Third Step in their Territory

5.7K 243 9
                                    

Chapter 3
Territory

*****

Gezeth Avril Stardust


Dahan dahan kong minulat ang mata ko at inilibot ang paningin sa paligid. At agad akong napabalikwas ng makitang hindi pamilyar ang mga bagay na nasa paligid ko. At isang tanong lang ang gusto kong masagot ngayon" nasaan ako?"

Inalala ko lahat ng nangyari sa'kin yung tungkol sa paglayas ko, yung sa bampirang humabol samin, yung sa babaeng lobo.

Agad kong kinapa ang leeg ko ng maalala ko 'yong kwintas na ininigay niya sakin at nakahinga naman ako ng maluwag ng makapa ko yun.

Ang pinaka huling naalala kong nangyari ay may tumulong sa akin na isang lalaki ng muntikan na akong kagatin nung walang hiyang bampira 'yun. Dahan dahan akong tumayo, at mahinang napadaing ng maramdaman ko ang hapdi ng sugat ko.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga matataas na puno. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko na rin maalala kung saan lugar ko ba naiwan yung kotse ko.

Bigla akong nakaramdam ng pagsisisi na umalis ako pero, hindi! Paninindigan ko 'to dahil ginusto ko 'to.

Ilang minuto muna akong nagmuni muni para mailibot ang paningin sa lugar na kinatatayuan ko hanggang sa may napansin ako sa bawat puno.

May parang mga sign siya, parang mga poste lang sa hallway ang pagkakahilera ng mga puno. I smiled when I saw a yellow butterfly hanggang aa naging lima sila.

My instinct told me to follow those butterflies and I think, wala naman sigurong masama kung sundin ko ang sinasabi ng instinct ko. Isa pa, mula ng umalis ako sa bahay ay alam ko ng may malaking posibilidad na may masamang mangyari sa akin.

Sinundan ko lang yung mga paro-paro hanggang sa dumami na sila. More than ten but I think they we're less than twenty. Bigla ko tuloy naramdaman na kahit papaano ay may kasama pa rin ako, butterflies are still a living things.

Napatigil ako ng isa isang dumapo ang mga paro paro sa isang parang sign na nakaukit sa isang malaking bato na parang sinadya.

"Imp. . . ier d. . d-es lova . . ti. . .c-cum aros. . . uè et . . de ri. . .bl. . .ei. . .on des de mare. . . simis die. . .st. . .es" Halos mahirapan akong basahin yung nakaukit sa parteng pinakaitaas ng bato kaya inulit ko ulit.

"Impier des lovaticum arosuè et de ribleion des de maresimis diestes"

May nakasulat rin sa ibaba kaya naman mas inilapit ko ang mukha ko doon para mabasa ng maayos. "The town where the powerful creature lives but cursed"

Sandaling napakunot ang noo ko pero napakibit balikat "Weird". Napatayo ako ng tuwid ng may maramdaman ako na parang may nanunuod sa akin.

Nandoon pa rin ang mga paro paro, nakadapo pa rin sila sa itaas na parte ng bato. Patagal ng patagal ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko at doble dobleng kaba ang nararamdaman ko.

"Gezeth, matapang ka" isang piping usal ko sa sarili ko. Mabilis na napalingon ako sa isang puno ng mahagip ng mata ko ang isang pares ng mata. Maitim at nakakatakot.

"Aaahhh!" nagsisisigaw na tumakbo ako. Dere-deretso ang takbo ko at hindi ko mapigilang mapaluha. Nilingon ko siya sa likod pero di ko na siya nakita, kahit ganun ay nararamdaman kong sumusunod pa rin siya.

I shout and shout at the top of my lungs and run as fast as I can. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa ilang butil ng luha na nasa mata ko. Minsan ay natitisod ako pero mabilis rin lang na tatayo para makatakbo.

Mas napatili ako ng malakas ng may maramdaman akong kamay na humawak sa magkabilang braso ko at mabilis akong yinakap.

"Calm down! Calm down, you're safe now" mahinahon ang pagkakasabi dahilan para mas mapaiyak ako. Takot, yan ang nararamdaman ko ngayon.

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ng bigla ulit akong nakaramdam ng takot kaya mas yinakap ko ng mahigpit ang kung sino man na yumayakap sa akin.

"May nakatingin sa atin, tinitignan niya tayo" kinakabahang sabi ko at inangat ang mukha ko. Tumambad sa akin ang isang mukha ng isang lalaki at mabilis na nagtama ang mata namin.

I saw a concerned in his eyes. "You're safe now, hush" mabilis akong umiling sa sinabi niya at inilibot ang paningin ko.

"May nakamasid sa atin ngayon" biglang nagsitaasan ang balahibo ko " dalawa sila" mahinang sabi ko. Naguguluhang tinignan niya ako hanggang sa sunod sunod na malulutong na mura na ang pinakawalan niya.

"Mga Carriers, fuck! Dionne, Joseph alam niyo na ang gagawin niyo!" pagkatapos ng sinabi niyang yun at binuhat niya ako na parang sa bagong kasal.

Hanggang sa naramdaman ko ang nipis ng hangin, minsan ay napapamura siya. Ang bilis bilis niya na hindi ko na makita kung saan niya ako dadalhin. Maya maya ay tumigil na siya.

Dahan- dahang binaba niya ako sa isang kama. Ni hindi ko nga namalayan na may bahay kaming pinasukan. Makikita pa lang sa mga gamit dito sa loob ng kwarto ay talagang mga mamahalin.

Parang napaka fragile na yung tipong isang hawak lang ay mababasag na. Nakayuko pa rin ako habang nakaupo dito sa kama kung saan niya ako ibinaba, ramdam ko naman ang titig niya sa akin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita "Tell me human, what are you doin' in that kind of place? Do you even know where you are right now?" kalmado lang ang pagsasalita niya but really, it intimidate me.

Parang nagkaroon ng bara sa lalamunan ko na hindi ko alam. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko! Dahan dahang iling lang ang isinagot ko.

Napabuntong hininga ulit siya kaya dahan dahan kong iniangat ang mukha ko. Bumungad sa akin ang isang lalaking nakatayo, ang kapansin-pansin sa kaniya ay ang maputla niyang balat.

He's handsome, I can't deny it, he's like a god. Napakagat labi ako ng makitang para siyang problemado. Nakalagay lang ang kanang kamay niya sa noo niya na para bang namomroblema.

Hanggang sa naramdaman niya atang nakatingin ako sa kaniya. Napayuko ako ng kaunti ng bigla niya akong tignan. Magsasalita na sana ako ng may panibagong boses na nagsalita.

"Young Master, we found out that there are four Vampire Carriers na nakapasok" agad akong napaangat ng tingin sa kanila may narinig ako na nagbigay ng takit sa buong sistema ko, vampires.

"What happened?" maawtoridad na tanong ng lalaking nagligtas sa akin at ng bumuhat sa akin papunta dito.

"We did it as what you command us to do, young master" saglit na yumuko ito sa lalaki at bago lumabas sa silid ay tinapunan niya muna ako ng isang tingin.

I don't know what's going on here. Now, I feel regret. I regret that I runaway from our house. Pakiramdam ko kasi ngayon ay kahit anong oras ay matitigok na ako.

"I want to go home" mahinang sabi ko na alam kong nakakuha ng atensyon niya.

"How can I brought you home if I don't even know where you live? Do you even know where you are right now?" may bahid ng kung anong emosyon sa way ng pagsasalita niya. Awa kaya? Maybe yes? Maybe no?

"Then where am i right now?" kusang nagsalita ang bunganga ko. A smirk formed in his lip like he's not expecting me to ask it.

"Can you promise me one thing first?" nagtatakang tinignan ko soya pero napatango rin lang ako. "Don't shout when you knew where you are right now nor do anything wrong that can cause of your death"

Shiver went to every part of my body and at the same time, my body froze of what he said. Parang babala but still thank god that I still manage to talk "Promise"

Saglit na tinignan niya ako bago niya ibinuka ang bibig niya.

"You're in my territory, you entered our society where you even don't know that you are the prey. You're in the Vampire territory, Missy"

*****

Sorry for the typos especially wrong grammars kung meron man. xD

MHIKASHI

In the Vampire's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon