalo ba ako.

"Alam mo totoy, sabi nila, pag daw mas malaki ang kamay kesa sa mukha, abnu."

"Eh talaga mam? Well, ako pa maging abnormal? Tamo o diba mas malaki padin ang mukha ko."

At nung inilagay na nya yung kamay nya sa mukha nya eh pinalo ko yung kamay nya. Kaya para ko syang binatukan ng paharap.

"Yan ang bagay sayo. See you on my class tommorrow. At sana gumaling na ang ilong mo!"

At umalis na ako.

***

 {=Gino+George=}

|MTB SPECIAL|

[-George's POV-]

2 months na nga pala akong buntis.

At hanggang ngayon, malamig padin sakin si Gino. Paggising ko, himala ata. Bakit? Magkatabi kami ngayon oh. Usually kasi paggising ko, wala na sya sa bahay.

Oo ganun. Kaya naman humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang likod nya.

At nagulat ako nang gumalaw sya at yakapin ako. Is he doing this every morning?

"I love you..."-bulong nya.

WHAT?! Ano ba to? Gising na ba to o nananaginip lang? Baka naman si LJ padin yung napapanaginipan nya. Psh. As always.

"Hey...wake up. You're having a nightmare."-sabi ko at niyugyog sya. Sya naman ngumiti at nagmulat.

"So you're awake. Don't you know na every morning ko yang sinasabi sayo? Tuwing tulog ka. At hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo. And I'm sorry."

Ano? Ganon ganon na lang yun?

Umupo ako at sumandal tas humarap sa kanya. Sya din umupo at sumandal.

"Why? What's wrong?"

"Ano? Sa tingin mo ganun na lang yun? 2 months. Dalwang bwan mo na akong hindi pinapansin. At nung pinansin mo ako eh sinigawan mo pa ako sa harap ng ex mo. Kamusta ka naman Gino? Tapos sinabi mo din saking mahal mo ako bago magkababy yung tyan ko. Pero dahil sa isang pagkakamali ko na nakipagkita ako sa ex ko to break up with him, binawi mo. Tas ngayon ibabalik mo nanaman?! You jerk! Alam mo bang kahit ganyan na ang nangyari mahal padin kita?! You stupid je-!!"

Pinutol nya ako with a kiss. Ako naman na nadadala eh inilagay na lang ang mga kamay ko sa leeg nya.

"Thank you for calling me a jerk. Diba jan naman tayo nagsimula?"

Nagsmirk ako.

"I hate you, you jerk."

Nagsmack sya sakin bago magsalita.

"I love you. Come on. Say it."-sabi nya at ngayon ay nasa ibabaw ko na sya.

Ngumiti ako.

"I love you too."

At doon, hinalikan na nya ako na parang uhaw na uhaw. Pero wait...

"Teka Gino. Pano si baby?"

"Let's make it twins."

Tumawa lang ako dun. At nangyari ang dapat mangyari.

I really love him.

My Teacher's Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon